Twenty seven

62 1 0
                                    

Chapter 27 - Leukemia

Narrator

"Okay na ba siya doc. Delos Reyes?" Tanong ni Casey sa kanyang doctor. "Nag-aalala ako kay ate Savannah" dugtong nito.

Kanina niya lang nalaman na may sakit pala ang kanyang doctor, at kinutuban ito ng takot dahil alam niyang isang sakit na nakakamatay ang mayroon si Savannah. "Nasa private hospital room siya ngayon at nagpapahinga, medyo may nakuha kaming evidences about sa cancer niya" sabi ng kanyang doctor habang tinitignan yung medical equipments sa loob n kwarto.

"Gusto ko siyang puntahan doc" malungkot na sinabi ni Casey at tumingin sa pinto. Gusto niyang makasama si Savannah kahit mga ilang oras lang... "pwede ba akong umalis?"

"Sige... dadalhin kita ngayon doon" sabi ng kanyang doctor, inalalayan siya ni Melyn Delos Reyes na makatayo at paupuin sa wheel chair dahil sa natagpuan niyang mga naging resulta ni Casey ay maaaring hindi pa siya masyadong makalakad ng maayos dahil sa tama ng baril niya.

Mabagal lang tinulak ni Melyn ang wheel chair ni Casey hanggang sa nakapasok na sila sa kabilang kwarto. Hinayaan ni Melyn na lumapit si Casey sa tabi ni Savannah. Walang malay ito at may nakakabit pa sa kanyang nasal cannula.

Pinagmasdan ng bata ang kanyang doctora "gising kana ate Savannah" nakangiti niyang tinatawag si Van. Hinawi niya yung buhok nito at sinimulang itrace yung kanyang daliri sa strands ng buhok ni Savannah. "Buti ate hindi ka pa kinakalbo... huwag sana... papangit ka kapag Wala ka ng buhok" sabi nito.


Tahimik at tanging silang dalawa lamang ang nasa kwarto, spending time with each other even though walang malay si Savannah ay nagagawang ngumiti si Casey dahil binabalik niya yung mga alaalang magkasama sila. Hindi man sila magkalapit o hindi masyadong magkakilala bagkus alam ni Casey kung sino ang kanyang kaharap ngayon.

"Ate salamat ulit dahil niligtas mo ako, hindi mo ako hinayaang mamatay dahil sa tama ng bala sa akin" nakangiti nitong sinabi Kay Savannah. Wala siyang ibang ginawa kundi paglaruan lang ang mga buhok at kamay ni Savannah "Gusto kong may kausap, ate Savannah please gising na" dugtong niya sa kanyang sinabi kanina.


Pilit niyang ginigising si Vannah kahit alam niyang hindi pa ito ngayon pwede magising. "Baka pinatulog ka lang nila kaya hindi ka nagigising ate" Wala ng ibang lumabas sa bibig ni Casey kundi ang mga positibo na pwedeng nangyari kay Savannah.

Nakaramdam siya saglit ng pagod at hinayaan ang sarili na bukas ang isip sa paligid, gusto din niyang bantayan at alagaan si Savannah, gustong-gusto niyang suklian ang kabutihang pinakita sa kanya ng kanyang doctor. "Babantayan kita ate Vannah" bulong nito tsaka pinatong ang ulo sa kama at bumagsak na yung dalawang mabibigat niyang pilitmata.

Nakatulog siya ng mahimbing habang nakahawak sa kamay ni Savannah, mahal din ni Vannah ang batang ito nung si Casey din ay walang malay. Nagawa niyang iligtas ang buhay ni Casey, binantayan niya ito at hindi niya hinayaang kunin nalang basta ang katawan ni Casey.


Kung pwede lang ay sana nagagawa ni Casey ang ginagawa ni Savannah ngunit ang tanging gusto niya lang gawin ay makasama si Savannah sa loob ng kwarto at makipagkwentuhan ng masaya.

Mike

Pagkalabas ko ng kwarto ay hindi ko maalis yung ngiti sa aking mukha, putek! Si manang Olivia naman kasi mahilig naman din pala sa lokohan.

Huminga ako ng malalim at kinuha yung cellphone ko sa bulsa, maya-maya babalik na din ako sa Campo. Nakita ko yung pangalan ni Alex sa screen kaya agad ko naman ponindot yun. Anong kailangan nitong ungas na ito at nagawa pang manggulo sa moment namin ni manang?

Just In The Bridge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon