Chapter 22 - Casey
Casey
Kahit masakit pa rin yung nararamdaman ko sa bandang tagiliran ay pinilit kong tumayo sa pagkakahiga ko.
**flashback**
Mula nung namatay sila mommy at daddy ay naging mahirap na ang buhay ko... nawala ako sa aking sarili... Hindi na din ako nakatapos ng pag-aaral... Hindi ko na makakamit yung gusto ko paglaki. Gusto ko pa naman maging dentista.
"Bata, akin na nga yan" sabi ng isang babaeng maldita sa akin nang nakita niya akong may dalang pagkain. Pinulot ko Lang ito sa basurahan, wala na kasi ako mommy at daddy. "Sabing akin na yan e!" Inagaw niya sa akin yung pagkain ko tsaka tinignan ito. "Wow! Ang sarap tara kainin nalang natin ito" sabi niya sa kanyang mga kasama.
Pulubi na ako, oo homeless na ako... ang hirap ng buhay pag ganito. Ang hirap talaga. "Huwag niyong agawin yung pagkain ko! Akin yan eh" sigaw ko sa kanilang lahat, nandito pa naman kami sa palengke at maraming nagtitinginan sa amin.
Napapahiya ako dahil sa kanila, hindi ko naman pinapahiya yung sarili ko eh "share your blessings impakta ka!" Sabay tinulak niya ako sa maputik na lugar, nadiri ako nang may nahawakan pa akong eww... "yan! Yan ang kainin mo!" Utos niya sa akin kasama ang nakakatakot niyang mga tingin. Nakakatakot din siya pagnagagalit.
Pinabayaan ko nalang sila hanggang sa tumakbo na sila paalis, tumayo ako sa o kinabagsakan ko at tinignan yung sarili na putik-putik ang damit ko, ang dumi ko na nga... mas lalo pa akong naging madumi. Halos lahat ng mga tao dito sa paligid ko ay umalis konti para hindi ko sila malapitan...
Akala ko pinapahiya ng malditang batang iyong ang kasama niya... ako pala ang kanyang pinahiya. Walang hiya siya! Saan na ako makakapagligo nito?
Nung lumabas ako sa palengke, tinignan ko yung Lugar, tanghali na at nakaramdam ako ng gutom. Pinaghirapan ko pa naman hanapin yung pagkaing napulot ko sa basurahan tapos aagawin lang nung malditang batang iyon?
Gusto ko sanang pumunta sa simbahan para magdasal at manghingi ng tulong sa Diyos eh kaso ang dumi-dumi ko masyado kaya nakakahiya din sa mga magsisimba. Paano na yan??
Maya-maya may lumapit sa aking isang lalaki na naka mouthmask "Casey..." sabi niya sa aking pangalan. Teka... alam niya pangalan ko? Kilala niya ako? Bigla akong kinalibutan nang tinawag niya ako mismo sa aking pangalan "gutom ka na? Oh ito bibilhan kita tsaka ng damit mo" sabi niya tsaka niya ako inalok.
Sa una, hindi ako naniniwala sa kanya pero hinila niya ako palapit sa kanya tsaka siya bumili sa fast food ng pagkain na kakainin ko sa tanghalian. Ang bait din naman pala niya. Akala ko huhulihin niya ako eh yung parang kidnap?
Nung makalabas na siya ay may dala siyang chicken bucket and five extra rices kasama na ang dalawang soft drinks and tatlong French fries na nasa lalagyan at isang sundae ice cream. Ang dami... "oh kain ka na dito" sa labas kami kumain, actually di na daw siya kakain kasi libre na daw niya sa akin ito.
Tuwang-tuwa ako kasi mukha siyang hindi mapagkakatiwalaan pero tignan mo nga naman oh ang bait niya sa akin... "May kilala ka bang Zachariah Edwards?" Tanong niya bigla sa akin na nagpatigil...
Edwards? Apelyido ko yun ha? Sino kaya yung sinasabi niya? Umiling ako... Siya nga hindi ko kilala yung tinatanong pa niya kaya? Strangers can be dangerous pero sometimes they can be friendly tulad ngayon... any friendly ng kasama kong stranger.
Nakakatakot siya sa kanyang suot, naka-all black siya... galing ba siya sa lamayan? "Ahh sige okay, akala ko kilala no yun eh" sabi niya sa akin tsaka mabilis na umiwas ng tingin. Weird.
![](https://img.wattpad.com/cover/108172480-288-k174666.jpg)
BINABASA MO ANG
Just In The Bridge (COMPLETED)
Fiksi Umum[Written in Filipino and English] Maaga nagsimula ang lahat, maaga din nagsimula ang kanilang pagmamahal, maaga din kaya sila matatapos? Savannah Garcia has a complicated past, she was able to find her love for years but she didn't succeed. She...