Thirty two

54 0 0
                                    

Chapter 32 - Code blue simulation

Casey

Kumalas ako sa pagkakayakap kay sir Kaden at tinignan siya "Bakit ka nagsosorry?" Tanong ko sa kanya, yung mata niya ay parang nagbubuo ng pag-aalala at lungkot.

"Sorry kasi inutusan lang ako eh" Sabi niya tsaka niya ako hinawakan sa pisngi, yung haplos niya ay parang naramdaman ko yung kuryenteng dumaloy mula sa pisngi hanggang sa aking puso. Bakit ganito siya kung makahaplos sa akin?

"Ano bang dahilan kung bakit ka nagsosorry?" Hinawakan ko din siya sa kanyang pisngi at tinignan siya ng nag-aalala. Ayaw kong nakikita siyang malungkot, ano kayang dahilan kung bakit nagsosorry? Dahil ba may gusto siya sa akin? Okay lang naman yun eh, at least gusto ko din siya.

"Basta" umiling-iling siya "tsaka ko nalang sayo sasabihin" sinubukan niyang ngumiti pero alam kong matatabunan din iyon ng lungkot. Nacucurious talaga ako kung bakit siya nagsosorry sa akin, siguro sa pagtulak ng wheelchair?

Okay lang naman yun eh kasi nagmeet na din kami dati sa kalsada. "Ang ganda mo Casey" sambit nito sa akin tapos tumayo na "gusto na ata kita eh" natawa ako ng mahina sa kanya. Ako din naman nagkakagusto ako sa kanya, May babae kayang hindi magkakagusto sa kanyang kagwapuhan?

Lumipat na siya sa likod ko at hinawakan sa handle para itukak ang wheelchair "saan ka nga pala pupunta?" Tanong nito sa akin, naalala ko sila Lola Olivia at tito Stpehen, Oo nga pala Bibili ako ng mineral water para sa kanila.

"Sa cafeteria nitong Hospital, tara samahan mo ako" nakangiti kong sinagot sa kanyang katanungan. Hindi naman siya nagdalawang-isip at tinulak na niya ang wheelchair ko. Feeling ko lahat ng taong nakapaligid sa akin ay mababait...

Si ate Savannah, Lola Olivia, tito Stpehen, kuya Mike, kuya Zachariah at sir Kaden "sir Kaden" tawag ko sa kanya, hindi ko alam kung bakit iyon yung pantawag ko pero basta ayaw ko kasing hindi gumagalang eh.

"Kaden nalang kahit alam kong mas matanda ako kaysa sayo" nakangiti niyang sinabi sa akin, Kaden... ang ganda ng pangalan niya. Ang gwapo, ano kaya apelyido niya? Gwapo din kaya?

Savannah

Tahimik ang buong paligid dito, yung kaninang ingay sa labas ay biglang tumahimik na nang binitawan ni sir Edwards ang mga katagang na tumusok sa aking puso at naramdaman yung sakit.

"Ang sakit" bulong ko sa sarili. Mahal na Mahal ko si Scott pero bakit naman yung tatay niya nagawang hindi ako gustuhin na makipagtuluyan kay Scott? "Ang sakit-sakit" ulit ko at pinikit ang mga mata, kasabay yung pagsakit sa aking ulo.

"Dad! What the fck!? Kung ayaw mo, Basta ako gusto ko!" Sabi ni Zachariah sa kanyang ama. Nagawa pa niyang magmura sa harap ng kanyang ama. Bakit ganito siya?

"When did you learn to cuss Zachariah!? Yun ang gusto ko kaya humiwalay ka diyan sa Savannahng yan!" Gigil niyang sinambit. Parang nabuhay muli si Heneral Luna noong mga oras na galit na galit siya sa kanyang military group. Ayaw ko yung ganito, sigawan, awayan, talunan.

"Hindi ko hihiwalayan si Savannah, Mahal na Mahal ko siya, hindi ko siya magagawang iwanan" depensa ni Scott sa kanyang ama gamit ang paninigaw, ayaw kong naririnig si Scott na gagalit sa kanyang sariling ama...

"Anong hindi? Ayaw kong siya ang makakatuluyan mo, hihiwalayan mo siya o hindi?" Maotoridad na tinanong sa kanya ng kanyang ama, tinignan lang ni Zachariah si sir Edwards ng masama at May napupunong sama ng loob sa mga tingin. "Kung hindi mo siya hihiwalayan, ako mismo ang magpapahiwalay sa inyo"

"Damn dad! I love her and she loves me too hindi niya ako magagawang iwanan please!" Yung masamang tingin kanina ni Scott ay unti-unting pinalitan ng emosyonal. "Mabait si Savannah kumapara sa ibang babae! Iba siya, mahirap man maghanap ng babaeng tulad niya pero basta ako, napakaswerte ko dahil ako ang nakatuluyan niya" punong detalyeng sinabi niya.

Just In The Bridge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon