Chapter 35 - Kapit lang
Zachariah
Nakakapit sa akin si Cecil sa biceps ko habang papunta kaming morgue "diba nurse ka? Bakit ka natatakot?" Tanong ko sa kanya bigla.
"Eh kasi alam mo naman maraming mga patay doon" sagot nito, gusto kong matawa pero putek hindi ko magawa.
Pinihit ko yung pinto papasok sa morgue nang biglang "teka! Natatakot na talaga ako Zachy... tara na please... balik na tayo doon sa waiting shed" saad sa akin bigla ni Cecil.
Halata ngang natatakot siya, "paano kung ayaw ko?" Pangangasar kong tinanong sa kanya, kumunot ang noo nito at napahilamos ng mukha konti.
"Ihh Tara na kasi Zachy!" Sa huli, hinihila niya ako paalis ng morgue. Bakit ba niya ako hinihila at gustong umalis eh ayaw ko naman? Nakakainis naman kahit sisilip lang sa bintana ng pinto, bawal ba yun?
Ang alam ko, hindi naman bumabangon ang mga bangkay eh, Wala ng buhay yun. Tsk.
"Paano nga kung ayaw ko?"
"Bahala ka na nga diyan! Basta ako ayoko pa mamatay!" Asar niyang sinabi tsaka siya umalis at iniwan ako. Kaya ko na din palang asarin yung babaeng yon? Tatawa na sana ako nang bigla siyang bumalik sa kinaroroonan ko.
"Zachy please alis na tayo dito?" Pangungulit niya pa sa akin, bakit ba napakatakutin nitong babae? Umiling ako sa kanya at tuluyan akong pumasok sa loob ng morgue.
Pagpasok ko ay agad na bumungad sa akin ang mga bangkay na nakahiga sa metal na higaan at nakatalukbong ng puting tela. May mga tag sila sa paa na hindi ko alam kung anong ibig sabihin. "Pumasok muna tayo dito..." ngumisi ako sa kanya, paano ko ba tataakutin ang babaeng ito?
Uhh pagpasok niya tapos ililibot ko siya sa buong Lugar nitong Morgue sabay takbo palabas tapos ilock ang pinto? Okay yun ah!
Nung binalik ko ang tingin sa mga bangkay, naalala ko yung mga panahon na sumugod kami, lumaban sa ibang bansa at pagkatapos ng madugong labanan na nangyari sa Europa ay marami akong nakitang mga walang buhay na sundalo na nakahiga sa kanilang higaan.
Nakakalungkot ang mga nangyari nung panahon na iyon. Galit si papa sapagkat siya ay isang heneral at trabaho niya ang asikasuhin ang laban. Maraming nawala at marami ring nabawasan sa amin kaga ngayon ay sinisigurado niyang malalakas ang aming mga sundalo. Ibang lahi kasi ang mayroon kami pero Mahal namin ang Pilipinas kaya ipaglalaban namin ang bandang iyon.
Nanumbalik ako sa diwa, nakakapit sa akin ng mabuti si Cecil. Shit paano ko kaya iiwanan itong babaeng ito dito? Lumingon-lingon ako kung saan pwedeng itrap ang babaeng ito. "Zachy alam mo? Uuwi na sila ate dito" kwento niya. Aba malay ko ba sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko nga kilala ate niya eh. "Uuwi sila kasama si tito Paul... magkasama sila uuwi dito next week, excited na ako Makita sila!" Nakangiti nitong binanggit sa akin tsaka ako niyakap sa upper arm.
Nuumay na ako sa babaeng ito. "Boyfriend ni ate Cathleen si tito Paul Garcia... akalain mo? Parehas ng apelyido sila Savannah at tito Paul" tumigil ako saglit nang banggitin niya iyon... Paul Garcia? Sino siya?
Savannah
"Tatawagin ko muna si Casey tsaka sabihin na gising ka na" sabi ni Mike tsaka siya umalis ng kwarto. Kakapasok lang tapos lalabas na ulit? Grabe, hindi napapagod. Talo pa ata ako kung nagtatrabaho eh 24/7...
Nakaupo na ako sa higaan at medyo okay na ang pakiramdam ko pero mahirap nga lang tumayo at galawin ang mga paa ko. Huminga ako ng malalim sa nebulizer, "Savannah maiiwan muna kita dito ha?" Paalam sa akin ni doc. Delos Reyes na may totoong ngiti habang hawak ang mga records ko.
BINABASA MO ANG
Just In The Bridge (COMPLETED)
General Fiction[Written in Filipino and English] Maaga nagsimula ang lahat, maaga din nagsimula ang kanilang pagmamahal, maaga din kaya sila matatapos? Savannah Garcia has a complicated past, she was able to find her love for years but she didn't succeed. She...