Chapter 40 - Never forgets
Savannah
Bumalik na ulit ako sa pagtatrabaho. May iniinom lang akong medicines para mawala yung pagkapale skin ko minsan and sometimes breathing difficulty.
Masaya ako dahil lahat ng pasyente ko ay ligtas na, nakalabas na ng ospital si Mr. Ramirez at Ms. Rivera, pero si Mrs. Banwa ay nanatiling nasa hospital room niya dahil hindi pa siya maayos sa kanyang kalagayan.
Nangingibabaw pa rin naman ang kalungkutan ko kasi si papa... alam na natin diba? May taning na kaya limang araw nalang siya dito sa mundo ay maglalaho na siya... nakakalungkot.
Dumiretso ako sa opisina ko para sana tignan ang mga naging records ko with my theraphy. Naka-arrange naman lahat and there's nothing any missing piece concerning on my sickness, cancer.
*door opens*
Bigla akong napalingon kung sino yung bumukas ng pinto and my two eyes found a little girl who's now dressing a pink dress. Nakatayo siya ng diretso at nakangiti na din sa akin. "Hi ate Vannah, I got something for you" Casey happily said.
Nginitian ko din naman siya, Oo nga pala... Hindi na siya nakawheelchair, nakakatayo na siya mula nung isang araw pa. Magaling na din ang kanyang sugat, that's what my patients are. Madali silang gumaling kung ano ang doctor nila. Madali pero safe din.
"What is it?" Taas kilay kong tinanong sa kanya tsaka nameywang na parang inaartehan siya pero siyempre hindi ko yon pwedeng gawin.
Tumawa ito sa aking ginawa "here" lumapit ito at Mau binigay na bagay sa akin. Kumunot ang noo ko nang nalaman kong isang dahon ang kanyang binigay. Ano namang ibig sabihin nito? Nature? "Ate that symbolizes, there's something that will come in your life or we should say... New life" nakangiti niyang sinambit sa akin habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.
New life? Eh hindi naman bagong taon ngayon? Siguro nga may tadhanang naghihintay at ibibigay ang regalo sa future... "ano kayang new life ko?" Tanong ko sa sarili, siguradong hindi yon narinig ni Casey.
Love life? Imposible.
"Paano mo nalaman ang mga ganyan?" Tanong ko sa kanya na nagpatawa naman ng malakas. Tumawa siya na akala mo Wala ng bukas. Muling kumunot ang noo ko, nung kumunot noo ako au bigla siyang nanahimik at tumigil.
Hinintay ko ang kanyang sasabihin "dahil mahal kita ate Vannah" sagot nito tsaka yumakap sa akin ng mahigpit.
Mahigpit na mahigpit niya akong niyayakap kaya wala akong nagawa kundi saluhin at niyakap ko na din siya pabalik. Mahal ko din naman si Casey eh, ang bait tsaka malambing pa. "Ikaw talaga... love ko din ikaw" sabi ko tsaka hinawi yung buhok nito.
Ang saya para magkaroon ng isang kaibigan, kahit isa lang siya pero masaya kayo talagang may mabubuong pagsasama na memorable... "Ate Vannah! Magsimba po tayo mamaya... Sunday po ngayon oh" sabik niyang suhestiyon sa akin at hinawakan ang magkabila kong kamay.
Gusto ko din ngayon ang kanyang ugaling sanay magsimba tuwing linggo "sige, magsisimba tayo" mahinahon kong sinabi sa kanya. Bumukambibig naman siya na akala mo nanalo ng isang kompetisyon tsaka nagtatalon-talon habang pumapalakpak. Parang bata talaga ito si Casey.
Pero sa totoo lang, medyo natutuwa siya. "Yiipiiee" tumalon-talon ulit ito. Ganito ang kanyang expression paghindi na siya injured. Medyo active siya ngayon kumapara kahapon.
Wala naman kaming ibang ginawa kundi nagmall lang eh, actually ang saya-saya nga niya kasi first time daw niyang makapunta doon. Lalo na sa mga restaurant na treat ko para sa kanya, nakailang kanin ang kanyang kinain lalo na sa North Park na restaurant. Gusto ko kasing magspend ng time with Casey lang... kahapon dapat kasama si manang eh kaso natagpuan naming may serious problem siya sa cardio part kaya huwag nalang.
BINABASA MO ANG
Just In The Bridge (COMPLETED)
Ficción General[Written in Filipino and English] Maaga nagsimula ang lahat, maaga din nagsimula ang kanilang pagmamahal, maaga din kaya sila matatapos? Savannah Garcia has a complicated past, she was able to find her love for years but she didn't succeed. She...