Chapter 4 - First Met
(morning)
Savannah
Ring..... Ring...
Mabilis kong iminulat ang aking mga mata nang mag-ingay na ang aking alarm clock dito sa kwarto ko. Nakita kong 4:00 AM palang ng umaga kaya napaisip kong mag jogging muna bago pumunta ng simbahan.
Bago ako lumabas ng kwarto, nagsipilyo at naghilamos muna ako para hindi mapansin ni manang Olivia na puyat ako at pagod dahil sa mga nakatambak na trabaho.
Madilim pa ang paligid at makikita mong wala pang masyadong tao na naglalakad sa kalsada, hindi naman delikado dito sa residence namin kaya safe din. Nung bumaba ako, nasa hagdanan palang ako nang may narinig na akong may gumagalaw ng mga sandok at naamoy ko ang masarap na pagkain kaya mapapangiti ka nalang kasi ganito lagi ang routine ni manang Olivia.
Tumungo ako sa kusina at nakita ko siyang nakangiting nagluluto na agad namang gusto kong tanungin kung anong meron "manang ano ho meron at nakangiti kayo?" Nakangiti kong tinanong. Smile ng bayan kami dito, sabi ni manang Olivia kasi kahit anong problema ang magkaroon ka, ngiti ka lang...
Kumuha ako ng Plato at kutsara "he-he ano ka ba hija? Lagi naman akong nakangiti diba? Pati nga pagtulog ko ineng nakangiti eh" sagot niya tsaka kumuha ng asin. Nagtakha ako, pati pagtulog? Grabe naman pala si manang.
Tumango nalang ako at hinanda na ang mga Plato at utensils sa kitchen table "manang ano ho ba iyang niluluto niyo?" Baka yan yung favorite food kong kainin...
"Tortang talong iha" sagot niya ulit, lumingon ako kay manang at lalo pa akong ngumiti. Nang napansin kong kanina pa siya naglalagay ng asin sa niluluto niya ay agad ko naman siyang nilapitan at hawakan ang kamay kung saan nandoon nakahawak ang asin.
"Teka po manang... huwag niyo naman po masyadong lagyan ng asin yung talong oh... pwede po tayo magkaroon ng kidney failures. Baku manang" paliwanag ko na nagpatigil sa kanya at lumingon sa akin na may halong pagtatakha. May idudugtong pa sana ako nang unahan niya ako sa pagsasalita.
"Hindi ko alam na masama pala iyan" gulat niyang sinabi na nakahawak sa dibdib. Agad naman akong nakaramdam ng kaba kung bakit ganon siya makapagsalita at nakahawak pa sa dibdib. Hinimas ko yung likod niya.
"Manang... lagi niyo ho ba dinadamihan yung asin kaya maalat yung pagkain?" Tanong ko at inalalayan siyang umupo sa kitchen chair. Tumingin siya sa akin ng diretso at umiling ng dahan-dahan. "Sige po, ako na po bahala dito sa niluluto niyo" sabi ko kay manang at tumungo na sa pagluluto.
**later** (5:09 AM)
"Sige po manang, magjojigging po muna ako" paalam ko kay manang Olivia na mabilis naman siyang tumango habang busy sa pagkain.
"Ang sarap mo namang magluto ineng, doctor ka na nga, chef ka pa o diba?" Natatawa niyang puri sa akin na nagpangiti naman sa akin ng malaki. Hinawakan ko yung kamay niya na nakahawak sa baso.
"Hehe ganon po talaga pag single" pabiro kong pinaliwanag kay manang na nagpailing sa kanya at hinawakan ang pisngi ko. Turing na nga niya sa akin apo eh kaya yun masaya din.
"Kung pipili ka ng lalaki... matapang dapat at kaya kang alagaan" paunawa niya sa akin na nagpatigil sa akin. Pumasok sa isip ko si George, kung siya kaya? Eh pero si daddy hindi naman siya boto kay George eh.
**Flashback**
Nung pumunta ako sa salas ng may bahay pa kami, agad na bumungad sa akin si papa na may hawak na pahayagan at kape. "Good morning papa!" Masayang bati ko sa kanya sabay humalik sa noo at yumakap. Binaba niya yung hawak niya para yumakap pabalik.
BINABASA MO ANG
Just In The Bridge (COMPLETED)
General Fiction[Written in Filipino and English] Maaga nagsimula ang lahat, maaga din nagsimula ang kanilang pagmamahal, maaga din kaya sila matatapos? Savannah Garcia has a complicated past, she was able to find her love for years but she didn't succeed. She...