Chapter 42

158 5 0
                                    


  Meridith's pov


Anong gagawin ko hindi nila ako nadidinig pero si sam--

buhay siya..


pumatak ang luha sa pisngi ko at napaupo sa kadiliman para akong nakakulong sa rehas dito sa ka ibuturan ng isipan ko kahit sinubukan kong tumakas wala paring kwenta lalo lamang hinihigop ang kapangyarihang nasa akin.


Doon ko lamang nalaman na may iba pang kapangyarihan si sayah at hindi lamang kapangyarihan ko ang ginagamit niya.


Ano bang dapat kong gawin? paano ako makakatulong sa kanila ?

Tama bang hinayaan kong lamunin ako ng takot noon kaya nagawang makapasok ni sayah sa isipan ko?. Wala naman akong ibang inisip noon kundi ang takot na baka may mangyaring hindi maganda sa kanya---

s-sa kanya?


napatigil ako sandali b-bakit nga ba ako nag aalala ng ganito kay razon?


hinawakan ko ang aking labi at dama ko padin ang pag lapat ng mga iyon dito huminga ako ng malalim..


tama nga bang mahulog ako sa isang demon na kagaya niya?


Ang pakay ko lamang dito ay alamin kung sinong pumatay kay ina at hanapin si papa yun lang pero bakit nga ba ako nakasama pa sa kaguluhang ito?..


Wala nA akong ginawa kundi ang umiyak nalang matapos maangkin ni sayah ang katawan ko na halos buong sistema siya na ang gumamit
paano ako makakatakas dito?.


sina frost alam kong nakapag imbestiga na sila at alam ko din na isa isa nang nasasagot ang mga katanungan na matagal na nilang gustong makuha.. ngunit paano naman ako?..

gusto ko ding malaman kung buhay ang papa ko kung ano nga bang nangyari noon..

hinding hindi ko mapapatawd si dianna kung siya ang may kagagawan nit0!

Tumigil ako saglit at inipon ang lahat ng natitira kong enerhiya at pinilit kong makapasok muli sa isip ko at doon ko nagawang sirain ang
seal ni sayah.


Para bang may.kung anong nabasag sa harapan ko ang rehas na nag dudugtong sa katawan niya ay nawala na..


At dahil doon nakita kong nag mulat ang diwa ni sayah alam kong nandito padin ako sa isip niya..


"Meridith Klare Salvacion ang aking reincarnation anong maipag lilingkod ko sa iyo?"


"ibalik mo na saakun ang katawan ko ngayon din!"


may diin ang mga pananalita kong iyon ngunit hindi siya natinag bagkus lumapit pa siya sakin.

"hindi ko mapapayagan ang gusto mo ang mga demon ay lipana na sa paaralan at kailangang tuldukan ang nangyayaring pag aaklas ng mga demon na naririto hindi ako ang iyong kalaban dito meri kung makikipag tulungan ka saakin malaki ang magiging papel mo sa pag sagip sa eldertale at sa mundo ng mga mortal--"

"hindi pa rin makatarungan ang ginagawa mo kinokontrol mo ang katawan ko--"


hindi ko na naituloy ang iba pang sasabihin ng mag salita agad siya.


"makinig kang mabuti ang iyong angkan ang nag dadal ng mga reincarnation ng anghel na tagalupig at ako iyon, ang matagal ng lihim ng iyong angkan sa bawat tatlong siglong salin lahi ay muli akong mabubuhay upang patayin ang mga demon na nag kalat sa mundo upang mapigilan ang tiyak na pag wasak ng anak ng dilim"


napa atras ako sa mga nalalaman ko para bang mabibiyak ang ulo ko sa mga sinasabi niya dahil pilit niyang ipinapakita ang mga nangyari noon.

At halos mag unahan na ang luhang pumapatak sa pisngi ko ang mga nakita kong kaluluwa noon sa nasabing digmaan ay sadyang nakakapanlumo..

University of ElderTaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon