MERIDITH----
***
"grabe yung nangyari sa class
3-A no biruin niyo yung classroom nila ang laging inaatake ng demon""oo nga eh"
"pero mga level 3 to 4 naman ang antas nila kaya makakalaban sila hindi katulad natin level 1"
level 1 ? napalingon ako sa mga nag uusap usap bigla kong na alala ang sinabi ni frost ang mga level 1 nga pala ay ang mga baguhan at walang magic ability. Inibot ko ang paningin sa cafeteria lahat sila yun parin ang topic hanggang sa may tumabi sa table ko nakita kong walang imik si azalea kasabay din niyang dymating si frost na nag prisinta sa pag bili ng pag kain ko.
"klare salvacion gusto lang kitang sabihan ng goodluck para sa misyon niyo bukas hindi ako makakasama dahil sa nalalapit na anibersaryo ng eldertale "
"uy! oo nga no! kaya dapat pala mahuli agad natin yung mga demon bukas.!"
singit ni frost at binuksan ang
bottled juice niya."oo kailangan niyo talagang makabalik agad minsan lang ang ganitong piyesta sa university tska klare you are strong enough to fight against demon prove them wrong na wala kang alam sa nangyayari."
and with that umalis na si azalea ayan nanaman puzzel nanaman ang mga pananalita niya.
"Alam mo kumain kanalang klare para bukas mag reready na agad tayo.tska nakaka excite makakabili nanaman ako ng bagong damit sa Sm! "
nasapo.ko ang ulo ko sa mga naririnig ko sa lalaking to para bang kampante na kampantr siya na mapapatay namin yung tatlong demon. Like hello? Kagabi lang kaya nakakita kami ng grupo ng mga lalaking naka suot mg itim paano siya nakaka arte ng parang walang siyang nakita at walang naganap na ganoon kagabi. Ilang sandali pa ng pananahimik ko ay may papel na ibinigay sakin si frost. Binasa ko agad yon dahil nag tataka ako kung bakit kailangan pa talagang isulat para kasing timang kaharap ko lang kasi siya.
-wag kang mag babanggit saakin na may nakita ka kahapon maramig nakamasid saatin ipag palagay mo na wala kang alam at inusente k ganun lang ang laro dito klare sa dorm lang tayo malaya na makipag usapa ng seryoso. Get that? just dont mind everything we are in control-
Bigla nalang akong napangiti at agag nawala ang papel sa lamesa ngumiti din saakin si frost.
"si razon ba papasok?"
"Hindi ko padin siya nakikita baka nasa music room"
tinaasan ko siya ng kilay at tinignan naman ako ni frost na para bang nag tatanong kung may nasabi ba siyang mali
"m-may music room dito? Seriously? eh puro sandata lang ang nakikita ko dito."
"oo naman anong akala mo dito puro patayan.. piyesta na sa isang araw malamang nag hahanda yun bokalista yun eh"
halos maibuga ko na yung juice na iniinom ko teka tama ba yung pag kakarinig ko si razon? vocalist? di nga?
"i told once you dont know everything yet about us,but a little bit patience is good enough to know us better"
tumango tango ako napaisip ako bigla parang ang astig lang! ngumiti ako muli at tinitigan ang dagger ko sa lamesa
malalaman ko din kung sino kayo .. sa mga susunodpang araw.
---
****
Nagising ako sa napakalamig na tubig na ibinuhos ni razon sa muka ko kaya naman sa gulat ko ay.nalaglag nanaman ako mula sa kama. Isang katakot takot na pag bubunganga ang ginawa ko pero parang wala parin siyang paki alam.
Napairap nalang ako sa kawalan at inayos ang sarili ko bang matapos akong maligo na palingon ako sa kama ni samanthan nasaan nakaya siya?. Simula nung nawala siya para bang hindi na siya hinahanap ng mga professors namin, kahit nga sa klase wala silang na babanggit na tungkol sa kanya nakakapagtaka. Bumaba ako sa second floor at nakita kong nakatayo sina frost at razon handang handa natalaga silang lumabas ng portal mula sa mundong pinag mulan ko.
Ang dapat ay matuwa ako dahil lalabas ako sa impyernong to pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Ako pa ata sa aming tatlo ang mas kinakabahan ang sabi ng dalwang to kapag lumabas kami hindi kami.makikita ng sino mang ordinaryong tao makikita lamang nila kami kapag ginusto namin pero gagana naman kaya saakin ang pinag sasabi nila ni hindi ko nga alam kung paano gagawing invincible ang sarili ko.
"Pupunta ba tayo sa lamay bakit naman naka itim kayong pareho.?"
nag salubong ang kilay ni razon at napatawa nman ng wala sa oras si frost.
"Nag salita ang babaeng hindi nakapang burol ang suot."
Tumingin ako mula sa pang itaas at pang ibaba ko. Napansin kong naka black and white nga pala ako napa awang ang bibig ko at naikuyom ang aking kamay ang sarap niya talagang bigyan ng sample sa muka!
Pasimple akong lumakad papunta sa kanila susuntukin ko sana si razon ng bigla kong maalala ang nangyari nung isang araw kaya naman napatigil ako.
Yung pag yakap niya sakin!! Nakakainis!! bakit ngayon ko lang narealize ang nakakahiyang bagay na ginawa ko SA BUONG BUHAY KO!! pinamulahan pa ako ng muka kaya naman agad akong lumakad pa una.
"Tara na nga masisira lang ang araw ko kung kakausapin ko pa ang lalaking pinag lihi sa sama ng loob kainis!"
pag mamaktol ko at binuksan ang pinto nakita namin sa labas ang nag hihintay na si azalea tinanguan niya ako at ganun din ang ginawa ko.
"Mag iingat kayo nasa inyo na ang mg profiles ng demon na hahanapin niyo ipinapasabi ng head master na mayroon lamang kayong dalwang araw para misyon kaya naman pag butihin niyo lalo kana klare being the highest rank kailangan mong patunayan na matatapos niyo ang misyon ng maaga..maiwan ko na kayo.."
yun lang ang sinabi niya? ang pag kakaalam ko na pag sabihan na niya ako kahapon ahh ano to unlimited goodluck charm langya.
Umirap ako sa kawalan at napansin ko nanakatingin sa kung saan si razon sinundan ko ang tingin niya..
ano namang tinititigan niya sa likod ng babaeng yon nakakasura.
"ok handa na ang portal tayo na?"
Na alimpungatan ako bigla ng mag salita si frost ang portal na ginawa niya ay kulay asul na kapag hahawakan mo ay parang tubig na nag liliwanag inilapat ko ang kamay ko doon at laking gulat ko nang humiwalay ang asul na bagay nanasa kamay ko namangha ako dahil para nga itong tubig!
Yun bang parang lumilipad kapag nasa space ang mga astronaut ang tubig sy nag korteng bilog malambot at malamig.
"bano tara na wag mo nang pag laruan yang tubig na yan"
nag make face lang ako sa kanya at napailing naman siya sabay sabay kaming pumasok sa portal naramdaman ko ang kakaibang lamig sa katawan ko pakiramdam ko nahulog ako sa ilalim ng dagat.
Hanggang sa naramdaman ko ang sarili kong nakatayo sa harap ng mini stop.
"ayos! nandito na tayo sa labas."
nakangiting wika ni frost ng bigla nalang may kumabog sa katawn ko napatingin ako sa kaliwang bahagi at nanlaki ang mata ko ang ulap doon ay iba nagiging kulay pula.
"ang swerte naman makakahuli agad tayo ng isang demon"
Demon..
"isang mirror world ang ginawa nila kailangan nating pumasok dyan'
"mirror?"
tanong ko.kay frost habang inuobserbahan niya ang laki ng mirror side
"oo mirror world dahil isa yang dimension na gumaya sa isang lugar kung saan siya napunta. Ang akala mong ordinaryong lugar ay hindi pala ordinaryo kumbaga tumira sila sa side na yan pero hindi mismo nakikita ng mata ng iba..sa mirror side mo makikita ang mga namamahay na evil spirits. Dalwang mag kaibang dimension sa iisang mundo"
Sa mga sinabi ni frost lalo lang akong nahihilo. Nasapo ko ang noo ko at nakita ko nalang na pumasok na sa loob si razon at frost.
ANAK KA NG TOKWANG BULOK !! PAANO NAMAN AKO?!
BINABASA MO ANG
University of ElderTale
Mystery / Thriller"Hindi ko alam kung na malikmata ba ako sa nakita ko pero alam ko kung ano yon, may ginagawa silang kababalaghan sa paaralan! natatakot ako dahil ako na isusunod nila isasakripisyo nila ako!" "dapat alam mo na yon nung simula palang na pumasok ka sa...