Chapter 31

192 3 0
                                    



  Razon pov

Nandito ako ngayon sa music room na palagi kong pinupuntahan noong bago palamang ako sa eldertale. Kapag ganitong hindi ako mapalagay idinadaan ko nalamang sa gitara ang lahat.

Kinuha ko ang gitara nanakasabit sa wall at umupo sa may bintana. Doon ko inalala ang mga nangyari bago kami nakabalik ng eldertale.

Tama ba ang ginawa ko na ipaalam sa kanya na isa akong demon?. Huminga ako ng malalim at napatungo alam kong nakita na niya ang muka ko sa anyong iyon noon ng hindi sinasadya dahil nakalaban ko na ang mga magulang nito. Hindi iyon maiiwasan dahil hunter sila at ngayon hunter na din ako.

Isinandal ko ang aking ulo sa pader at tumingala, ang misyon ko ay para paslangin ang anghel na tagalupig sa propesiya. Pero nung pumasok ako sa eldertale hindi ko inaasahang mag babago ang pananaw ko sa mga.bagay bagay.

Para bang napalitan na ang dahilan ko kung bakit nandito ako sa lugar na ito, isa akong prinsipe ng hell at nakakatawang isipin na biglaang naging malambot ang puso ko sa mga taong nandito ang pakiramdam na
naging mahalaga sila sakin ng mahabang panahon na pamamalagi ko dito.

Hanggang sa makalimot na ako sa tungkuling inatas sa akin. Nalaman ko ang mga bagay na makakapag pahirap sa isang tao na nararamdaman ko nadin.

ipinikit ko ang aking mata at dinama ang hangin bakit nga ba ako nag bago?..

napangiti ako ng bahagya bigla kong naalala ang muka ni lady michaela napakaamo nito hindi ko alam pero parabang kapag kasama ko siya nakakaramdam ako ng init para siyang isang anghel na yumayakap sa likuran ko.

Isa siyang napaka buting kaibigan.

*****flashback****

"Razon Kendrick Paytos level 4 user,elementalist"

nakita kong nabigla ang.babaeng may braid sa kanyang buhok ngunit agad namang ngumit saakin , naiinis ako dahil kanina pa siyang nakangiti at ayoko ng ganon napaka inusente niya

"tawagin mo naman ako sa pangalang michaela ..lady michaela sigurado akong magiging elite ka din kagaya ko "

sapag hawak niya ng sa aking balikat parabang gumaan ang pakiramdam ko isang pakiramdam na hindi ko pa nararamdaman noon. Pag katapos ng unang araw ko sa eldertale isa ako sa.mga naging studyante niya kasama sina frost azalea at samantha. Nang mga oras nayon nakalimutan kong isa akong demon sa kanila ko naramdaman ang pakiramdam na hindi ko nararanasan katulad nalang ng tumawa. Kaya naman palagi ko siyang sinusundan kahit saan siya mag punta alam ko din na isa siyang kalhating tao at kalhating anghel kagaya ng kapatid niyang si dianna ang kaibahan lang half angel at demon ang kanyang kapatid. Nung huli ko siyang nakita ay nakikipag usap siya kay dianna kakaiba ang tagpong iyon dahil nag aaway na sila.

"dianna? anong ibig sabihin nito?"

"sabihin nanating naiinip na ko sa pangako mo na ibibigay mo sakin ang university."

"ano bang sinasabi mo wala akong natatandaan na iiwan ko ang eskwelahan"

nang mga sandaling iyon nakaramdam ako ng malakas na aura sa loob ng office tanaw ko sila mula sa bintana at nang mapansin kong lumingon sa kinaroroonan ko si dianna lumabas na silang mag kapatid.

at isang malakas na tunog sa aking tenga ang nadinig ko kahit pumasok sila sa ipinag babawal na silid.

******end*of flashback****

kinalabit ko ang string ng gitara at nag simulang kumanta..

alam kong..

nang mga oras na yon.. naka amoy ako ng dugo..

University of ElderTaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon