Chapter 8 - Phone Call
Savannah
Matapos kong lagyan ng insulin si papa ay agad naman siyang kumain, actually nakalimang kanin na nga siya eh, hayy 2 months kasi siyang comatose kaya ayan grabe kumain.
Gising na din si manang Olivia at kasalukuyang kumakain kasama ni papa. Kami namang tatlo nila Zachariah ay nasa tabi lang at pinagmamasdan silang kumain. Nakaupo ako sa gitna nilang dalawa ni papa at yung magkaibigan naman ay nasa tabi lang.
Kinuha ko yung record ni papa sa medical table "pa, makakauwi ka na next week pag nagain mo na ang energy mo pero sa ngayon magpahinga ka muna" pagpapaalala ko kay dad, tumango siya sabay subo ng fried chicken. Nakakatuwa silang dalawa ni manang, minsan kaya ko din palang pagsabayin yung dalawa kong pasyente?
Hindi lang pala dalawa, marami pa akong pasyente. "Uhm Zachariah uuwi muna ako sa bahay, ikaw Mike? Sasama ka ba sa amin ni Zachariah pag-uwi?" Tanong ko sa kanya pagkatayo ko sa kinauupuan at pinagpagan ang sarili.
"Ah hindi na, may appointment pa ako sa campo, sige bro alis na ako. Nagtext sa akin si Alex" pagpapaalam nito sa kaibigan at sumaludo bago umalis ng tuluyan. Nagbow lang siya sa harap ko, nginitian ko naman iyon. "Sige sibat na ako"
"Alis na kami dad, uuwi lang ako at babalik din mamayang gabi para naman mababtayan ko kayong dalawa ni manang" sabi ko tsaka hinalikan silang dalawa sa noo. Ngumiti ng malapad si papa tsaka ako hinawakan sa pisngi.
"I'm so proud of you..." niyakap pa niya ako ng mahigpit "you're already grown up kaya mas type ko ngayon yung lalaking kasama mo" bulong niya sa aking tainga. Kumalas agad ako sa pagkakayakap at sinamaan siya ng tingin.
"Pa naman, magkaibigan lang kami" depensa ko said sarili. Tinaasan ako ni papa ng kilay tsaka umiling ng marahan, hayy ang kulit din nito minsan ni papa eh. "Sige na po pa, manang alis na po kami" tumango lang si manang Olivia haban busy nginunguya yung chicken leg.
"Tara na" hinila ko si Zachariah palabas ng kwarto, yun yung nagpaisip sa akin, bakit ko siya hinihila? Hinarap ko siya at nakitang nakangisi ng nakakaloko. "M-May problema ba?" Tinanong ko siya, nakakatakot din kasi itong lalaki na ito eh, ngumingisi basta-basta.
"None" sagot niya.
**After some minutes**
Pauwi palang kami nitong hapon, hindi na ako nagsabi na magsasakyan kasi kahit ilang lakad mo palang malapit lang naman ang ospital. Mabuti ng hapon kasi palubog na yung araw.
Tahimik kaming dalawa nang tatawid na kami ng tulay "Scott nalang ang itawag mo sa akin" sabi ni Zachariah habang naglalakad kasama ko.
"Bakit Scott?" Pwede naman atang Zach? Ang galing din nitong umimbento ng mga katawagan eh.
"Nung bata pa kasi ako, tawag na sa akin ni mom, Scott. Kaya si dad minsan tawag niya sa akin Scott" kwento nito.
Tumigil ako, Scott? Maganda din naman ang name pero ang layo sa original niyang pangalan "Scott, nasaan na mama mo?" Bigla kong natanong sa kanya.
Umiling siya at bumuntong hininga "wala na si mama, wala na siya mula nung pinanganak na ako... si dad nalang ang nag-aalaga sa akin" malungkot nitong kinuwento, nakikinig lang ako sa mga salita niya.
Malungkot din pala ang kanyang nakaraan, pero paano pa ba kaya ako? Mula nung nawala na din si mama, si papa nalang ang nag-aalaga sa akin kaya naging mahirap ang buhay namin noon.
BINABASA MO ANG
Just In The Bridge (COMPLETED)
Fiksi Umum[Written in Filipino and English] Maaga nagsimula ang lahat, maaga din nagsimula ang kanilang pagmamahal, maaga din kaya sila matatapos? Savannah Garcia has a complicated past, she was able to find her love for years but she didn't succeed. She...