Chapter 18 - Morgue
Savannah
Mabilis akong pumunta sa Morgue para hanapin ang pasyente kong bata. At pagkarating ko parang wala naman dito.
"Nasaan na yun?" Tanong ko sa sarili tsaka tinignan bawat kama ng mga dead bodies dito na nakatalukbong ng puting tela.
Mga ilang minuto na akong umiikot dito at hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nahahanap, nasaan ba kasi siya!?? "Oh Vannah bakit ka nandito?" Napatalon ako nang narinig ko ang boses ni Mike.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa gulat "anong ginagawa mo dito???" Tanong ko sa kanya, baka siya ang nagtago sa batang iyon? Tinaasan ko siya ng kilay pero sabi nila nurse saw? Eh sundalo naman ito si Mike tsaka hindi naman siya nag-aral ng nursing.
"Pumunta lang para naman maging memorable itong pinuntahan ko, dream place ko na ata ito eh" natatawa niyang sinagot, walang kwenta. Dream place? Morgue? Ang sama ng lalaking ito. Wala ka naman makikita dito kundi mga corpses lang.
Nagbuntong hininga ako at tinignan siya ng masama "May kakilala kang batang Brown yung buhok konti tsaka medyo bata sa akin? Parang mga 15 years old lang?" Sinusubukan kong idraw sa isip ko yung mukha ng batang iyon kahit di ko naman talaga masyadong kabisado ang itsura ng wangis niya.
Kumunot ang noo nito at umaktong nag-iisip, tss puro kalokohan lang ang iniisip nito "ahh yung bata mong pasyente?" Tanong niya, akala mo naman alam niya. Tumango ako.
"Nawawala siya ngayon, may naglabas sa kanya mula sa hospital room at sabi ng kapwa kong doctor ay nurse daw ang naglabas" sabi ko sa kanya, Oo nga pala Bakit siya nandito? Gumagala lang?
Nakita kong parang ngumiti siya "ahh yung tinanungan ko kanina kung nasaan ang morgue??" Tanong niya sa akin na may matching pagtuturo pa. Humalukipkip ako.
"Oo at sabi nila nasa morgue daw, nandito daw" sabi ko sa kanya tsaka sumandal sa pader. Naiinis ako, dapat di ko pinapabayaan ang batang iyan eh.
Kumunot ang noo ni Mike tsaka huminga din ng malalim "hayy nameet ko siya kanina tsaka nagtanong din ako kung nasaan ang morgue tapos tinuro niya pa yung maling daan?" Nakangiti niyang sinabi at maiisip mong sarkastiko iyon kasi ramdam ko naiinis din siya "akalain mo nga naman? Hindi niya ako sinagot, nurse yun tapos Hindi niya alam kung nasaan ang morgue??" Tatawa-tawa pa niyang dinugtong.
Pinagmasdan ko lang siya, hinayaan ko muna magpahinga dito kahit mga saglit na minuto lang, hayy stress ako ngayon tapos itong si Mike lalalain pa "tsaka ito pa mas malupet" sambit na naman niya, hinayaan ko lang siya magbukam-bibig hanggang sa magsawa na, hinintay ko yung idudugtong niya "ANG BOBO SA DIREKSYON AMPUPU!" Sabay tawa ng pagkamalakas.
Inarapan ko siya... Hindi makuha sa isang tingin ang lalaking ito siguro kung nandito si Scott kasama ko baka binanatan na niya itong lalaki "tsaka alam mo ba??" Sambit na naman niya, hindi, hindi ko alam... "kung di sinasabi ng mga doctor at nurse kung saan ang morgue... patay sila sa kaibigan kong doctor! Siyempre sino pa ba? Edi si doc. Savannah Garcia!" Proud niya pang kinuwento sa akin tsaka tinutulak konti na para bang kinikilig.
Umiling ako "kaibigan? Bakit may sinabi ba akong kaibigan ka?" Ang alam ko si Scott lang ang kaibigan ko at hindi siya.
"Naman Savannah ganyan ka na ha? Kaibigan mo pa rin ako kahit hindi mo man ako kaibigan pero atleast friend naman kita..." depensa nito, napangiti ako sa sinabi niya. Ang landi din pala minsan magsalita itong si Mike.
"Joke lang ano ka ba? Kaibigan na kita dati pa nung naging kaibigan ko na si Zachariah" sabi ko sa kanya na nagpagulat naman, didn't expect? Lahat ng tao sa paligid ko ay kaibigan ko na, yan yung sinabi sa akin nila papa at manang Olivia, kailangan mo maging totoo at maging mabuting tao sa paraan ng pakikipagkaibigan sa kapwa.
I really love to learn new things from my own manang and papa...
"Yiiie bait naman this gurl..." malanding pinuri sa akin ni Mike, napatawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya.
Iniisip ko nag kung totoo bang lalaki siya o hindi eh...
*object falls*
Tumigil kami ni Mike sa pakikipagbiruan nang may narinig kaming parang may nahulog, agad kong sinundan kung saan yung ingay na nanggaling "hello? May tao ba diyan?" Tanong ko sa kawalan... May ibang tao pa ba ang pwedeng pumunta dito maliban sa amin ni Mike?
Nung dahan-dahan akong naglakad palapit sa ingay na narinig namin mula sa kabilang room ay "baka naman walking dead o quarantine na itong eksena doc..." nagawa pang magbiro si Mike. Tinaasan ko siya ng kilay. "Baka naman may zombie dito o multo? O di kaya... walking spirits yung tinatawag ng mga espirita?" Tanong nito ng kawalang sensya.
Mas lalo kong tinaasan ang kilay sa sinabi niya... spongebob, zombie ano pa?
*object's noise*
May nag-ingay na naman, hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi nitong si Mike, patay babangon pa? Tss insane. Wala na ngang buhay magagawa pa kayang bumangon? "Sino ka sabi!" Sigaw ko sa nag-ingay.
Dahan-dahan ako naglakad palapit at pinaparamdam sa sarili ang presensya ng paligid, nasa likod ko lang si Mike at sa bandang dulo nitong Morgue ay may nakita akong wangis na nakatalukbong na para bang maliit.
Agad kong pinuntahan iyon at dahan-dahan na tinanggal yung kumot na nakatalukbong sa bangkay... "teka, ilalabas ko lang rosaryo ko" kumunot ako sa sinabi ni Mike, rosaryo? Talagang isasama niya pa yung rosary sa mga di magagandang biro niya ha.
Hindi ko na pinansin o hindi ko na sinagot yung sinabi niya sapagkat mabilis kong tinanggal yung kumot na nalatalukbong at laking gulat nalang na siya na nga ang hinahanap ko kanina pa. "Oh no!" Sabi ko at binuhat yung batang babae.
Kumunot ang noo ni Mike "Sino siya?" Tanong nito sa akin.
Pinulsuhan ko ang bata at nahanap na tumitibok pa ang puso nito, akala ko tulad na siya ng mga bangkay dito. "Hindi ko siya kilala, Tara na" sabi ko kay Mike at lumabas na ng morgue.
George
"Oh kamusta na yung ginawa mo?" Tanong ko ng may ngisi sa mukha, dapat pinatay ko nalang pala yung batang iyon eh!
[Ina! Natagpuan na siya] inip nitong sinabi sa akin. Unti-unting nawala ang ngisi sa labi ko at mabilis na napalitan ng seryosong mukha.
Napatayo ako dahil sa kanyang sinabi "anong sabi mo?" Tanong ko ulit sa kanya. Paanong nakita??? Putek na yan! Napakamot ako ng ulo.
[Di ko alam ina mo! Wasak na plano mo tol] asar pa nito sa akin. Sinabi niya pang nasira ang plano ko ha?
"Ikaw itong gagi!" Sigaw ko sabay paghagis ng flower vase dito sa living room "ina mo! Sino nakatagpo?" Tanong ko sa kanya buhat ng sama ng loob.
[Si Savannah, siya lang ang nakita ko at wala ng iba, baka siya yung nakasunod sa akin kanina] tek na yan! Hinilamos ko yung kamay ko sa mukha ko. Nakakainis! Paano malalaman ni Savannah na nandoon ako kung magkasama lang sila kanina ni tito?
"Put nam ina! Nakakabanas naman! Sige mamaya may iuutos pa ako" gigil kong sinabi sa kanya.
[Sige, bahala ka masira na naman yang pinaplano mo] hindi ko na kayang pakinggan pa yung mga sinasabi niya at agad kong pinatay ang telepono ko.
Paano kaya kung mas lalo kong lasunin si Zachariah? Tsk huwag na, tama lang yang aksidente sa kanya...
Pero nagsasabi ang utak ko na gawing malala ang sitwasyon niya.
Ngumisi ako sa naisip ko, paano kaya kung mas lalo kong lasunin ang gag*ng yun? Tamang-tama...
*smirk*
BINABASA MO ANG
Just In The Bridge (COMPLETED)
Ficción General[Written in Filipino and English] Maaga nagsimula ang lahat, maaga din nagsimula ang kanilang pagmamahal, maaga din kaya sila matatapos? Savannah Garcia has a complicated past, she was able to find her love for years but she didn't succeed. She...