One

532 8 0
                                    

Chapter 1 - My Life

(6 years ago)

Savannah

"This is the Lamb of God who takes away the sins of the world.
Happy are those who are called to his supper."

"Lord, I am not worthy to receive you, but only say the word and I shall be healed."

Habang pinapakinggan ko ang mga salita ni Father, pinaparamdam ko sa sarili kung gaano ako kaswerte dahil may tatay akong doctor sa kilalang ospital at nakagraduate na din ako ng college.

Wala na si mama nung may balita na pinatay daw siya ng mga terorista sa Iraq, Isa kasi siyang OFW at 4 years na nagtatarabaho sa medical factory. Nag-aral ako ng mabuti para parehas na kami ni papa na doctor. Ako lang kasi mag-isa sa bahay actually wala si papa sa Pilipinas. Nasa US siya kasama si tito Paul, yung kapatid ni papa na engineer sa isang company.

Nang binuksan ko na ang aking mga mata, communion na ang sunod. Sa bandang kalagitnaan ako pumila at naghintay na ako na ang susubo ng banal na tinapay.

Pagkatanggap ko nun ay mabilis akong nag genauflect sa harap ng altar, lumuhod ako sa luhuran at nagdasal ng taimtim. Nagpasalamat lang naman ako sa lahat ng ginawa ni God sa akin.

Nagpapasalamat ako na hanggang ngayon ay buhay pa ako.

------------

Hindi agad ako lumabas subalit dumiretso ako sa Lugar kung saan nandoon si Father. Kilala na niya rin ako since naging Gospel Singer ako nung gradeschool student palang.

Medyo matanda na si Father at mukhang kasing tanda niya lang si papa. Napangiti siya ng husto pagkakita niya sa akin "hija" tawag niya sa akin habang nagliligpit ng kanyang chalice "aba't parang nagsisimba ka linggo-linggo ha?" Dugtong niya.

Lumapit ako sa kanya at nagmano ng bahagya, natutuwa din naman ako Kay Father dahil kahit matanda na ay nagagawa pa ring ngumiti. Napangiti nalang ako sa aking naisip. Ang lakas pa rin niya.

"Father, tinignan ko lang po kayo dito" nakatungo kong sinabi ng may galang. Humalakhak siya ng mahina at limapit sa akin. Napatingin ako sa ginawa niya, hinawakan niya ang kanang kamay ko.

"Tignan mo ito anak, iyang kamay mo ay isang regalo para sa Diyos, alam mo kung bakit? Kasi kahit nasa isip mo lang yung mabuti, edi parang hindi totoo diba?" Umakto pa si Father na Hindi niya alam at ngumuso, natawa ako sa ginawa niya pero kahit papaano may natututunan ako sa kanyang salita "eh kung sa kamay mo, may mabuti kang ginagawa diba?" Dugtong niya na may halong nakataas ang kilay.

Ngumiti ako sa kanya "maraming ibang klaseng mabuti po Father, pero ano po bang eksaktong kabutihan ang dapat gawin ng isang anak ng Diyos?" Tanong ko sa kanya. Hindi ako banal bagkus natututo lang ako malaman ang mga bagay na tungkol sa Panginoon, dahil alam ko kung saan ang tutungo ang buhay ko.

"Pag may niligtas kang buhay ng tao, it's a big present from heaven, because there's have a mercy, hindi man lang corporal or spiritual basta may kaawaan ka" nakangiti niyang sinabi, pati na din ang kanyang mga mata ay nakangiti "pero kung ikaw ay nawala pero wala kang ginawang mabuti, edi sorry for that diba?" Sabi niya ulit.

Tumango ako at nanatiling nakatama lang ang mga mata ko sa kanya. Tama siya, sinabi din ni daddy yan sa akin kaya kung may ginawa kang masama sa iyong kapwa, hindi matutuwa ang Diyos pero kung merong kabutihan, edi isa ng regalo sa langit yun.

"Thank you po Father" sabi ko at umalis na. Buhat yung sinabi ni Father, napaka-inspirational. Siguradong matutuwa si papa nito kasi natututunan ko ito sa isang pari eh.

Just In The Bridge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon