***
"pwede ba wag niyo nga akong tignan ng ganyan"
"paano kaba namin hindi titigan razon, ikaw lang naman itong bigla nalang nataranta nung mahimatay itong si klare ano kayang ibig sabihin non"
Ano ba yan hindi ba nila alam na gising na ko? nakakailang kaya na ako parin ang pinag uusapan nila tapos sinasangkot pa nila si razon sa nangyaring kahihiyan na nangyari kanina
"prinsesa nga kasi niya yang si klare"
isang malaking unan ang binato ni razon kay frost kaya naman nag tawanan ang lahat ng nasa clinic maliban sa akin at kay azalea na kanina pa ako pinag mamasdan ano nanaman bang problema nito.
Tumayo si Doc. Narxus siya ang sumuri kanina sakin at sabi niya nag karoon ako ng galos mula sa kuko ng demon kaya daw na apektuhan ang balat ko pero hindi niya mainitindigan ang nangyari saakin kaya naman inabot ng ilang minuto ang pag susuri niya.
"may nakita akong lason sa sugat mo mis. salvacion siguro ay kailangan mong mag ingat na sa ngayon kung nasa likod o harap ka man ng demon kailangan mong maging alerto dahil kahit iba ang nasa harapan nila may pusibilidad na umatake parin sila sa likod tuso sila "
sabi pa niya ang ibinigay sa akin ang isang maliit na bote na kasing laki ng hinlalaki ko
"inumin mo yan matatanggal niyan ang lason ng rankasas"
sinunod ko naman ang sinabi niya nakita kong lahat sila nakatingin sa akin maging ang si doc narxus, naubos ko ang likido na nasa loob noon at bumuti ang pakiramdam ko.
"ahh ibig sabihin isa kang nephilim"
sambit nito kaya napatingin. ako kay doc nurxus
"half-angels half humans...sinasabi ko na nga ba hindi ka pangkaraniwang tao dahil hindinka ipapasundo ng elders kay razon kung isa kalamang level 2"
lumapit sa akin si azalea at tinignan ang palad ko.
"wala pa ang runes sayo pero kapag tumagal mag kakaroon kadin ng symbulo."
"Tama isang angelic power na bigay pa mismo nang anghel na si Raziel"
singit ni frost na nakangiti saakin nakita kong nakangiti din si sam saakin at pumunta sa kama ko.
"ayos to bukod sa amin half angel ka din!"
"ha? teka lang hindi ko maintindihan ano ba ang nephilim na sinasabi niyo at ang runes wala ako sa katawan ko non walang nasabi sa akin ang magulang ko"
nasapo ko ang ulo ko hindi ko sila maintindihan anong nempil? napasulyap ako kay doc. narxus na ngayon ay umiinom ng wine itinaas niya ang clear glass at binigyan ako ng isang ngiti.
"ang mga nephilim ang offspring ng mga anghel nanahulog dito sa lupa at nag niig sa isang mortal "
si frost ang nag salita habang hawak niya ang tinapay mula sa kaliwang kamay niya
"at ang ibang impormasyon ikaw na ang umalam hindi kami tanungan ng mga baguhang katulad mo na hindi manlang dumaan sa antas ng pamantayan ng eldertale nakakainis ka."
tumayo si azalea at lumabas na sa pintuan ng clinic, hindi ko talaga maintindihan ang ugali ng isang iyon.
"maari ka nang makalabas mis salvacion ikinagagalak kong makilala ang bagong nephilim ng paaralan."
pag katapos noon bigla nalamang nawala si doc narxus ang naiwan lamang ay ang mga itim na pakpak.
"isa din ba siyang anghel?"
"oo ..dark angel ngalang..oh pano tara na? may ipapakita pa ko sayo at isa pa kailangang ilibot kanamin nina frost! sasama ka naman diba razon?"
tumingin kaming tatlo kay razon na wala man lang reaksyon sa sinabi ni sam nilagpasan niya lamang kami at nag kibit balikat
BINABASA MO ANG
University of ElderTale
Mystery / Thriller"Hindi ko alam kung na malikmata ba ako sa nakita ko pero alam ko kung ano yon, may ginagawa silang kababalaghan sa paaralan! natatakot ako dahil ako na isusunod nila isasakripisyo nila ako!" "dapat alam mo na yon nung simula palang na pumasok ka sa...