Thirty nine

50 0 0
                                    

Chapter 39 - New Life

Casey

Nakita ko si Kaden na nakaupo nga sa waiting shed. Agad ko siyang pinuntahan at nagpakita "Hi Kaden!" Masaya kong bati habang tulak ang sariling wheel chair.

Ngumiti ito sa akin at tumayo na "hello din Casey... uhm may gusto ka ba?" Tanong niya sa akin ng kawalang muang. Saan nanggaling yung tanong niya? Seryoso ba siya??

Nanlaki ang mga mata ko, "ikaw! Ikaw ang gusto ko" nakangiti kong sinagot siya. Lumapit na ito sa akin at lumuhod para magkapantay na kami. "May problema ba? Bakit parang kakaiba ang ngiti mo ngayon?" Nag-aalala kong tinanong sa kanya. Ngumiti naman ito at niyakap ako.

Bakit medyo weird ito ngayon no? "Wala. Huwag ka na ngang mag-alala sa akin... Tara maglibot tayo, gusto mo?" Tanong niya pagkalas sa pagkakayakap. Ngumiti ako at sabay tumango ng paulit-ulit. Gusto ko siyang makasama hanggang sa dulo ng pagsasama namin.

"Sige! Sa park! Dun tayo please??" Pagpilit ko ng parang bata. Gusto ko kasing iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kagustong makasama at makalibot kasama siya dito sa ospital, kahit sa park lang naman nito.

Yung park kasi dito may malaki silang fountain sa likod, may mini playground tsaka may mga benches din doon. Maraming nagpupunta sa lugar na yon, halos magmukhang Rizal Park na ang itsura ng Parke dito sa ospital.

Walang maganda kung sa ospital pero mas magandang puntahan ang park nito... "sige" sabay pumunta siya sa likod ko para tulakin ang wheelchair ko.

Hindi maalis ang ngiti ko, ilang taon na kaya siya? Siguro medyo matanda kaysa sa akin no? Pero gwapo siya kaya gusto ko siya... parang hindi na nga gusto eh.

Parang Mahal na nga eh...

"Doon tayo oh! Moment nating dalawa dali!" Pagmamadali ko sa kanya papunta sa ilalim ng puno malapit sa garden nitong park. Ang ganda... nagpapasalamat talaga ako kay ate Savannah kasi ginawa niya yung mga estrakturang tulad ng ganito dito sa ospital oh.

Mukhang hindi na nga ospital ito eh, mukhang parke na parke talaga. "Ang sarap ng hangin dito, whoo!" Sabi ko sa sarili. Ramdam ko ang bulong ng hangin at ang ingay ng mga ibon na nasa paligid, kasabay ng mga bisita o pasyenteng nandito din, kasama namin.

Nung pinaparamdam ko yung malamig na hangin ay biglang nakaramdam ako na parang may nahulog sa aking balikat, malakas ang senses ko kaya kung kahit nakadamit ako, kaya kong makaramdam kung may nahulog o dumikit ba sa aking katawan.

Natagpuan ng aking mga mata ang isang berdeng dahon na nahulog galing sa taas ng puno, tinignan ko naman ito at nagtakha ako bigla kung bakit mahuhulog ang isang dahong napakaberde ng kulay at hindi pa patay. "Casey saan yan galing?" Tanong sa akin ni Kaden nang nakita niyang may hawak akong dahon.

Nginitian ko siya "ewan ko nga ba eh, baka nahulog lang galing sa puno?" Patnong na sinagot ko sa kanya. Kakaiba lang... Hindi naman masyadong malakas ang hangin kasi ramdam mo din ang init kahit July na. "Baka nga hinangin lang ng hangin eh, nasa grass land siguro itong dahon. Ewan ko eh basta nakita ko lang talaga ito sa balikat ko" 

Lumapit siya sa aking kinaroroonan at tinignan ang dahon. Nakakunot noo niya itong hinawakan at tinignan pa ang puno. Tinignan ko din naman iyon, nakita kong puro berdeng dahon ang mayroon ito. Wow! Alagang-alaga din pala ng mga gardeners ang puno nito kaya walang nalalanta? Tsaka kaya pala may garden dito eh.

"Hindi mo ba alam Casey pag maynagparamdam sayo ng mga ganitong bagay lalo na kung dahon ay ang ibig sabihin ay may bagong buhay na dadating?" Simula niya tsaka siya umupo kaharap ko. Kumunot naman ang noo ko, sorry pero hindi kasi ako naniniwala minsan sa mga sabi-sabi o bulong ng mga matatanda.

Just In The Bridge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon