Chapter 12 - Bad Lieutenant Colonel
Savannah
"Vannah... Vannah?" Dinilat ko yung mga mata ko kung sino ang tumatawag sa akin at nakita ko si Mike na nakaupo katabi ko "okay la lang ba?" Nag-aalalang Tanong nito sa akin.
Bumangon ako sa pagkakatulog, nakayakap pala ako kay manang Olivia habang natutulog, tinanguan ko siya "Oo okay lang ako... uhm Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko sa kanya tsaka tumayo na sa kinauupuan.
"Actually di talaga ako ang pumunta dito para sayo, nag-aalala kasi si Zachariah nang hindi mo sinasagot ang kanyang tawag" tugon nito at dumekwatro sa upuan "sabi ko nalang sa kanya baka naman nasa trabaho diba?" Pagpatuloy niya.
Kinuha ko yung white towel sa medical cabinet dito sa hospital room tsaka binasa ng mineral water "baka yun yung time na nagcocode blue simulation ako kay papa o di kaya natutulog ako kaya di ko sinasagot yung tawag?" Sagot ko sa kanya ng hindi sigurado. Kumuha ako ng basong tubig tsaka pinunuan ito sa gripo. "Bakit nga pala di mo kasama si Zachariah? Nasaan siya?" Tanong ko sa kanya.
Napahawak ito sa baba at parang nag-iisip pa kung nasaan nga ba, "nasa training ground doon sa Campo, tinetraining na niya ang kapwa naming sundalo doon para sa gaganaping bakbakan after this three months... sinisigawan nga niya yung mga newbie doon eh" tsaka siya humalakhak ng malakas na para bang nababaliw. Sinamaan ko siya ng tingin at sinenyasan na tumahimik.
"Shh ano ba! May pasyente ako oh" turo ko kala papa at manang Olivia. Agad naman din niyang tinikom ang kanyang bibig. Hinarap ko na ulit yung basong tubig tsaka kinuha yung dextromethorphan na nasa medical kit ko.
"Sorry na... ha-ha?" Papansing sinabi ni Mike tsaka tumayo na at nagsimula ng maglibot ng paligid "grabe naman po pala yung robot dito!" Hindi ko pinansin ang kanyang walang kwentang sinasabi at binuhos lang ang atensyon sa ginagawa ko.
Kinuha ko yung basang tuwalya para sana basain yung noo ko tsaka uminom ng dextromethorphan, walang niyang ubong meron ako.
"dit dit dit dit"
Kumunot ang noo ko nang narinig ko si Mike na sinasabayan ang tunog ng heart beat ni papa, weird naman nitong lalaking ito. Pagkainom ko ng basong tubig ay hindi agad ako lumingon kay Mike na patuloy pa ring sinasabayan ang ECG Monitor. Konting nahihilo ako.
"Lub dub lub dub lub dub... aldub"
Humarap ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin, anong lub dub? Eh puro dit dit dit lang ang naririnig ko "dit dit diiiiiiiiiiiiiittttt" at huli naibato ko sa kanya yung basong tubig, pasalamat siya dahil Hindi yun babasagin.
"Langya! Bakit ka nambabato? What's yo problem doc?" Pang-aasar na tinanong sa akin, lumapit ito.
"Baliw ka talaga, nagulat naman kasi ako sa biglan diiitt mo diyan para namang Wala ng buhay nun" depensa ko sa sarili tsaka humalukipkip, hayy mas lalo atang sumasakit ang ulo ko pagnandito ang lalaking ito.
"Tignan mo Vannah yung monitor doon oh, diba parang yun yung nasa spongebob? Yung kasama ni plankton, si Karen? Asawa niya ba yun?" Ang lakas din naman pala makanood ng spongebob ang lalaking ito. Kinunotan ko siya ng noo ulit at sinamaan ang tingin.
"Si Karen? Anong Meron?" Tanong ko sa kanya na may halong sarkastiko, napakamot nalang siya sa ulo tsaka sumandal sa pader malapit sa akin.
"Gusto mo bang sumama sa akin sa Campo?" Alok nito sa akin, tumigil ako saglit at kalmadong tinignan ko siya "Tara puntahan natin si sir Edwards" nakangising sinabi nito at nakapamulsang naglakad na. Nagsimula na naman siyang mag-explore.
Tinignan ko ulit sila papa at Manang Olivia, nag-aalala ako sa kanila, gusto ko naman din kasing puntahan at bisitahin si Zachariah eh kaso baka May mangyaring masama sa kanila...
BINABASA MO ANG
Just In The Bridge (COMPLETED)
General Fiction[Written in Filipino and English] Maaga nagsimula ang lahat, maaga din nagsimula ang kanilang pagmamahal, maaga din kaya sila matatapos? Savannah Garcia has a complicated past, she was able to find her love for years but she didn't succeed. She...