Chapter 25 - Reason
Mike
Mabilis akong nakarating sa kwarto ni Zachariah at ginulo siya "Tol! Tol!!" Sigaw kong tawag sa kanya sabay niyugyog yung balikat niya. Tinignan lang niya ako ng masama at binigyan ng nagtatanong na mukha.
"Ano na namang kagaguhan ang gusto mo?" Tanong nito na halatang naasar sa akin, sinamaan ko din siya ng tingin.
"Tol hindi kagaguhan... May nangyaring masama kay Savannah" koreksyon ko sa kanya, yung kaninang masamang tingin niya sa akin ay napalitan ng pag-aalalang tingin. Halatang nagulat pa siya sa sinabi ko.
"Ano!?" Galit niyang tinanong sa akin. Tumayo siya sa pagkakaupo niya "nasaan na siya ngayon? Okay lang ba siya?? Mike sagutin mo ako!" Yan na naman galit na naman, kanina nagulat lang pero ngayon nag bilis talagang mabago ng ekspresyon.
"Nandoon pa siya sa emergency" sabi ko sa kanya at tumungo, huminga ito ng malalim at kinuyom ang mga kamao. Tinignan ko lang siya na iniipon yung sama ng loob. Ito kasi ang mahirap kay Zachariah, pag oras ng mga aksidente o problema, talagang kailangan idaan sa galit eh pero ang totoo niyan nag-aalala lang talaga siya sa mga nangyayari. Ayaw niya lang lamangan siya ng pagkaemosyonal. "Magiging okay lang si Vannah, huwag ka na magalit tol" sabi ko sa kanya.
"Paano ako hindi magagalit kung yung girlfriend ko ay nasa emergency pala!" He gripped his hands on the edge of the table beside his hospital bed. Hindi nalang ako sumagot at tinignan nalang siya.
Ano ba kasing nangyari kay Savannah? Heat stroke ba? Eh kaso malabo naman na magka-stroke siya kasi ang lamig-lamig dito oh.
**flash back**
(A/n: hihi... ito yung time na pumunta si Savannah sa room ng manang Olivia at papa niya)
Pinanood namin si Savannah na nakahawak sa ulo hanggang sa makalabas na ng hospital room ni Zachariah.
Nung nakalabas na siya, gusto ko sana siya tanungin kung bakit nakahawak si Savannah sa ulo niya. Tinignan ko si Zachariah at nagbukambibig ako nang bigla naman siyang nagsalita.
"Sino yung batang tinatanong mo kay Van?" Bungad agad sa akin nitong mainiting ulo kong kaibigan. Ngumiti ako sa kanya, single si Van so imposible naman atang magkaroon ng milagro sa kanya "tinatanong kita Mike"
"Edi yung batang pasyente niya malamang... Hindi naman puro matanda ang pasyente ni Savannah eh. Common sense naman bro!" Sabi ko sa kanya ng pabiro at may halong halakhak. Tinignan lang niya ako ng masama tsaka kinunutan ng noo.
"W-T-F" saad niya at sinandal ang ulo sa headrest nitong hospital bed. Napaisip naman ako kung anong meaning ng WTF... ano meaning?
Want to Fck ba kamo?
Ew... kadiri naman yung naisip ko kung pwede sana sabihin niya yan kay Savannah eh kaso wala siya dito.
Napalingon ako sa kisame at umaktong nag-iisip ng malalim kung anong anong meaning ng WTF na sinasabi ni Zachariah "ah bro! You mean Welcome to Facebook?" Sabi ko sa kanya na may halong pagkasabik. Tignan mo nga naman oh! Isang Mike Rivera ang nakasagot kung anong meaning ng WTF whoop!
Lumingon siya sa akin buhat yung matatalim na mata, huh! Ang talino talaga ng kaibigan ni Zachariah! "G*go!" Sigaw nito sabay binatukan ba naman ako ng malakas. Tsk itong ulo ko gawa ng Diyos kaya sinasabi ko sa inyo na kung yung mukha ko ay gawa ng Diyos ibig sabihin Wala siyang ginawang pangit and so... gwapo ako.
Ako lang ba? Oo AKO lang.
"Bro ano ka ba!? Easy lang!" Sabi ko sa kanya, napapailing nalang ako. Paano kaya nagkagusto sa kanya si Savannah kung ganyan siya umatsa? "Ano ba kasing ibig sabihin ng WTF?" Naiinis din kasi ako, alam mo naman iyang si Zachariah medyo magulo kaya hindi mo maintindihan.
BINABASA MO ANG
Just In The Bridge (COMPLETED)
Ficção Geral[Written in Filipino and English] Maaga nagsimula ang lahat, maaga din nagsimula ang kanilang pagmamahal, maaga din kaya sila matatapos? Savannah Garcia has a complicated past, she was able to find her love for years but she didn't succeed. She...