Nineteen

82 1 0
                                    

Chapter 19 - Hindi niya ako papabayaan

Savannah

"Ericka!" Tawag ko sa kanya nang nakita kong nag-aasikaso ng kumot at unan sa kwarto ng batang ito "Ericka, nahanap ko na siya" sabi ko habang buhat ang walang malay ng pasyente ko.

"Oh God!" Gulat niyang sinabi at mabilis na binalik ang mga unan sa hospital bed. Dahan-dahan kong inihiga ang pasyente ko sa kanyang malambot na kama at hinawi ang kanyang buhok. Meron pa rin siyang sugat sa bandang tagiliran pero mukhang matagal pa ito gagaling.

Kasama ko si Mike at Ericka ngayon dito sa kwarto at pinapanood lang nila ako, "Mike balikan mo na si Zachariah baka gising na siya this time" paalala ko sa kanya habang busy na inaayos ang IV ng bata.

"Ouch"

"Sorry" napalingon ako sa kanilang dalawa. "Sorry miss" tinulungan ni Mike na itayo si Ericka mula sa pagkakabagsak.

Pati ba naman sa mga nurse ko hindi siya maingat? "Sige okay lang" nahihiyang sinabi ni Ericka at mabilis na umiwas ng tingin nang nakita niyang nakatingin ng diretso si Mike sa kanya.

Hindi ko na muli sila pinansin at binuhos ang buong atensyon ko sa batang ito, ano kaya pangalan nito? Tsaka bakit hanggang ngayon hindi pa siya gising? Siguro malala ang sugat niya kaya posibleng wala pa siyang malay.

Nagstay ako sa kanya para bantayan... hihintayin ko siyang magising ngayon.

Narrator

Masayang naglalakad si Mike papunta sa kwarto ni Zachariah nang naabutan niya ang isang nurse na nakamask at papasok palang sa kwarto ni Zachariah.

"Teka... yun ba yung nurse kanina?" Tanong niya sa sarili, tumakbo ito papunta sa kanyang kaibigan at hinarangan ang nurse na papasok palang ng kwarto "oops nurse! Huwag mo naman pagsamantalahan yung kaibigan ko oh" sabi nito ng nakakaloko.

Kinunotan lang siya ng nurse at sinusubukan pumasok, agad namang napansin ni Mike kung bakit pinipilit nitong pumasok sa loob "Bakit ka ba nakamask? May ubo ka ba??" Tanong nito na aktong aalisin na sana niya yung mask na nakasuot sa nurse.

"Hindi" sagot nito at tumungo, sana hindi niya makilala yung boses ko, yan yung sinasabi sa isip ng nurse. Sa kabila ng paglolokohan... "aalis na po ako" paalam nito kay Mike.

Kumunot ang noo ni Mike tsaka tinaasan niya ng kilay "pupunta tapos aalis din naman pala? Weird mo bro" huli niyang sinabi at tumungo na sa kwarto at sinarahan ng pinto. Walang nagawa ang nurse kundi ay magmura siya ng sunod-sunod ng pabulong lang.




Mabilis itong umalis at pumunta sa private room, sinubukang kontakin ang number ng kaibigan niya "g*g*! Di na naman natuloy!" Sabi nito habang mahigpit hinawakan ang lason na dapat ibibigay niya Kay Zachariah.

"Ikaw ang g*g* di mo ba alam?" Iiling na sinabi ni George mula sa kabilang linya. Kinuyom niya ang kanyang mga Kamao.

"Diba? Ano nangyayari sa mga plano mo bro?" Asar niyang tinanong kay Goerge. Lalong nagkanda-ugaga ang mga plano niya dahil isa-isa hindi natutupad.

"Hintayin nila ako na umuwi diyan at maghihiganti talaga" gigil niyang sinabi Kay Kaden tsaka pinatay ang telepono.

-----

Nakatingin ang ama sa larawan ng kanyang anak, tuwang-tuwa ito dahil hanggang ngayon nakakasama pa niya ang kanyang nag-iisang anak, nararamdaman niyang unti-unti siya nanghihina dahil hindi na din kaya ng kanyang katawan na labanan yung sakit.

"Akala ko ba next week na ako makakauwi nurse?" Tanong nito kay nurse Ericka ng malungkot habang chinecheck ang heartbeat rhythm machine. "Nurse Bakit ganon? May infection bang nangyari kaya hindi na ako makakauwi next week?" Pangungulit niya.


Just In The Bridge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon