Chapter 34

183 5 0
                                    


  **

Mula sa hilagang bahagi ng eldertale kumalat ang balita sa nangyaring aktibidad ng bawat estudyante pati narin ang pag patay sa mga naturang kasapi sa banda ni razon ang bulong bulungan ay mas umigting pa.

Umaayon ang lahat sa plano ni dianna na pahinain pa ang emosyong nararamdaman ni razon dahil batid nitong hindi na ito ang dating stolas na nakilala niya, alam na niya ang kahinaan nito maging ang lakas at abilidad ay alam na niya gayong ang kapangyarihan niyang tubig at titulong elementalist sa lugar ay pawang kasinungalingan lamang. Ang kapangyarihan niyang tubig ay kinuha lamang nito sa demon na si leviathan sa tulong ng mga crystal na nasa kanya. nalalapit na din ang kapistahan ng anghel na si razeil ang kanyang balak ay malapit ng maisakatuparan, at ang eldertale ang isa sakanyang magiging kasangkapan upang buhayin ang omen nanasa pangalwang silid sa timog sa loob ng gusali ng eldertale

Balak niyang gisingin ang pinaka masamang kaluluwa na naikulong sa loob ng impyerno sa napaka habang panahon sa pag gawa ng isa pang clone.

halos sampong taon nang pinag aaralan ni dianna ang pag likha ng isang human body at ang ritwal ay isinasagawa sa pinag babawal na silid kung saan naroroon ang altar at ang omen na umiinom ng dugo mula sa mga shadow hunter na inaalay nila tuwing hating gabi.

Ang omen ay nasa loob ng isang napakalaking aquarium may roon siyang mga swero sa ibat ibang parte ng katawan niya ito din ang ginagamit nila upang painumin ng dugo ang halimaw na ito.

Nanalaytay sa dugo nito ang ibat ibang dugo mula sa pinakamagagaling na hunter na pinaslang nila kasama na ang mga magulang ni meridith.

Maging ang dugo ni michaela na kapatid naman ni dianna isang half angel and human.

Pag katapos ng mahabang pag susuri nadiskubre niya ang dugo ng maalamat na level 5user na darating sa eldertale at yun ay si meridith na hindi niya sukat akalain na isa palang re incarnation ng isang anghel na tagalupig mula sa hanay ng magiting na anghek nilang si razeil.

Sa pag dating ni stolas sa paaralan naging balakid na ito sa.lahat ng plano ni dianna. Naramdaman niya din noong una ang pag apak ng tatlongalalakas na demon noon sa gate palamang ng eldertale ngunit hindi niya akalaing magiging kakampi niya ito.

Si dianna ay isang half angel and demon, ngunit mas nanalaytay ang pagihing dimonyo sa kanya matapos ang digmaan noon sa pagitan ng langit at lupa binigyan siya ng titulo bilang prinsesa sa hell dahil sa pag kakatuklas nito sa magic cup ni razeil na ngayon ay nasa kanyang pangangalaga.

Sinakop ni ang eldertale matapos niyang paslangin ang kanyang kapatid na si michaela ang ugalu nito ay ibang iba sa kapatid dahil siya ay may busilak na puso na para bang isang anghel.

Sa likod ng pagiging maayos ng eldertale bumuo siya ng organisasyon na mag sasagawa sa ritwal na ginagawa nila ang black sabbath ay nag papalakas sa bawat pag aalay nila ng buhay sa altar at ang bawat nakukuha nilang existence ay napupunta sa omen na eksperimento ni dianna ang mag sisilbing katawan ng anak kadiliman.

Samantala matapos mamatay ni michaela ay pumasok na sa eksena ang prinsipe na si stolas ang kanyang misyon ay para hanapin ang babaeng nasa alamat ang tagalupig kailangan niyang kuhanin ang puso nito at itarak ang itim na spada upang hindi matuloy ang pag sasara ng lagusan sa impyerno balak nilang palabasin ang mga kapatid na nakakulong sa ilalim ng lupa at ang tanging susi ay ang sword of heaven ni meridith mula sa kapangyarihan nitong kuryente na siyang reincarnation ng anghel na si Arcana

Ang kapyestahan ay nalalapit na at ang mga elites ay nag hahanda na sa maaring mangyari ,

ang pagtataka sa paligid ang nag silbing pag salalungat ng unang planong nagawa nila ngunit buo ang loob ni azalea na pasukin ang pinag babawal na silid at ilantad ang baho na mayroon ang eldertale kahit pa alam niyang may pag tataksil na nagaganap sa kaniang grupo.
Isa pa sa pina problema nila ay ang pag labas ng kautusan sa itaas mula kay dianna ang utos ay ang pag hingi ng tawad ng mga huntet kung sakaling nakagawa sila ng kasalanan at kitilin ang kanilang buhay sa pamamagitan ng dark knife. Dahil dito dumarami ang bilang ng namamatay.

University of ElderTaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon