MERIDITHAZALEA'S POV
Hindi ko napigilan ang sarili ko natumakbo kailangan kong gawin yon dahil naramdan ko ang papalapit na na white owl nanag mamasid samin. Naikuyom ko ang kamao ko at sinuntok ang puno kahit dumudugo ang kamao ko ay mas masakit parin ang nararamdaman ko. Ayokong mawala si razon o lalo na ang kapatid ko katulad ng nangyari kay samantha. Si razon binalaan naniya ako nung una na kapag pumasok na saloob ng eldertale ang babaeng salvacion ay sisiguraduhin ko daw na mapunta siya sa tirahan ng mga elites.
Labag man sa loob ko ay ginawa ko parin alam kong sa oras na makapasok ang salvacion dito sa university mapapadali ang trabaho ng elders na kunin ang kapangyarihan ni klare sa kanya ang kapangyarihan bilang isang magiting na nephilim ang kalhating anghel at tao pati na ang magic ability nito.
Sa simula palang kinakalaban na ni razon ang elders ang lahat ng may kaugnayan sa pag kakamatay ng ina ni klare ay pinatay na niyang lahat. Pilit niyang inaalam ang sikretong silid na selyado maging ako ay walang kaalam alam sa lugar nayon ngunit, ang sabi sakin ni frost ang mga studyanteng nabiktima at himalang nabuhay ay may sinasabi sa kanila ang nasa loob ng silid ay isang lugar kung saan isinasagawa ang pag patay at pag aalag ng mga kaluluwa at dugo sa sinasabi nilang diyos.
Ang mga nabuhay at nakaligtas ay nawawala doon ko nalaman na pinapakawalan ito nina razon at ang iba ay namamatay at nagiging demon. Ang mystero sa likod ng silid ay unti unting natutuklasan kung mapapatunayan ang bagay na iyon malamang na manganib ang buhay ng kapatid ko. Ayokong mawalan pa ng mahal sa buhay. Ayokong maging malapit sila kay klare ayoko! kung kailangan ko siyang paslangin gagawin ko noon ang problema ko lang ay ang ka pusukan ni razon ngayon ito na. Bakit ba niya kailangang tulungan ang isang level 5 user kung kaya naman nitong protektahan ang sarili niya?.
Kahit wala ako sa misyon nila nakikita ko parin ang ginagawa nila sa labas ng eldertale satulong ng mahiwagang tubig sa laboratory nagawa niyang maikulong si mycob ang reyna.
Nasapo ko ang ulo ko at napaupo sa damuhan naririnig ko parin ang pag tugtog ni razon. Hindi ko alam ang sunod nanangyari dahil bigla nalang lumabas ang luha sa mga mata ko.
"umiiyak ba ako?"
noon.. pag tugtog lang ang gusto ni razon dala niya noon ang gitara at sabay sabay kaming tutugtog kasama si lady michaella pero nag iba ang lahat matapos mamatay ni lady walang makapag sabi kung nangyari. Si lady michaella ang head master noon at sobrang lapit namin sakanya dahil malimit niya kaming ipinapadala sa misyon isa siyng napakabait at siguristang babae ang kaso sa pagkamatay niya ay hindi matukoy ang sabi suicide pero talagang idinidiin ni razon na hindi nag pakamatay si lady at nakita pa niyang pinalibutan ito ng mga taong naka cloak.
Doon nag simula ang patagong pag iispiya nila ni frost umabot sa puntong maraming nag papatayan sa pagitan ng mga hunter sa di malamang dahilan maraming demon ang nakapasok sa eskwelahan at naging mas lalong marahas ang mga studyante.
Dumalak ang dugo hanggang ngayon, kaya naman ngayon lamang ulit nag karoon ng piyesta ako mismo ang naka isip ng bagay na ito para maitago ang anumalya nanang yayari hanggat maari bilang isang student council president kailangan kong maprotektahan ang studyante na wala pang kaalam alam sa malagim na nanangyayari sa likod ng pag patay tuwing sasapit ang alas dose ng gabi.
Ang eldertale na nag babalat kayo bilang taga sugpo ng demon ay napasok na ng mga dimonyo.
"bakit? bakit wala akong magawa?! .."
ang pag iyak nalamang ba ang sagot para pakalmahin ko si razon?.
hindi na ba talaga niya ako pakikinggan? bakit ba kailangn pa nilang iligtas ang babaeng salvacion?.
BINABASA MO ANG
University of ElderTale
Mystery / Thriller"Hindi ko alam kung na malikmata ba ako sa nakita ko pero alam ko kung ano yon, may ginagawa silang kababalaghan sa paaralan! natatakot ako dahil ako na isusunod nila isasakripisyo nila ako!" "dapat alam mo na yon nung simula palang na pumasok ka sa...