Thirty seven

55 2 0
                                    

Chapter 37 - Smile

Mike (time before Zachariah came in)

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa ni Casey, ayaw kong masalubungan ng matatalim na tingin galing kay tito... nakakatakot.

Nakangisi si Alex ng nakakaloko sa akin nang natagpuan niya akong nagtatago ng presensya dito sa tabi. Psh panira talaga toh. "Sinabi ko na sayo diba?" Panimula ni tito kay Savannah. Mabigat sa pakiramdam ang pinagdadaanan ngayon ni Savannah, problemado na nga siya eh.



Pagsundo ko Kay Casey doon sa kwarto nila manang Olivia ay nakita ko pa nga pamilya niya na naghihirap na sa mga medical equipments na nakakabit sa katawan nila eh, tapos yung sakit pa ni Savannah at si tito naman, balak paghiwalayin ang relasyon nila ni Zachariah. Paano pa ba magiging masaya ang moment ng forever nila?

I think wala talagang forever.


"Hindi ko kaya pag hindi ko siya minahal" yan lang ang mga sinasabi ni Savannah, hindi na nawala sa kanyang linya ang salitang mahal sapagkat pakiramdam ko ay dinadamdam niya kung gaano siya kamahal ni Zachariah. "Hindi ko kaya pag hindi ko siya minahal" ulit pa niyang sinabi.



Nanatili akong tahimik dito sa tabi at pinapanood lang ang kanilang ginagawa, actually kanina pa nga sila nag-uusap parang unli lang eh. Hindi natatapos, kung matatapos... uulitin lang yung pinag-uusapan. "Hindi mo kaya?" Galit na tinanong ni tito kay Vannah. Gusto ko sanang ikalma si tito baka naman mamaya magkasa na lang siya diyan ng baril tapos itututok pa kay Savannah. Ang brutal non.




Umiling si Savannah at huminga ng malalim "kung may ebidensya nga talaga ako na iniwanan na niya ako... na pinabayaan na niya ako... na pinaasa niya lang talaga ako sa Wala... magagawa ko siyang hiwalayan" sambit niya ng kalmadong pagkakasabi. Hindi naman ganon si Zachariah eh, hindi naman siya nang-iiwan, tsaka hindi din niya kayang pabayaan ang isang tao.


Ako nga 8 years na kaming magkakaibigan pero hanggang ngayon hindi pa din niya ako pinapabayaan eh. Gusto lang talaga kasi ng tatay ni Zachariah ang mga model kasi yung nanay ni Zachariah ay isang model ng Miss World noong 1996 bago lumipas ang buhay ni Mrs. Edwards.


May simbolo kung bakit May model sa mundo, hindi lahat ng model ay babae, hindi lahat ng model ay dumadaan sa bench o Victoria secret... model dahil gusto niya ng taong alam ang sarili... matapang at walang kahinaan. Alam ko kung bakit ayaw ni tito kay Savannah, dahil iniisip niyang mahina siya...


Alam kong pwedeng maging mahina si Savannah sa sakit niya, pero mas naniniwala akong magiging matapang siya kung ipaglalaban din niya ang pagmamahal na ibinuhos sa kanya ni Zachariah. Kung may mga kalaban, huwag mong hahayaang makapasok sa teritoryo mo. Lumaban ka at ipagtanggol ang sarili. Isipin mong magiging maayos ang lahat ng ito pagkatapos ng pagsubok na dinadaanan ngayon.



"Walang kwenta! Anong ebidensya? Nababaliw ka na ba babae??" Walang respetong tinanong ni tito kay Van. Tinitiis ko lang yung sakit na mga salitang binubukam-bibig ni tito... alam kong ganon din si Savannah. "Paanong ebidensya??"




Tumabi si Casey sa gilid, kasama si Alex. Bwisit din itong lalaking ito eh... pag may ginawa lang siya kay Casey, bugbog sarado sa akin yang sundalong pilantod na iyan "ebidensya kung saan makikita ko ang mga galaw niyang kakaiba, ebidensya kung saan doon ko makukuha ang salitang iniwan na talaga ako" nangingiyak na sinabi ni Savannah. Wala pa naman dito yung doctor niya.



Kanina ko pa nilalabas ang cellphone ko at tinatawagan si Zachariah eh pero wala namang sumasagot. Ang saya siguro nila ni Cecil sa morgue no? Magkasama ang dalawang salot.



Just In The Bridge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon