Fifty

87 1 0
                                    

Chapter 50 - Dad is an angel now

(A/n: long chapter because detailed po ang funeral part ni Stephen)

Savannah (3 hours later...)

Medyo okay na ako mula nung nagtheraphy ako last hours. Tinungo agad namin si papa kung saan nandoon at nahihirapan na siya. 50:50 nalang daw ang kanyang life existence dito kaya naman Hindi nakakasigurado ang lahat kung makakaabot pa siya o hindi na talaga.

Hanggang ngayon nagtetake pa rin siya ng kayang medical tests para maconfirm kung talagang wala na siyang lakas na lumaban pa sa kanyang sakit. Tumigil muna ako in time sa pagiging doctor ko because I want to take care of my father and put all the rest of my attention to him.

Kasalukuyan naming kasama si Scott and tito Paul while ate Cathleen is guarding her young sister and tito Johan Edwards (Zachariah's father) is with Mike and Alex. Kaming dalawa lang ni Scott ang nandito sa kwarto ni papa at ni manang Olivia. Actually nakakalakad na ng maayos si manang and she's free to go home later. Kasama ngayon ni Casey si manang Olivia.

Masaya ako dahil makakauwi na rin siya ng bahay but as for me, nakatulala kay papa at malungkot itong pinagmamasdan "anak" tawag niya sa akin, ang kanyang mukha at medyo pale na para bang halos Wala ng dugong nagcicirculate sa kanyang blood vessels.

Nginitian ko siya kahit papaano, ayaw niya kasing makita akong malungkot "yes pa?" I responded. Zachariah remained silent sa aking tabi habang pinapanood kami ni papa.

He smiled then "buti nalang at si Zachariah ang pinili mo" he said with the tears that ready to fall from his eyes. Hinawakan niya ang aking kamay "I don't like Geroge for you Savannah, kahit anong mangyari always Zachariah lang ha?" Dugtong pa niya na ikinatawa ko.

Grabe nga kanina nung nawalan talaga ako ng Malay, mukhang may nagsasabi sa akin na kailangan bumalik na kami sa relasyon namin ni Scott eh and there, bumalik na nga kami sa isa't isa. Tinignan ko siya "Scott..." sabi ko ng mahina.

"Sorry..." pagpapasensya ko sa kanya.

Naramdaman ko namang inangat niya ang aking ulo gamit ang paghawak niya sa akin sa baba "Sorry din Hon... pasensya na kay dad nung ayaw niyang ikaw ang ma--"

"Naintindihan ko" sagot ko sa kanya, hindi ko na siya hinayaang magsalita. Ayaw kong balikan ang nakaraan. Gusto ko ngayon, yung kasalukuyan na. "Huwag na nating pag-usapan yon" walang gana kong sinabi sabay binalik ang tingin kay dad.

"Alright. Hon, nakikiramay ako sa dad mo... Hindi ko gusto ang nangyayari ngayon" malungkot din niyang sinabi sabay hinawakan ang isa kong kamay na nakapatong sa aking hita. Hinigit niya iyon "nalulungkot din ako kay tito... ayaw kong maganap ang ganito sa inyo" dugtong niya sabay hinimas ang aking kamay.

Hindi nalang ako nagsalita ayon sa kanyang sinasabi. Alam kong nararamdaman ni Zachariah ang nangyari sa amin, alam kong hindi niya kayang makita akong nalulungkot, katulad din siya ni papa. Hindi ko lang naman kayang sabayan any lungkot dahil kay papa.

"Pa" tawag ko sa kanya, nakangiti pa siya ng mga oras na ito, ayaw kong maglaho nalang siya sa aking tabi. Mamimiss ko si papa. "Pa..." tawag ko ulit, ayaw niyang sagutin ang aking tawag.

"A-anak" hirap niyang tinawag sa akin, nilapit ko ang aking mukha sa kanya para mahawakan niya kahit mamaya hindi na niya ito mahahawakan pa "huwag kang aalis sa tabi ni Zachariah... poprotektahan ka niya" wika ni papa tsaka niya hinawakan yung pisngi ko.

Naramdaman kong may namumuo sa gilid ng kanyang mata, anytime babagsak na itong luha ko "Pa hindi ko kaya pag mawawala ka" sabi ko sa kanya.

Yung kamay na hawak-hawak ni Zachariah ay binitawan na niya para mayakap ko si papa ng maayos, "anak... Hindi na ako tatagal dito sa mundo, kailangan mo ng mabuhay mag-isa" nakangiti pa rin siya. Nakakairita minsan ang kanyang ngiti dahil mas lalo akong naiiyak.

Just In The Bridge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon