MERIDITH
Malakas ang pag patak ng ulan at ramdam ko din ang lamig sa loob ng bahay, mas lalo pang naging malungkot ang kabuuan nito nang sumunod si Dad para sa isang misyon ang sabi niya sa akin kapag hindi siya nakabalik kailangan ko daw agad umalis sa bahay namin sa loob ng dalwang araw, at ito na ang araw na iyon. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya saakin dahil dumating na ang mga sumundo sakanya noon, kaya naiwan ang katanungan ko kung bakit iyon nasabi ni Dad.
May masama bang mangyayari ngayong araw?
tumingin ako sa aking relo at pasado alasais na ng hapon nang bigla nalamang may kung anong sumabog sa living room namin nakakarinig din ako ng pag ka wasak ng mga pader at pagkabasag ng mga pigurin kinilabutan ako ng sandaling iyon agad kong sinaraduhan ang pintuan ng kwarto ko ngunit ang yabag sa hagdan ay lalong bumilis.
Pinipilit nilang mabuksan ang pintuan!
Halos mataranta na ako lahat na ng maaring mailagay sa pintuan ay ginagawa ko na, napatingin naman ako sa kaliwang bahagi ng bintana wala na akong ibang pag pipilian kundi ang dumaan dito ilang sandali pa tumalsik na ang lahat ng gamit ko sa pintuan at dahil sa pag kataranta agad kong binuksan ang bintana at sinubukang doon tumalon sakto naman na nandoon ang basuran na may lamang mga plastik ipinikit ko ang mga mata ko at tumalon mula sa ikalawang palapag ngunit lubhang napakabilis ng bagay na humahabol saakin!
nawasak ang bintana ko at kitang kita ko ang mala higanting linta napaka lagkit ng katawan niya dahil kitang kita ko ang mga naiwang malalagkit na tubig sa bintana. Tumakbo ako palayo doon ngunit mas lalo pa niya akong hinahabol!
Malakas parin ang ang pag buhos ng ulan ngunit nakakapag taka dahil wala na agad tao sa paligid. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko at halos hindi ko na magawang makatakbo dahil sa pagod, kinakapos na din ako ng hininga ilang sandali pa nakita kong aatakihin na ako ng halimaw unti unting bumubuka ang nakakadiri nitong bibig na may mga u-od pang nahuhulog mula doon.
"h-hindi.. w-wag.. WAAAAAAG!"
isang napakalakas na sigaw ang ginawa ko kasabay naman noon ang pag hangin ng malakas nabigla man ako sa pag dating niya ay agad akong nakabalik sa realidad ang tubig na nang gagaling sa ulan ay hindi tumatama sa kanya para bang ang tubig ay humihiwalay sa sahig kapag hahakbang siya doon kung titignang mabuti para siyang nababalutan ng sheild dahil hindi siya na babasa!
Lumabas ang spadang gawa sa tubig mula sa kanang kamay niya at ginamit niya iyon upang mahati sadalwa ang halimaw nag kalat ang berdeng dugo sa paligid.
*dug*dug*
h-humarap saakin ang lalaki at base sa pangangatawan at mukha niya ay mag kaidad lamang kami.
*dug*dug*
b-bakit ba ganito ang pintig ng puso ko m-masama ba siya? o nandito ba siya para tulungan ako?
Humakbang ako palayo sakanya ngunit lubhang napakabilis din niyang kumilos dahil nasaharapan ko na agad siya para siyang hangin sa bilis niya.
"ipinapasundo ka ng Head Master kailangan mong sumama saakin kung gusto mo pang mabuhay."
Napalunok ako sa sinabi niya nilagpasan niya ako sa pag lalakad at pag lingon ko muli sa halimaw ay wala na ito! wala nang kalat sa paligid aaminin kong nangilabot ako ito ba ang sinasabi noon ni mama?.
Mga demons? isa ba sa mga iyon ang umatake saakin pero saan ako pupunta mapapagkatiwalaan ko ba ang lalaking ito? normal na uniform lamang ang suot niya ahh
Nanlaki ang mata ko ng mapansin ang logo nito nakakapag taka!! ang ELDERTALE! ang eskwelahan mula sa burol? h-hindi nga iyon ang pinaka sikat na eskwelahan sa bayan walang sinoman ang nakakapasok doon. Sa kwento ni mama ang eldertale ang may pinaka striktong eskwelahan bukod doon wala nang nabanggit pa. Ano kaya ang mysteryo sa loob ng paaralan na iyon alam kong isa akong hunter pero sa itinagal ko sa mundo ngayon palang ako naka kita ng iba pang hunter bukod kina Dad nakakasiguro akong mapanganib din siya.
"ano pa bang ginagawa mo kung ayaw mong makita ko yang nakakairita mong panloob bilisan mong mag lakad!"
Agad akong napatingin sa sarili ko at pinamulahan ng muka ng makita ang katawan ko ! nakalimutan kong... manipis ito at kitang kita ang drawing sa panloob ko
"Bastos!"
"tss.."
Napailing ang lalaki habang nag lalakad kami tumigil siya sa may bakanteng lote namay malaking gate binuksan niya ito at ako sumunod naman nag tatakaman ako ay wala na akong magagawa pa doon nilalamig na din kasi ako siguro naawa na siya sakin kaya pinag pahinga muna niya ako.
Pero laking gulat ko ng mag bago ang nasa loob nito naging...napakagandang HALLWAY?! SERIOUSLY?
napaawang ang labi ko ng bahagya i-ito na ba ang lugar kung saan lumaki sina ama at ina? nag sarado ang pinto naramdaman kong may nag lagay ng towel sa likod ko lumingon ako mula doon at nakita ko ang isang dalaga na may kulay ube na damit naka suot siya ng bestida may puti siyang boots na bumagay sa magandang kulay ng buhok niya ash grey.
"Maligayang pag dating sa University Meridith Klare Salvacion"
**
BINABASA MO ANG
University of ElderTale
Mystery / Thriller"Hindi ko alam kung na malikmata ba ako sa nakita ko pero alam ko kung ano yon, may ginagawa silang kababalaghan sa paaralan! natatakot ako dahil ako na isusunod nila isasakripisyo nila ako!" "dapat alam mo na yon nung simula palang na pumasok ka sa...