Seven

178 3 0
                                    

Chapter 7 - A mess

Narrator

Habang naglalakad sina Savannah at Zachariah kasama si Mike patungo sa opisina ni Van ay biglang dumating si Manang Olivia sa ospital nang hindi alam ni Vannah.

Pumunta ito kung saan nandoon ang dating doctor na nagtatrabaho sa ICU dahil sa nabalitaan niyang gising na si sir Garcia, pagkarating niya sa hospital room agad na nakipagkwentuhan ang pasyente "manang Olivia, nakita mo ba si Vannah na may kasamang lalaki?" Tanong ni sir Stephen Garcia sa matanda na nag-aalaga kay Vannah.

Kumunot ang noo nito at umupo sa monoblock na upuan kung saan doon nakaupo si Vannah kanina, "hay nako! Iyang anak mo kasama si George kani-kanina lang umaga bago pumasok sa opisina" at inikot ang mga mata nito sabay humalulipkip, binigyan ni sir Garcia ang matanda ng patanong na itsura.

Sapagkat ang alam niya ay ayon sa binalita ng kanyang anak na nasa Brazil na si George. Itong si manang Olivia naman ay lalong ginugulo si sir Garcia. "Paanong kasama ng anak ko kanina? Eh ang sabi ng anak ko nasa Brazil na daw" naguguluhang winika ni Stephen.

Umiling lang si manang Olivia "kanina magkasama pa sila tsaka ewan ko kung nasa flight na si George eh buti nga hindi na sumama yang anak mo sa airport at buti nalang din mas inuna niya itong oportunidad niyang trabaho" depensa ni manang Olivia. Talagang magkakampi ang dalawa para labanan si George kay Savannah, ayaw kasi nilang palapitin si Van sa taong masyadong mataas sa sarili.

"Ah ang gulo niyo kasi manang eh kaya hindi ko naintindihan" at napakamot pa sa ulo si Stephen. Maayos at maginhawa na din ang pakiramdam ni sir Garcia at konting payinga lang ulit pwede na siyang mailabas sa ospital.

Naglabas ng pamaypay si manang Olivia at nagsimulang paypayin ang sarili "ang init naman dito" reklamo nito na nagpakunot naman ng noo kay sir Garcia.

"Naka aircon na nga magpapaypay ka pa?" Stephen.

"Hay mainit lang yung Pilipinas" koreksyon nito sa sinabi ni Stephen. Binaba niya na rin ang malaki niyang shoulder bag sa sahig at naglabas ng tuwalya "oh... itong tuwalya mo" wika nito.

"Manang" hinawakan ni Stephen ang tuwalya na binigay ni manang Olivia "manang sigurado bang pwede kong hawakan ito dahil pwede akong mainfect because of the microorganisms" paunawa nito at nilayo ang tuwalya. Tinignan siya ni manang Olivia ng masama.

"Eh ano naman? Doctor ka diba? Kaya alam mo kung anong gagawin" matapos niyang ayusin ang kanyang bag ay lumayo siya konti sa hospital bed "kamusta na pala ang lagay mo?" Dugtong nito.

Lumingon si Stephen sa kawalan "okay lang, ang galing ng anak ko talagang ginising niya ako mula sa mahabang pagtulog ko" puri nito sa sariling nag-iisang anak "kamusta na po kapatid ko?" Tanong pa nito at umayos ng upo.

"Wala pang balita sa kanya pero siguro bibisitahin ka din nun" manang Olivia.

Pagkatapos ng kanilang ginagawa ay lumapit ulit si manang Olivia sa hospital bed ni Stephen Garcia. Nakatingin lang si Stephen sa kisame habang si manang Olivia naman ay pinagmamasdan siya na may pag-aalala.

**After 5 minutes**

Naghihintay pa rin si sir Garcia na dumating ang anak. Kailangang naka-inject na sa kanya ang syringe at dapat kumain siya sa tamang oras. Hindi siya makapaghintay, nilabas niya yung nakatagong blood plastic bag sa kanyang kumot.

Nanlaki ang mga mata ni manang Olivia at napatayo sa kanyang kinauupuan "D-DUGO??!!" Tinignan ni Stephen si manang Olivia na halatang nagulat at natakot. Hindi nagtagal, natumba at nahimatay ang matanda na nagpakaba naman kay Stephen.

Just In The Bridge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon