Seventeen

87 0 0
                                    

Chapter 17 - Lost

Savannah

Sinusubuan ko si papa ng paborito niyang pagkain... fried chicken. Di ko alam kung bakit niya paborito yan pero I found it cute. "Kain ka lang pa" nakangiti kong sinabi sa kanya. Tumango siya ng bahagya at hinawakan ako sa mukha.

"You look like your mother Vannah... kaya nagustuhan ko ang nanay mo kasi nurse ko siya" kwento niya tsaka hinimas yung pisngi ko gamit yung hinlalaking daliri niya. "I miss your mother Vannah" magsisimula na naman siya lumuha. CEO si mama dati nung nabubuhay pa siya, yan yung kwento sa akin nila tito at papa... naging nurse na din si mama nung nahirapan si papa nun pero wala pang nafound out na may cancer si papa.

"Pa. Stop recalling those tragic moments, okay na si mama sa heaven, di siya papabayaan ni God" positibo kong sinabi sa kanya na nagpangiti naman. Pumayat si papa ng sobra at nahihirapan na ding huminga. Sinubuan ko pa siya. Mamaya ko siya itetest, titignan ko kung kamusta na yung medical observation niya.

Sana positive... "si manang Olivia bukas pa magigising pa" balita ko sa kanya, pagkatapos kasi ng simulation ni papa, pinatulog namin si manang Olivia para na rin sa safety ng kanyang health.

"Good. Pagpatuloy mo lang yan anak, you're making your papa proud" yes... I will dad. Buti nga kasama ko pa si papa ngayon tsaka si manang Olivia. I'm so happy because God gave me a chance to be with them for long.

Matapos kong subuan si papa ay napagtanto ko magstay muna dito kahit isang oras or dalawang oras lang bago bisitahin ang mga pasyente ko. "Nak... Bakit nga pala di mo pinupuntahan si Zachariah kung may nangyaring masama da kanya?" Tumigil ako sa ginagawa at nilingon si dad.

"Pa galing na ako sa kanyang kwarto, nandoon din si Mike yung kaibigan ni Zachariah" sabi ko tsaka nilabas yung phone ko. Nandito lahat ng mga pangalan ng pasyente ko na kailangan maconfirm na ang records...

Nakikita ko sa peripheral vision na nakangiti si papa habang pinagmamasdan ako. Kakaiba talaga ang karisma ni papa pagnakikita niya akong nagtatrabaho, like he's so proud.

Kinuha ko yung mga papel na nasa table beside ng IV ni papa at sinulat lahat doon ang mga records ng mga pasyente. Habang sinusulat ko "nak tumatawag ba diyan si Zachariah?" Tanong niya bigla sa akin kaya napalingon ako sa kanya.


Bakit alam ni dad na nakakatawag sa akin si Zachariah? Kumunot ang noo ko "Oo pa, pero paano mo--" di pa tapos ang sasabihin ko nang bigla siyang sumabat.

"Binigay ko number mo sa kanya, pinapunta ko siya dito noon nung umuwi ka sa bahay" nakangisi niyang sinabi tsaka tumawa nung nakita niya akong naguhuluhan. Magulo naman talaga sila papa eh...

Walang pinagkaiba.

"Pa naman!" Inis kong sinabi sa kanya pero hindi ko ginawa physically. Humalukipkip ako ng parang batang nagtatampo sa kanya, siya naman tawa lang ng tawa.

Hindi naman ako naiinis dahil binigay niya yung number ko kay Scott pero bakit naman niya ibibigay? Dapat may permisyo eh. Hindi din sa akin sinasabi ni Zachariah iyan, tinatanong ko siya kanina eh ayaw naman niyang sagutin hayy! Ang duga ni papa tsaka ni Scott.

Mike

Nilibot ko yung hospital room ni Zachariah tsaka hinahanap yung nahawakan ko kanina nung kasama ko si Savannah. Nasaan na kaya yun? Yung ano ba tawag dun?

Meralco savings... yung kuryente na parang plantsa, yung clear?... tuwang-tuwa nga ako kasi katabi ko ngayon yung heartbeat machine. "Dit dit dit dit" sabi ko na parang nababaliw, pinagmasdan ko lang si Zachariah dito na nakahiga sa kama ng walang malay.

Just In The Bridge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon