Three

298 5 0
                                    

Chapter 3 - Date?

(around 12 nn)

Savannah

Mabilis akong nagpalit ng damit into navy blue pants and 3/4 long sleeve polo shirt na kulay dark blue. Suot ko rin ang Brown kong shoulder bag.

Paglabas ko ay nakita ko agad si George na nakangiti at nakahalukipkip na naghihintay. "Buti nalang lumabas ka na, akala ko tatanggihan mo na eh" palokong sinabi ni George na nagpatawa naman sa akin, kahit papaano napapatawa niya ako konti.

Binuksan niya ang kotse niyang mercedes-benz para umupo ako sa passenger seat. "Kamusta na papa mo? Naconfine mo na bang okay na siya?" Tanong niya at sumakay na din sa kotse, umupo siya sa driving seat, siya daw kasi ang magdadrive.

"Ayun... undergo pa rin siya sa mga test kasi pwedeng maging malignant ang kanyang case sa dalawang cancer kaya mas mabuting CT Scanner agad siya sa madaling panahon" saad ko at nagkabit na ng seatbelt, tumango siya at nagsimula ng paandarin ang engine ng sasakyan. "Teka saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

Napataas lang siya ng kilay "sa favorite resto mo" sagot naman nito, natawa ako sa kanya, favorite talaga? Eh halos Lahat ng resto dito sa Quezon ay gusto ko eh. Malaki man ang Quezon, Basta resto favorite ko.

"Kamusta na pala ang pagiging officer commander or chu chu chu sa campo niyo?" Kalmadong tanong ko, humalakhak siya at umiling. Ibig ba niyang sabihin may masamang nangyari?

"Yan na naman ang maasim mong mukha ha-ha, okay lang naman... eh ikaw? Okay ka lang ba sa trabaho mo?"

"Hindi ko na nga masagot yang tanong mo eh kasi halos araw-araw din ako namomroblema sa trabaho" malungkot kong sinaad, nanatili kaming tahimik hanggang sa makarating na kami sa resto na pinakagusto ko. Ilang oras din ang lumipas para makapunta dito.

Zachariah

"Kaliwa, Kanan, kaliwa, kanan... sagisag!" Sigaw ng kaibigan ko na ngayon ay kasama din sa pagtetraining. Habang ako naman ay nakatayo at pinapanuod ang bawat galaw ng mga AFP Military Soldiers.

"Tol may mensahe sayo ang tatay mo" singit ni Mike sa akin habang kasama sa posisyon ko, dalawa lang kami na mataas ang posisyon dito. Kinuha ko ang bottled water dahil din sa init kaya nauuhaw ako "Tol hindi ka pa raw ba hahanap ng babae?" Dugtong nito na napadura ko sa kanya ang inumin ko "tol naman eh! Ang bango ng damit ko tapos susukahan mo lang?" Reklamo niya.

Anong sinukahan? Dinuraan ko lang siya tss "Ano bang klaseng mensahe yan galing kay dad?" Reklamo ko rin, napahilamos ako sa kanyang sinabi "naman si dad, gustong pagmadaliin ang mga bagay" dugtong ko pa habang inip ng naghihintay.

"Eh yun yung sinabi ni tito eh, oh tignan mo ha" pinakita niya sa akin yung liham galing kay dad, ayaw niya kasi ng cellphone at kung ano pang gadgets, kasi gusto niyang simple lang "maniwala ka sana oh" at binigay na ni Mike yung papel.

Nanlaki pa ang mukha ko na sinabi niyang dapat model, matalino at mapagmahal ang mahanap ko dapat na babae, bakit naman model? Ano? Ipapasok ko ba sarili ko sa Victoria Secret?




Oh hell no!



Kahit minsan gusto ko na ring maghanap ng babaeng mamahalin ko habang buhay, sana maging madali lang ang paghahanap ko "Oh ano naniniwala ka na?" Singit pa ni Mike na kasalukuyang nangangasim ang mukha dahil sa ginawa ko. Nakapameywang din ito na hinihintay ang magiging sagot ko.

"Oo" sagot ko sa kanya na mabilis namang umiba ang aura ng kanyang mukha hanggang sa May naiisip ako "Mike... paano ba humanap ng babae?" Tanong ko sa kanya na may pagtatakha. Minsan kasi may ibang lalaki na pumupunta sa Bar para makahanap ng babae yung iba naman sa Parke.

Just In The Bridge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon