Chapter 11 - What is Good?
(Morning)
Savannah
Dinilat ko ang aking mga mata at nakitang nakahiga ako sa office table ko, inayos ko ang sarili, nakaupo ako habang natutulog?
Tinignan ko ang paligid at mukhang okay naman. Nagising ako dahil sa Sun rays na tumatagos sa Venetian blinds. Nagulat ako na nakasuot pa ako ng ganon pa rin ang damit ko tsaka saradong-saradong ang paligid.
Nakakalat yung ibang medical papers sa office table ko and yung room looks like nakaconceal... tumayo ako sa kinauupuan ko tapos tinaas yung Venetian blinds sa Windows. Tahimik kong niligpit yung mga papel na nagkalat sa opisina ko tsaka tahimik ko din binuksan ang mga security cameras sa security room dito sa office ko din.
Nang May hinahalungkat ako sa table ay biglang nakita ko ang records ng pasyente ko kagabi, about sa batang babae na naaksidente sa subdivision namin. I still don't know her at kailangan ko ng maipublish ang records niya this day.
Inayos ko ang aking sarili... nagsuklay at nag-retouch ako bago lumabas ng opisina. Bitbit ang isang makapal na papel at lumabas.
Kakaiba yung mga tao sa paligid ko, basta iba ang atmospera at parang ang sama ng pakiramdam ko. Sinimulan kong maglakad hanggang sa kwarto ng batang babae. Naalala ko sila papa at manang Olivia, kamusta na kaya sila? Sana hindi na sila galit sa akin... Hindi ko naman talaga sila maintindihan eh.
Nung pinihit ko na ang seradula nitong pinto ay bumungad sa akin ang pagkakaaawa ko sa kanya, mukha siyang kinawawa dahil sa kanyang itsura. Tumigil ako saglit ng ilang Segundo tsaka binaba ang mga hawak kong makapal na papel at lumapit sa bata.
Parang mga 16 or 14 years old lang ang batang ito, tinignan ko yung bandang may tama siya ng baril ay ngayon hindi pa rin okay, Sino ba kasing walang awang barilin itong babae? Napansin ko din sa kanya parang walang taong bumibisita o pumupunta sa kanyang kwarto... very strange... Wala bang nakakakilala sa kanya?
Hindi ko din siya kilala kaya malamang she's a stranger for me. Kumunot ang noo ko nung naalala ko kagabi si George. Kakaiba... paano niya nalalaman yung mga kilos ko? Alam niya kung nasaan ako, alam niya kung anong ginawa ko and yung present time na ginagawa ko... siguro nasa cellular phone ko yun kaya mabilis niyang nalalaman pero eh? Hindi naman, kasi never ko binigay yung phone sa kanya eh kaya hindi din.
Lumabas ako saglit ng kwarto para puntahan naman sila papa at kamustahin. Habang naglalakad ako sa pasilyo, unti-unting nagpapaalala sa akin yung nangyari kagabi. Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa makarating na ako ng kwarto.
Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay nakita ko si papa ay mahimbing ang tulog at ganon din si manang Olivia. Nakaramdam ako ng kaba, nung narinig kong tumutunog yung ECG sa tabi ni papa ay parang nakaramdam ako ng konting pag-asa.
Baka kasi mamaya... Hindi na pala sila tulog kundi tulog na talaga kahit kailan. "Pa" ginising ko si papa, sinusubukan ko kung kaya niya magising o gumalaw lang man.
A long silent took the moment right after I tried to wake him up. "Pa" ulit ko tsaka niyuyugyog ng dahan-dahan yung balikat niya.
Maya-maya pa ay dumilat ang right eye niya "Oh?" He replied, namumutla na din siya ngayon, hindi ba sapat yung binigay kong insulin kay papa kahapon? Chineck ko yung IV niya at nakita sa blood plastic bag na ang daming dugong nakukuha.
Nakaramdam ako ng kaba at agad kong tinignan ang braso ni papa na nakatusok doon ang cannula. "Pa anong nararamdaman mo?" Tanong ko sa kanya na may pag-aalala. Bakit ang daming dugo sa blood plastic bag?
BINABASA MO ANG
Just In The Bridge (COMPLETED)
Tiểu Thuyết Chung[Written in Filipino and English] Maaga nagsimula ang lahat, maaga din nagsimula ang kanilang pagmamahal, maaga din kaya sila matatapos? Savannah Garcia has a complicated past, she was able to find her love for years but she didn't succeed. She...