Twenty one

68 1 0
                                    

Chapter 21 - The Feels

Savannah

"Vannah gising na!" Habang niyuyugyog ako ni Ericka ay mabilis akong napabalikwas ng upo. "Yung bata gising na!!!" Masayang balita nito sa akin. Nanlaki ang aking mga mata nang sinabi niya iyan.

Ano? "Weh?" Sabi ko sa kanya tiyak hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi "totoo? Baka mamaya biro mo lang yan ah" sabi ko sa kanya na nakangoso.

Nagpout siya "hayy bahala ka nga diyan" sabi niya nalang tsaka umalis na. Huminga ako ng malalim, kaya lang naman ginawa ko yun kasi ang sakit ng katawan ko eh. Huhu bone pain na nga ata ito...

Pinilit kong itayo ang sarili ko at sinubukang maglakad papunta sa kwarto ng bata, pagkapunta ko ay agad na bumungad sa akin ang magindahawang atmospera, nakita kong nakadilat ang kanyang dalawang mata at umiiyak dahil sa sakit. Tinitiis niya ang syringe na inenject sa kanya nurse Valdez.

"Tahana bibi umiyak ha? Saglit lang naman toh bibi" sabi ni nurse Valdez sa bata at patuloy lang ito sa pag-iyak. Ang cute niya kung umiiyak siya parang may pagkamukuha ni Scott.

Bakit nga ba niya may pagkamukha?

Nilapitan ko sila "yan tapos na" nakangiting sambit ni nurse Valdez, yumuko lang siya sa akin nang nakita niya ako inaabangan ko siyang umalis at wala pang segundo ay mabilis na din siyang naglakad umalis.

Kusang gumawa ng curve line sa labi ko at namalayan kong isang ngiti ang lumabas sa aking nga labi "hello" bati ko sa kanya. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin habang humihikbi.

Pula ang mga mata nito, malamang galing sa pag-iyak. Umupo ako sa tabi niya tsaka tinanong "Anong pangalan mo?"

Sa una, hindi niya nagawang sumagot bagkus nakatingin lang siya sa akin, naghintay ako ng ilang minuto at maya-maya "C-Casey" sagot nito sa akin at hinawakan ang kamay ko "t-tulungan niyo po a-ako" pagmamakaawa niya sa akin.

Naawa naman ako sa nagmamakaawa niyang mga mata, oo gusto kitang tulungan... gustong-gusto ko. "Ako si Savannah, doctor ako dito at tutuulungan talaga kita" ganyan ko kamahal ang mga tao sa paligid. Kaya kung ikaw ay nang-aapi, susubukan ko pa rin na makipag-kaibigan sayo.

"Ate Savannah... Sino po nagdala sa akin dito?" Tanong niya na nagpangiti pa ng husto sa akin, Sino pa nga ba?

Humalakhak ako ng konti "nakita kita sa bandang residence namin na walang malay at nabaril ka kaya mabilis kitang dinala dito at ginamot" nakangiti kong sinabi sa kanya tsaka siya hinawi sa buhok. Ito lang talaga ang gusto kong gawin sa mga pasyente ko, ang hinahawi yung buhok.

Tumango siya at pinilit na iupo ang sarili, hindi naman ako nagdalawang isip at tinulungan ko rin siyang makaupo sa kama. "Doc. Savannah, ano pong naging result ng accident ko?" Tanong niya sa akin na nakatingin sa mga mata ng diretso.

Ano nga ba? Okay lang ba siya? "Okay ka lang naman pero medyo kailangan ka pa kasi mag-undergo sa mga test para maconfirm kung ano ang result mo" paliwanag ko. "Tsaka ate Vannah nalang ang itawag mo sa akin" koreksyon sa kanya.

Ang tagal niyang natulog tapos may nagbabalak pang kumuha sa kanya at buti nalang nakita ko siya agad, akala ko talaga tuluyang wala na siyang malay. "Doc Vannah paano po yan? Wala po akong pambayad sa pampaospital" sabi niya sa akin na may lungkot sa boses.



Hinawakan ko yung balikat niya "ako na ang bahala, libre na ito para sayo... ako na ang magbabayad at doctor naman ako dito" nakangiti kong sinabi sa kanya tsaka siya hinawakan sa pisngi. I think I'm treating her like my little sister.



Ngumiti ito sa akin pabalik and it seems she feels that she was so cared with me. And that's the fact.

"Ate Vannah may boyfriend ka na ba?" Tanong niya sa akin na biglang nagpaalala sa akin si... Scott. "Kung may bf ka na ate Vannah, treat him like your real lover" nakangisi niyang sinabi sa akin na may kasamang tawa. Kanina lang siya umiiyak pero ngayon nang kinausap ko na siya ay biglang napalitan ng saya at tuwa.



Just In The Bridge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon