Chapter 24 - It all starts
Savannah
Pumunta ako kala papa at manang para kamustahin, nakita kong gising na si manang Olivia habang si papa naman ay nakapikit habang hawak ang picture frame ko. "Manang buti gising na po kayo" sabi ko sa kanya at humalik sa pisngi.
Dumilat si papa at tinignan ako, "anak" ngumiti siya at umayos ng upo, tuwang-tuwa ito dahil nakita na naman niya ako, hindi ko nga alam kung bakit ganito si papa eh, masyadong drama palagi.
Para bang lagi niya akong hinahalikan, niyayakap tsaka yung iba pang sweet moments niya sa akin. "Pa, kamusta ka naman?" Tanong ko sa kanya at hinimas ang likod nito. Umiling lang siya at huminga ng malalim.
Ganyan lagi sagot niya pagtinatanong ko kung kamusta na yung pakiramdam niya, kamusta na siya... "okay lang naman ako anak" and I just found his answer like a hoax. Tumabi ako sa hospital bed niya, talaga bang okay siya? Napapansin ko ngang parang may mali at mukhang hindi siya okay eh.
Niyakap ko ito "Pa, don't hide it... please tell to me" pagpipilit ko, ayaw ko sa lahat ay may tinatago... tinatago kang importante pala.
"Wala naman talaga anak and I am a doctor too like you kaya alam ko ang sarili ko" kumalas ako sa pagkakayakap nang sinabi niya iyon, ngumiti ito sa akin tsaka sinimulang hawiin ang buhok ko... naniniwala naman ako kay daddy kasi parang nagsasabi siya ng totoo na alam niya yung sarili niya... I know him that much.
"Sige dad... kailan pa nagising si manang?" Tanong ko sa kanya pagkakuha ko ng records na nakalagay sa tabi niya.
"Kanina lang..." sagot nito sa akin ng walang gana. Tinignan ko si manang na may kinakalukat sa kanyang kamay. "Hindi ko alam kung anong exact time pero basta kani-kanina lang siya nagising" dugtong niya sa kanyang sinabi. Nilapitan ko si Manang Olivia upang tignan kung ano bang pinapakeelaman nito sa kamay.
Nakita kong natanggal sa kanya yung IV cannula "manang! Wait!" Sabi ko tsaka inayos sa kanya yun, kumunot ang noo niya tapos tinabig yung kamay ko na agad ko namang inalis nung hinawakan ko yung IV cannula.
"Ayoko na dito! Uuwi na ako" sabi niya ng masungit. Pinilit niyang tumayo at sinubukang maglakad nang nakaramdam siya bigla sa kanyang bandang paa. "Aray ko! Naman... inaatake na din ata ako ng arthritis" sabi niya nung hinawakan niya yung kanyang paa tsaka tinignan.
Naawa ako sa kanya, bakit ba nagkakaganito si manang? Ang weird nila papa at manang ngayon. Dati magulo tapos ngayon ang weird na... ano bang nangyayari?? "Manang wait po! Nakakabit pa sa inyo yung ECG machine baka--" sabi ko sa kanya agad pero hindi na natuloy dahil tinignan niya ako ng masama tsaka nameywang.
"Ano bang pake ko sa ABC... BBC machine na sinasabi mo!?? Hayy buhay!" Sabi niya sa akin na halatang galit na, manang talaga T_T bawal sa kanya ang magalit at mastress eh... "iyang ama mo, iyak ng iyak pag wala ka dito! Samahan mo nalang yang tatay mo dito!" Nataasan niya ako ng boses tapos nagawa niya pang tumbahin yung mga medical tools dito.
Bakit nagiging wild si manang ngayon? May pinainom ba ako sa kanya? Wala naman ah. Napapakamot nalang ako sa ulo at tumutungo "Manang dahan-dahan lang... ano bang nangyayari sayo?" Tanong ni papa sa kanya na nakakunot noo din.
"Aba malay ko... wala naman akong ginagawa ah... aalis na ako, dito bahala kayo" sambit niya tapos umalis na ng tuluyan, nanlaki yung mga mata ko nang nagawa niyang iwan kaming dalawa ni papa na nakakalat ang mga medical tools dito sa kwarto.
Huminga ako ng malalim, buti nalang hindi medical eauipments ang kinalat niya. Umiling nalang ako tapos tumingin kay papa, naka-angat yung ulo niya at nakatingin sa kisame "Pa okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/108172480-288-k174666.jpg)
BINABASA MO ANG
Just In The Bridge (COMPLETED)
Ficción General[Written in Filipino and English] Maaga nagsimula ang lahat, maaga din nagsimula ang kanilang pagmamahal, maaga din kaya sila matatapos? Savannah Garcia has a complicated past, she was able to find her love for years but she didn't succeed. She...