Chapter 46

161 5 0
                                    

---

Third person Pov.

Unti unting nag kakaroon ng letra ang bahagi ng stone table kung saan noon nakahiga ang eksperimento ni dianna ang anak ng dilim na si gaal

Kahit na tuluyan itong nagising ay hindi parin ganun ka kalakas ang kapangyarihan nito dahil na din sa huling sangkap na nasasaad sa lumang aklat ng mga manggagaway at black magic kahit pa napakaraming existence at dugo ang inalay ay baliwala dahil wala ang puso ng anghel na siyang hinirang upang paslangin ang ilang daang demon noon sa kasaysayan.

Sa bawat pag libot ng usok na itim sa buong paaralan ay mas dumadami ang demon sa loob nito at kitang kita sa kalangitan ang pag kawasak ng barrier na pumapalibot sa eskwelahan. Kitang kita ni azalea ang pag babago ng paligid ito na ang kapistahan na inaantay ng lahat ang kapistahan na mauuwi sa pag dalak ng dugo ng lahat ng shadow hunter na naroroon tumingala siya sa langit at umihip ang malamig na hangin dinadala nito ang kanyang buhok at sadyang nakakatakot ang mga pumapasok na ideya sa kanyang isipan.

Tinawag siya nina edmund para simulan ang rehearsal hanggang sa umabot na sa takdang oras ng party.

Nanginginig na hinawakan ni azalea ang gitara naiisip niya parin hanggang ngayon ang kanyang kapatid na si frost.

"nasaan na ba si sam anung oras na"

wika ni razon habang madiin na nakahawak sa electric guitar pati ito ay balisa na, hanggang sa maramdaman nilang lahat ang ibat ibang uri ng kapangyarihan nanakapalibot sa kanilang lahat kumabog ang buong sistema nila alam ni razon na kailangan na nilag mag umpisa dahil pati siya ay naapektohan ng kung anong mahika nanasa katawan niya doon niya napagtanto na ang kapangyarihang tubig no leviatjan ang dahilan ng pag babago bago ng pakiramdam niya.

"r-razon ayos kalang ba?"

tanong ni azalea na hindi parin umaalis sa pwesto nito unti unti nang nag bibilang ang tao sa studio ilang minuto na lang mag bubukas na ang kurtina para sa kanilang number.

Inilagay nila ang lahat ng kapangyarihan sa gamit nilang piyesa upang labanan ang kumakalat na lason ni dianna at para buksan ang mata ng mga studyante nanandoon.

Ang lahat ng kanilang emosyon at pangako ay inilagay nila sakantang iyon.

"kailangan nating mag umpisa kahit wala si samantha... wala nang oras razon!"

sigaw ni edmund at doon na unti unting bumubukas ang kurtina..

napatingin silang tatlo sa kanilang harapan napakaraming studyante na nasa demon stage na kahit hindi pa sila nag e-evolve. Napuno ng usok ang paligid at halo halo ang pangamba sa kanilang dibdib nang makita nina aza ang mga ilang hindi apektado ng spell.

"simulan nanatin"

----

-------

Samantha's pov

Bigla nalamang sumikip ang dibdib ko ng makita ang muka ng babaeng kay tagal nanaming  gustong makasama nina azalea,

Ang maamo niyang muka at ang kanyang ngiti ang nag alis ng matinding takot sa puso ko. Napalingon din ako sa kanyang pak-pak napaka puti nito at walang bahid ng kahit anong dumi ibig sabihin isa pala talaga siyang anghel noon pa? at hindi namij iyon nalaman kahit ilang taon din namin siyang nakasama sa university.

"l-lady michaela?"

napalingon sa akin si meridith na gulat na gulat sa kanyang nakikita tinangka nitong tumayo at pumunta saakin ngunit nag karoon ng kadena ang paa nito.

"samantha..."

ngumiti sa akin ang razorblade ang pinaka magaling na shadow hunter sa buong eldertale pati siya ay nasa isipan ni meridith? ngunit paano?.

University of ElderTaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon