Forty one

58 1 0
                                    

Chapter 41 - Welcome Home

Savannah

Kasalukuyang kasama ko si Casey habang tumatawid kami dito sa tulay para makapunta sa simbahan at makapagsimba na nitong alas tres ng hapon. "Casey nagugutom ka ba o ano?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti ito at umiling, hindi mawawala sa isang araw ang ngiti sa kanyang labi kaya pati ako, nadadamay din sa kanyang kaligayahan "Wala naman ate, dito din kasi ako nagsisimba nung batang kalsada palang ako" kwento niya. Tumigil naman ako saglit sa kanyang sinabi.

"Kilala mo ba si Father Vergara?" Tanong ko, kung nagsisimba siya dito ibig sabihin kilala niya yung paring lagi kong pinupuntahan pagkatapos ng misa?

Tumango naman ito bilang sagot niya "May sinabi siya sa akin ate..." tsaka bumalik na kami sa paglalakad. Naiisip ko minsan si Father, ang tagal ko ng hindi siya nakikita mula nung nagkasakit siya at sinugod sa ICU. "Sabi niya sa akin, sa ating mga palad... ay isa na ding regalo" paninula nito sa pagkwento.

Hinayaan ko lang siyang magsalita habang ako naman ay nakikinig a bawat salita niya "ginawa daw ang ating mga kamay para gumawa ng mabuti... Hindi para gumawa ng masama" nakangiti niyang dinugtong, napalingon ako sa sinabi niya, "pag gumawa tayo ng mabuti, ibig sabihin ay isang regalo na daw yun sa langit" turo pa niya.

Parang May naalala ako sa kanyang sinabi... "pag ikaw daw ay nawala sa mundo nang walang ginagawang mabuti, parang useless lang, pero kung merong mabuti sa ginagawa natin siyempre tagumpay" huli niyang sinabi sabay niyakap ako sa beywang habang papunta na sa simbahan. "Wala na siya... nandoon na siya sa langit kasama sila mommy at daddy" malungkot naman nitong sinabi sa akin, kaya pala niya ako niyakap.

Binigyan ko din siya ng isang mahigpit na yakap pabalik at hinimas ang kanyang likod "yan din ang sinabi ni father sa akin"

**flashback**

"Tignan mo ito anak, iyang kamay mo ay isang regalo para sa Diyos, alam mo kung bakit? Kasi kahit nasa isip mo lang yung mabuti, edi parang hindi totoo diba?" Umakto pa si Father na Hindi niya alam at ngumuso, natawa ako sa ginawa niya pero kahit papaano may natututunan ako sa kanyang salita "eh kung sa kamay mo, may mabuti kang ginagawa diba?" Dugtong niya na may halong nakataas ang kilay.

Ngumiti ako sa kanya "maraming ibang klaseng mabuti po Father, pero ano po bang eksaktong kabutihan ang dapat gawin ng isang anak ng Diyos?" Tanong ko sa kanya. Hindi ako banal bagkus natututo lang ako malaman ang mga bagay na tungkol sa Panginoon, dahil alam ko kung saan ang tutungo ang buhay ko.

"Pag may niligtas kang buhay ng tao, it's a big present from heaven, because there's have a mercy, hindi man lang corporal or spiritual basta may kaawaan ka" nakangiti niyang sinabi, pati na din ang kanyang mga mata ay nakangiti "pero kung ikaw ay nawala pero wala kang ginawang mabuti, edi sorry for that diba?" Sabi niya ulit.

Tumango ako at nanatiling nakatama lang ang mga mata ko sa kanya. Tama siya, sinabi din ni daddy yan sa akin kaya kung may ginawa kang masama sa iyong kapwa, hindi matutuwa ang Diyos pero kung merong kabutihan, edi isa ng regalo sa langit yun.

"Thank you po Father" sabi ko at umalis na. Buhat yung sinabi ni Father, napaka-inspirational. Siguradong matutuwa si papa nito kasi natututunan ko ito sa isang pari eh.

**end of Flashback**

Napangiti ako nang naalala yung alaala na iyon. "Ate Vannah, nasaan na nga pala mommy mo?" Kumalas sa pagkakayakap si Casey at nagtanong sa akin.

Hinarap ko siya "Wala na si mommy... OFW siya sa Iraq and she's working at th medical factory for four years... matagal ng Wala si mommy. Mula nung matatapos ako ng pag-aural ay Wala na siya" malungkot kong kinukwento sa kanya. Naalala ko si mommy, ang bait niya sobra, sobra pa sa pagmamahal. "Seven years ago na siyang hindi namin kasama, sabi ni papa yan" nakangiti kong kinuwento sa kanya.

Just In The Bridge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon