Chapter 51 - Kidnap
After 1 week...
Someone
Pumunta ako sa ICU para bisitahin ang mga pasyente ni Savannah. Pagkapasok ko ay agad akong nagtanong sa mga nurse kung sinu-Sino ang mga pasyente ni Savannah. "Nurse, May records po ba kayo sa mga pasyente ni Savannah?" Tanong ko sa isa.
Agad namang tumango ang babaeng nurse tsaka niya binigay sa akin ang isang folder at sa harap nito nakalagay ang pangalan ni Savannah Garcia. Nginitan ko siya ng totoo "salamat" sabi ko tsaka naglakad na palayo sa nurse na yon.
**flashback**
Habang tumitingin ako ng mga kalagayan ng buntis dito at pati na din sa mga pasyenteng may malubhang naramdaman ay "uy nakapasok ka sa magiging nurse ni Doc. Bermudez sa susunod na araw! Ikaw daw ang naka-assign sa paggamot kay Mr. Alvarado dahil sa kanyang Hematoma disease" balita sa akin ng isang nurse na si Nurse Gonzales. Ngumiti ako sa kanyang balita.
Pinag-aralan ko na din kasi yung tungkol sa mga diseases kaya medyo may alam ako kung paano gamutin. Dahil sa tuwa nagawa kong yakapin siya "yes! Yes!" Sabi ko sa kanya, niyakap naman niya ako pabalik.
Maya-maya ay nagkalasan naman kami sa pagkayakap "bad news si doc. Savannah Garcia daw may dalawang sakit na" malungkot naman niyang binalita sa akin, pati yung mukha niya ay malungkot na din.
"Sakit? Ang alam ko Leukemia lang, paano naging dalawa?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Ngumuso ito sa akin.
"Lung and bronchial cancer daw"
Bigla naman akong kinabahan dahil naging dalawang cancer na ang meron siya... "a-ano?" Tanong ko sa pagkatulat. Hindi ako makapaniwala. Kaya ba ng isang tao ang dalawang sakit lalo na yung pangalawang sakit ay yun pa yung mas kilalang nakakamatay na uri ng sakit?
Biglang namroblema ang aking isip.
**end of Flashback**
Handa akong tulungan siya kahit ano pang mangyari. Willing kong tulungan ang isang taong malaki ang pinagdadaanan ngayon at may sakit pa siya. Naawa ako kay Savannah. Kailangan may maitulong ako sa kanya kahit isa.
Savannah
(Habang nasa bahay)
Nakauwi na agad ako galing sa trabaho, kanina muntik na ako mablue code simulation dahil lagi ko nalang pinapagod ang sarili ko. Tinignan ko yung picture ni papa dito sa table namin, katabi niya yung picture ko, itong larawan ko... yun yung time na lagi niyang hawak ang aking larawan. Namimiss ko tuloy yung araw na iyon.
Kahapon lang nakauwi si kuya Gerald sa Bulacan kasama yung mga kaibigan niya dito, sila tito Paul naman ay umuwi na kasama si ate Cathleen sa probinsya kung saan doon nakatira si Lolo Venn dati (tatay ni papa at tito Paul) kasalukuyang kasama ko nalang sa bahay ay si Casey at manang Olivia.
Simula nung namatay na si papa, nakauwi na si manang Olivia dito sa bahay. Grabe, namiss niya talaga itong ancestral house niya kasi mula bata pa siya talagang pinamana na ng mga magulang niya itong bahay na ito sa kanya eh at dahil doon, kaming dalawa naman ni Casey ang naninirahan.
Linggo-linggo na naming pupuntahan si papa sa sementeryo o di kaya pag may mga okasyon tulad ng birthday, mother's day, father's day at iba pa. "Savannah, mamalengke lang muna ako ha?" Sabi ni manang Olivia na nakahanda ng lumabas ng pinto.
"Teka naman manang, ako nalang po" boluntaryo ko sa kanya na agad naman siyang nagfrown.
"Vannah naman eh, alam mo naman kung gaano ko namiss ang labas diba? Hayy sige na ako na mamamalengke at makikipagchismis pa ako sa mga kapitbahay dahil sa balita kanina, sige na" hayy ang kulit-kulit talaga ni manang. Nginitian ko nalang siya, nakita ko si Casey na nakaschool uniform sa pinto.
BINABASA MO ANG
Just In The Bridge (COMPLETED)
General Fiction[Written in Filipino and English] Maaga nagsimula ang lahat, maaga din nagsimula ang kanilang pagmamahal, maaga din kaya sila matatapos? Savannah Garcia has a complicated past, she was able to find her love for years but she didn't succeed. She...