Chapter 20 - Countdown
Savannah
Hanggang ngayon nag-aalala pa rin ako kay Zachariah pati sa batang ito... Bakit ba kasi may kumuha pa sa kanya at pinaplano pang itago sa akin eh "Ella" tawag ko sa kanya na kasalukuyang kasama ko. "Pakibantayan siya" utos ko sa kanya at tumayo na "pupuntahan ko lang si Zachariah" paalam ko at umalis na ng bahagya nang tumango siya at ngumiti.
Pagkalabas ko parang ang sama ng atmospera sa paligid, parang nawala ata ang nararamdaman kong saya? Habang naglalakad ako ay bigla ko nalang naalala yung phone ko na basta-basta nagriring at nakikita ang pangalan ni George sa screen.
Paano niya kaya nalalaman kung nasaan ako tsaka anong ginagawa ko?
Pagkapunta ko sa kwarto ni Zachariah, nakita ko agad si Mike na natutulog sa tabi kasama ang kanyang kaibigan. Parang nakarating yung ulo niya sa kama ni Scott. Mahal niya so Scott bilang kaibigan at parang ang loyal naman nito. Iniisip ko talaga kung bakla siya eh kasi kung kumilos napaghahalataang may pagkalambot eh.
Nilapitan ko silang dalawa, pagnagkataon na naging bakla itong si Mike, makikipagfriendship over ako sa kanya at mas malala kung aagawin niya sa akin si Zachariah.
Teka anong sinabi ko? Aagawin?
Bumangon si Mike sa pagkakatulog "Oh nandito ka na pala Van" tsaka kinusot ang dalawa niyang mata "sige, hinintay lang kita na dumating, alis na ako at kailangan na din ako sa Campo sabi ni Alex yung kapwa ko sundalo" sabi niya tsaka umalis na nang tumango ako na ang ibig sabihin ay okay, makakaalis ka na.
Gusto kong masolo si Zachariah, at pagmasdan ang gwapo niyang mukha... umalis na agad si Mike sa kwarto at naiwan kaming dalawa ni Scott dito.
Nilingon ko siya at umupo sa tabi kung saan nakaupo si Mike kanina at hinawi ang buhok nito "Scott ang gwapo mo, alam mo ba yun?" Tanong ko sa hangin, mukha siyang anghel kung natutulog... di tulad pag gising mala-Mike ang ugali.
Hinawakan ko yung kamay niya na may nakakabit na cannula ng IV "Zachariah hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at gusto kitang magising agad" sambit ko sa walang malay niyang katawan. Naramdaman kong babagsak anytime ang luha ko kung iniisip ko na may mangyayaring masama kay Scott.
"Scott kailan ka ba magigising? Maghihintay ako ng oras para makita ko ulit iyang gwapo mong mukha" nakangiti kong sinabi sa kanya at ang alam kong ginawa ko ay niyakap ko nalang siya. Siguro kung gising siya, magagawa niyang magulat dahil ginagawa ko ito sa kanya.
Sa akin ka lang Scott. Parang unti-unti na akong nahuhulog sayo... sorry kung di ko sinasabi na tumatawag si George eh kasi ayaw ko naman na magselos ka o magalit sa akin... pero kung nagtatampo ka lang naman, okay lang sa akin basta lalambingin kita.
Napangiti ako sa aking sinabi, hindi ko alam kung saan ako tutungo kung wala ka sa tabi ko, Basta makasama lang kita magiging okay na ako. Pinikit ko yung mga mata ko at pinaramdam sa sarili ang tahimik mong presensya.
Scott sana gising ka ngayon para may kaharutan ako. Kahit kaibigan lang kita parang dahan-dahan akong nagkakaroon ng feelings sayo. Mahalin man ako ni George at pilitin niya akong pagsamantalahan, I promise hindi kita iiwanan o ipagpapalit sa iba.
Promises meant to be broken. T_T
Alam ko pero hindi lang Basta pangako yun, Basta it's part of my prayer too. Kaya mo bang sabihin prayers meant to be broken? Diba hindi? Dinadasal ko nga Scott na sana hanggang sa huli tayo pa rin eh.
Kahit hindi ko kayang sabihin sayo ang nararamdaman ko basta nakikita sa mga gawa ko at sapat na para makita ng mga magaganda mong mata. Kaibigan pa ba kita? Parang more than friends na nga ang turing ko sayo eh.
BINABASA MO ANG
Just In The Bridge (COMPLETED)
General Fiction[Written in Filipino and English] Maaga nagsimula ang lahat, maaga din nagsimula ang kanilang pagmamahal, maaga din kaya sila matatapos? Savannah Garcia has a complicated past, she was able to find her love for years but she didn't succeed. She...