Chapter 9 - An Accident
George
Matapos kong pirmahan yung mga papeles para kay kuya ay agad kong tinawagan ang kaibigan ko na nakatira sa Pilipinas.
"Hello Kaden..."
[George buti napatawag ka, ano pwede kong ilingkod sayo?] Tanong niya na halos mukhang sabik na sabik pang gawin ang iuutos ko sa kanya.
Ngumisi ako at tinignan ang isang larawan dito sa opisina ko "since sinabihan ko naman ang mga ibang kapwa sundalo ko sa campo na parang tatagal pa ako ng isang taon dito... nais ko sanang manghingi ng pabor kung okay lang sayo"
Medyo may tagal ng konti at maya-maya [ano iyon George?] Tanong niya ulit na lalong nagpangiti sa akin ng malapad. Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinarap ang kalaki-laking bintana dito sa opisina.
Tinignan ko ang mga magaganda at matataas buildings sa paligid, maganda din naman ang bansang Brazil pero mas magiging maganda kung gagawin niya talaga ang gusto ko.
"Bantayan mo si Savannah Garcia, sabihin mo sa akin agad pag kasama niya kasalukuyan ang Lieutant colonel ng AFP" utos ko.
Dati kaibigan ko iyang si Zachariah pero nagkamali ako dahil dati minsan na niya ako gamitin, akala ko magiging madali ang lahat pag magkasama kami sa Campo pero ngayon hindi... malabo na at mas lalong naging mahirap. Tapos ano ngayon? Edi lumalapit na kay Savannah kung kailan siya na ang magiging fiance ko next year pagkauwi na pagkauwi ko galing Brazil. I don't care kung di ako type ng tatay niya basta mapasaakin lang ang babaeng iyon.
[Noted George, sisimulan ko na ngayon at sisiguraduhin kong hindi ako magpapakita sa kanya] nakaramdam ako ng sigla nang bitawan niya ang mga katagang iyan.
Naginhawaan din ang pakiramdam ko, binaon ba naman kasi ako ng pag-aalala at sama ng loob dahil mula kanina na pagkatawag ko sa kanya, marinig ko lanh boses niya, okay na ako eh kaso bigla nalang sumingit ang boses ng lalaki sa kabilang linya at sa huli si Zachariah lang naman pala ang kasama...
Ilang beses niya ba ako kailangang saktan? Pati gf ko nilalapitan na eh. Kung nag-aagawan lang kami ng pwesto sa Campo edi sana walang mangyayaring kabuangan. "Sige sundan mo siya kahit saang lugar" panimula ko sa gagawin niyang task. At binaba na ang telepono.
Ramdam kong iniiwasan din ako minsan ni Van, tignan lang natin kung kakayanin niya talaga akong iwasan...
*smirk*Savannah
Mag-isa akong nagluto ng hapunan para dalhin sa ospital, nagtext kasi sa akin si Nurse Rey na maayos na ang kalagayan ni manang Olivia. Nagpalit na ako ng damit, nakasuot na ako ng black high waist pants and red long-sleeved crop top sweater. Mukha akong dancer sa suot ko. Malamig kasi pag gabi dito sa residence namin kaya nagsweater ako tsaka ayokong magkaroon ng common cold or cough dahil sa lamig.
Nang nilagay ko na yung dinner appetite sa bag ay biglang tumunog ang cellphone ko, teka nakaoff notification ito ha? Nakita ko ang unknown number, Sino ito?
"Hello?"
[Hi Vannah] kinabahan ako bigla sa boses, di ko ito kilala.
"Sino ka?" Tanong ko na mahahalatang may takot.
[Aww nakalimutan mo na agad? Edi si Scott mo...] kumalma yung lagay ko nang nalaman kong si Zachariah lang naman pala ito.
"Bakit ka nga pala napatawag?" Tanong ko sa kanya tsaka pinatay na yung stove. Dinala ko yung bag na may dinner namin mamaya sa Salas.
BINABASA MO ANG
Just In The Bridge (COMPLETED)
Ficción General[Written in Filipino and English] Maaga nagsimula ang lahat, maaga din nagsimula ang kanilang pagmamahal, maaga din kaya sila matatapos? Savannah Garcia has a complicated past, she was able to find her love for years but she didn't succeed. She...