Chapter 37

180 4 0
                                    


  Meridith's pov


Biglq nalang akong nagising sa lakas ng kulog at ulan sq labas ng dorm wala akong maatandaan sa mga nangyari, bumaba ako sa kama at lumapit sa bintana sobrang lakas ng ulan.


Nang mga sandaling iyon bigla nalang pumasok sa isip ko ang mga huling nangyari. ang pag dudugp ng katawan ko dahil sa mga natamong sugat dahil sa isang mahika, hindi ko din makakalimutan ang muka ni Scox may kung anong ipinahihiwatig ang mga mata niya, sobra na akong naguguluhan sa mga nangyayari kalaban ba siya oh ... kakampi namin?.

alam kong tinulungan niya akong makawala sa binding act na ginawa ni bahamot ang binding act ay isang mahika kung saan hindi makalagalaw ang biktima at dahil sa isa pang spell unti unting nanghihina ang katawan ko.

Hindi klaro ang lahat sa akin pero alam ko na nag bago ako ng anyo ng mga oras na iyon at tinawag ako ni leviathan na...


anghel ni razeil...


pag kasabi ko ng mga katagang iyon may kung anong kumabog sa buo kong katawan masakit iyon at hindi ko malaman ang gagawin ko para bang sasabog ang ulo ko.


Nakakarinig ako ng maingay na instromento hanggang sa dumugo ang ilong ko..

Nang hindi ko na makayan ay lumuha ang mga mata ko.. at sa pag luhang iyon napag tantu kong dugo na pala ang iniluluha ko..


"a-ano ito? ano bang nangyayari sakin?"

gulat na gulat ako sa dugong nasa palad ko napaupo pa ako sa sahig at napakapit sa kama ang dugo ay nag iwan ng mantsa doon.


May kung anong vission akong nakikita sa aking isipan nakakatakot ito..


nakatayo ako sa walang hanggang kadiliman at nilalamon ng itim na tubig ang aking katawan.. hanggang sa maramdaman kong may himihila saakin paitaas.

Ang pagaspas ng pakpak nito ay sadyang napakalakas ang kanyang itim na mga balahibo ay nag kalat sa tubig...pilit niya akong inaahon sa pag kahulog.


hanggang sa magawa niya akong maialis doon ..at isang halik ang naramdaman kong lumapat saaking mga labi.


Doon na nag balik ang ulirat ko sa realidad sa paligid ngunit ang dugo sa aking pisngi ay ganun parin agad akong tumakbo sa banyo at nag hilamos.. hanggang sa makarinig ako ng boses..


"...ngunit mahal ko siya hindi ko kayanh patayin ang lalaking iyon"


napatigil ako sa pag hihilamos... napalingon ako sa paligid ngunit wala naman akong nakikitang kasama ko.


doon nanaman muling kumabog ang katawan ko mas malakas na iyon kayat napahawak ako sa pader.

Dinala nanaman ako ng vission ko sa isang lugar kung saan madilim ang paligid puro usok at mga sigawan doob ko napag tanto na nasa digmaan ako.


Gulat na gulat akong makita ang isang babae kahawig na kahawig ko siya...


lumaput ako dito ngunit tumagos ako sa katawan niya may hawak siyang napakalaking spada..umiiyak siya .


ngunit nadidinig ko lahat ng mga sinasabi niya sakanyang isip.


".. mahal na mahal kita ngunit alam ko din na kailangan kitang paslangin wala akong karapatang mahalin ka dahil kahit kailan hindinh hindi tayo maaring mag kasama... patawarin mo ako..."

Nanlaki ang mata ko sa sunod na nangyari.. napakaraming demon ang sumugod sa kanya at dahil sa liwanag ng spada napuksa itong lahat ngunit hindi lamang iyon may isa pa...

University of ElderTaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon