Chapter 41

173 5 0
                                    


  Third person Pov


Ang araw ay unti unti nang sumisikat sa ka buuan ng eldertale at ang kadiliman na isinasagawa sa mahabang hating gabi ay unti.unti na ding nag lalaho katulad ng nasasaad sa mahika ni dianna ang mahikang deceive na syang nag lilinglang sa mga hunters na nasa loob ng paaralan ang mahikang ito ay kilala ng mga demon na simpleng kapangyarihan lamang para pahinain ang emosyon ng isang tao.

Ang bawat demon ay may kakayahang gawin ito gamit ang bawat antas ng kanilang kapangyarihan at kakayahan sa pag gamit ng evil magic o dark creation na maihahalintulad sa pag gamit ng mg maling pamamaraan sa larangan ng mahika.

Kahit pa napaka simple lamang ng kakayahang ito, ay sadyang nag karoon ng malakas na impact ang deceive spell sa mga nasa loob ng paaralan sa tulong ng kanyang bagong eksperimento kumuha siya ng kaunting dugo sa kanyang kapatid at sa dugo ni razon pinag sama niya ang mga ito pati na rin ang bawat existence ng mga taong namatay na sa loob ng paaralan.

Ang gabi kung saan laganap ang pag kuha ng kaluluwa at existence ng mga ito ay tumutulong upang mapalakas at maging posible ang pag gising sa demonyong si Gaal ang omen na siyang pinagkatiwalaan ni dianna sa loob ng sampong taon.


Ang paaralan ng eldertale ay nag mistulang tapunan at kuta na ng mga malalakas na demon.


samantala ang lahat ay bumalik na sa dati ang kasinungalingan ng paaralan sa likod ng magandang pag tuturo nito ay unti unti nang lumalabas ang baho.


Dumating na.din ang pinaka hihintay na araw.ng.bawat estudyante sa naturang paaralan ang huling pag aayos sa nasabing kapistahan ng kanilang anghel na patron na si raziel.

samantala nakarating naman ng ligtas sina azalea at edmund sa harap ng dorm.ng mga elites, sa mukha palamang ni azalea alam ni edmund na kung hindi niya ito pipigilab baka makasugod ito ng wala sa oras at mamatay nalang bigla. Kitang kita sa mukha ni azalea na naapektuhan na ito ng mabahong usok at spell sa paligid na hindi naman dapat nito malalanghap dahil isa syang nephilim.

"Anong nangyari bakit nandito tayo sa harap ng dorm namin? edmund nasaan ang kapatid ko bakit hindi mo siya isinama sa teleportation circle!! ..kailangan ko siyang puntahan papatayin siya don bitawan mo ko!!"


Pag mamaktol ni azalea hanggang sa mapagod ito dahil hindi binibitiwan ni edmund ang kanyang braso.

"tama na sa tingin mo ba kung susugod ka ngayon may magagawa ka nakita mo naman kung anong meron sa loob ng silid na iyon kung hindi ka nila papatayin pag eeksperimentuhan ka nila para makuha ang elemental magic nanasasayo isa kang kalhating anghel alam mo yan."


"anong gagawin ko hindi ito ang plano namin ..si razon? nasaan na ba si razon?"

napatigil sa pag iyak si azalea at napatayo tumakbo siya ng mabilis ng maalala niya si meridith.


"klare?!"


umikot siya sa kalooban ng dorm pero.wala siyang nakitang klare sa loob kaya naman mas lalong kumabog ang dibdib niya.


"nararamdaman ko ang presensya ng klare na sinasabi mo. pero iba na para bang may kung anong napaka lakas na kapangyarihan ang dala dala niya katulad ng sinabi ko isa siyang reincarnation ni sayah at kung wala siya dito.. at ang prensya ni saya ang nararamdaman ko maaring nagising na siya sa katauhan ni meridith"

"hindi pwede yon kapag nangyari yon masisira ang plano namin!"


nasuntok ni azalea ang table at bahagyang napa upo sa sahig hindi na niya alam ang gagawin marami pang hunter na hindi na sakop ni dianna kaya mas nag aalala siya sa posibleng mangyari kinabukasan.

University of ElderTaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon