Chapter 5 - Life of a doctor
Erika Santos (Savannah's nurse)
*toot* *toot*
(A/n: Hindi sa telepono actually yung sound effect... sa hospital yan yung EKG Machine... yung sa heart beat <3)
Nataranta ako bigla dahil sa negative effect ni Mr. Ramirez, gising na siya ngayon pero bakit hindi mahanap ang pangalawang bala sa gitnang part ng katawan niya!? Nakakayamot na!
"Nurse Gomez, tinawagan mo ba si Dr. Garcia para itest sa kanya kung nakatama ang bala sa bandang cardio part ng body?" Tanong ko sa kaibigan kong si Ella Gomez. Umiling siya at tinanggal ang mask na nakakabit sa bibig niya.
"Tatawagan ko Ericka, wait" lumabas siya sa hospital room at naglabas ng telepono. Kahapon pa nangungulila ang maglola dahil kay Mr. Ramirez. Maya-maya habang tumatagal si Ella, nakakaramdam ako ng kaba dahil sa IV niya.
Pumasok sa loob si Ella buhat ang pagkainis din "Ericka, hindi matawagan si doc, nakapatay ata o walang signal? Parang walang sumasagot eh" lalo akong nataranta, under na kami sa emergancy pero bakit ganon si doc. Savannah? Hindi sinasagot ang tawag namin?
"Alam ko mamayang 9:00 AM siya papasok, tawagan mo na si doc. Gutierez" utos ko ulit kay Ella habang busy mag-ayos ng IV ni Mr. Ramirez.
Savannah
Kumalma ako at ganon din yung puso ko nang medyo kanina pa kami nag-uusap "ahm ano pala trabaho mo?" Tanong ko sa kanya habang papunta sa subdivision namin.
"I am a Lieutenant Colonel sa AFP" sagot niya na nagpalaki ng mata ko, sundalo? "Ikaw? Anong trabaho mo?" Tanong niya sa akin. Actually nakabili na pala ako ng bibingka kasi nilibre ako nito ni Zachariah.
"Cardiologist, surgeon sa ICU, yan ang trabaho ko pero minsan nagiging pediatrician ako" sabi ko sa kanya na nagpalaki sa dalawa niyang mata, alam kong mahirap ang trabaho ko pero mas mabuti naman kasi nakakatulong ka sa kapwa mo.
Teka? Nasaan na si George? Lumingon ako sa paligid, baka sumulpot si George bigla dito sa moment namin ni Zachairah. "Sino hinahanap mo? May hinahanap ka ba?" Tanong niya nang mapansin niyang umiikot yung ulo ko in 260 degrees.
Umiling ako "w-wala... hehe may langgam kasi kaya eh ayun makati" pagpapalusot ko na nagpangiti naman sa kanya at maya-maya parang may nararamdaman kong may nakatingin sa akin kaya siguradong si George yan...
Oh no sana hindi siya magselos, kaibigan ko lang naman si Zachariah eh. "Van, who's that?" Sulpot ni George sa harap namin ni Zachariah na may hawak na car keys. Masama ang tingin niya kay Zachariah hanggang mamaya parang mabilis na napalitan ito ng maginhawa at kalmadong itsura. "Sir Edwards" kinakabahang tawag ni George.
Edwards? Zachariah Edwards ang name ng isang Lieutant colonel ng AFP na kasalukuyang kasama ko? Wow! Ang ganda ng surname, mas maganda pa Kay George, George Wright kasi ang name ni niya eh. Bakit parang british surnames ang meron ng mga ito?
"What do you need Mr. Wright?" Tanong ni Zachariah, oh my goodness! Huwag niyong sabihin na Mr. Wright ko yan si George, mabait naman siya pero bakit parang ayaw ng puso ko na papasukin siya sa loob? Bakit parang si Zahariah lang ang pwede?
"She's my girlfriend" nanlaki ang mata ko nang sinabi niya iyon, teka? Bakit girlfriend eh ayaw nga ni papa sa kanya? Kumunot ang noo ni Zachariah.
"T-teka George, paano mo ako naging gf kung si daddy ayaw niya sayo?" Pagkatapos kong sabihin iyon mabilis niya akong hinila papunta sa kanya, muntik na rin akong masubsob sa matipuno niyan katawan. Masama ang tingin niya kay Zachariah, teka huwag niyong sabihing nagseselosan ang dalawang ito kasi kaibigan ko lang naman ang turing sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Just In The Bridge (COMPLETED)
Fiksi Umum[Written in Filipino and English] Maaga nagsimula ang lahat, maaga din nagsimula ang kanilang pagmamahal, maaga din kaya sila matatapos? Savannah Garcia has a complicated past, she was able to find her love for years but she didn't succeed. She...