hird person pov
Mabilis nakarating si razon sa clinic ni doc. narxus kaya naman naagapan ang matinding pananakit ng katawan ni meridith pinayuhan niya razon na mas makabubuting mag pahinga muna ang dalaga at huwag ng pumasok sa pangatlong subject. Sa mga oras na iyon nag pa alam na din ang dark angel na doktor dahil may klase parin naman itong tuturuan dahil bukod sa pagiging doktor ng paaralan ay nag tuturo din ito ng medical magic sa mga level 2 user sa paaralan."ikaw na muna ang bahala sa pasyente ko stollas.."
wika ng doktor na ikinagulat ni razon ngumiti ito sa kanya at agad ng nawala at lumipad sa may bintana.
"paano naman kaya niya nalaman tss.."napalingon si razon sa salamin sa kanyang harapan at batid na niya ang dahilan kung bakit siya nakilala ng doktor dahil ito sa kanyang mga mata.
Nasapo niya ang kanyang ulo at napaupo sa mono block malapit sa kama ni meridith, tinitigan niya ang dalaga may kung anong meroon sa tinging iyon ni razon huminga siya ng malalim at inalis ang tingin sa muka ng dalaga.
"ano bang nangyayari sakin?. may pag kakataon na kong gawin ang dapat kong gawin dito ilang beses nadin akong nag kakaroon ng pag kakataong paslangin siya ngunit bakit ganito? bakit nag dadalwang isip akong gawin ito?"ginasumot ni razon ang kanyang buhok nag tatalo ang isip niya ng mga oras na iyon.
Naaalala niya ang unang pag kakataong lumapat ang labi niya sa babaing dapat ay pinatay na niya noon pa.
Kumakabog ang dibdib niya at hindi niya maintindihan ang pakiramdam na iyon, nakakaramdam siya ng kalungkutan at galit sa puso niya.
Galit dahil hindi niya matanggap na nag babago na ang ugali niya ng hindi niya inaasahan ..At kalungkutan sa hindi inaasahang dahilan. Kapag nakikita niya ang dalaga may parte sa puso niya napara bang gusto niya itong protektahan gusto niyang siya mismo ang maging pananggalang nito.
Mali nga ba ang maramdaman niya ang ganoong pakiramdam lalo pa at isa siya sa mga prinsipe ng impyerno? batid ni razon na unti unti siyang binagabo ni meridith ngunit mas pinili nitong mamalagi sa tabi ng dalaga kahit pa naguguluhan parin ang ..kanyang isipan
Sa mga ginagawa niya pakiramdam niya tinatapakan niua ang titulo na pagiging isang prinsipe at sa pag tagal ng pangyayari iyon ay batid niyang marami pang mangyayaring ikakapahamak niya o kahit ng babaeng anghel na inaalagaan niya.
"paano kita patuloy na poprotektahan meridith? kung alam kong mag papatayin din naman tayo sa huli.,?
tumayo si razon at tuluyan nang nilisan ang clinic isinarado niya ang pintuan at sumandal doon napayuko nalamang siya sa hindi malamang dahilan pakiramdam niya sinasaksak ang kanyang dibdib ayaw pa sana niyang umalis sasilid na iyon ngunit gusto niyang umiwas..
Ayaw niyang tanggapin nanakakaramdam na siYa ng mga emosyon ng katulad ng sa totoong tao gusto niyang lokohin ang sarili niya para sa ikabubuti ng lahat ayaw niyang paslangin ang dalaga mas pipiliin niyang antayin ang pag kakataong
magising na ang natutulog na spirito sa katawan nito upang sa gayon ay makakalaban siya ng maayos
Mas gusto niya ang patas na labanan kaysa sa ginagawa niya noon ang pumatay ng talikuran isang madaling stratehiya sa kalaban.sa pag tunghay niya nakita niya si scox na nasa harapan niya.
"what do you want?"
wika ni razon at agad inilabas ang spadang gawa sa tubig
BINABASA MO ANG
University of ElderTale
Mystery / Thriller"Hindi ko alam kung na malikmata ba ako sa nakita ko pero alam ko kung ano yon, may ginagawa silang kababalaghan sa paaralan! natatakot ako dahil ako na isusunod nila isasakripisyo nila ako!" "dapat alam mo na yon nung simula palang na pumasok ka sa...