Twenty eight

70 1 0
                                    

Chapter 28 - Parehas na tayo

Savannah

[ECG machine sound ; heartbeat rhythm repeatedly]

Nakahiga ako at tinitignan lang ang IV na nakakabit sa akin. Tahimik kaming lahat habang si doc. Wong naman ay nirerecord niya lang ako sa gilid. "Vannah" narinig ko ang boses ni Scott na kasalukuyang nasa tabi sa akin.

Nilingon ko siya "Ano yun Hon?" Walang gana kong sinagot sa kanya, hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit at hinawi ang buhok ko. "Ayaw ko dito" nuumay kong sinabi sa kanya.

"Hon please... huwag ka masyado magstress" babala nito sa akin. Hindi ko na siya nilingon. Hinayaan ko nalang siyang magsalita ng magsalita diyan sa tabi ko. "Hon please..." Hindi naman ako buntis at bakit ba ako magkakastress?

"Nag-aalala lang ako sa sarili, hindi ko naman iniistress ang sarili ko at isa pa wala naman akong pinaglilihian" walang emosyon kong paliwanag sa kanya. Lumapit sa amin si Casey kasabay ni Mike na tulak-tulak nito sa wheelchair.

"Savannah" tawag sa akin ni Mike, hindi ko siya pinansin. Ayaw ko sa lahat ang tinuturing akong isang pasyente. Ayoko. Gusto ko yung dati, gusto ko ako pa rin ang doctor. "Savannah, yung bata" nilingon ko silang dalawa na nag-aalala sa akin.

"Ate Vannah..." lumapit mag-isa si Casey sa akin at niyakap ako. Hinayaan ko lang siya na yakapin ako. Nagsimula na namang uminit ang mata ko at ramdam kong nag-iipon na namn ng luha na handang babagsak mamaya. "Ate Vannah kahit anong mangyari just pray lang" kumalas sa pagkayakp si Casey at tinignan ako ng malalim sa mata.

Nginitian ko siya, hindi ba sapat ang ginagawa ko? Nagdadasal, nagbabasa ng bibliya at higit sa lahat nagsisimba... sapat na yan dahil may equivalent pang unconditional love. Hindi ko alam kung gaano ako kasaya at nakilala ko ang taong tulad ni Casey, napakabuting bata kahit ganyan ang kanyang edad. May nababalitaan kasi ako minsan kung sino pa ang bata, siya pa ang magiging matigas ang ulo sa magulang. And I felt disappointed for that.


Hindi naman nila hinayaang pinalaki ang kanilang mga anak na maging ganon, I bet its just in the environment or the people around them. Ganyan na ba kalakas ang virus ng isang aura at karisma? Ang galing... but I like Casey's attitude. Why? Look at her, lumaki siyang walang magulang pero nagstay siyang mabuti. Never experience to be stubborn.



Minsan ganyan din ako pero di ko kayang gawin, mahal ko ang magulang ko, mahal ko ang mga tao na nasa paligid ko. "Tol siya yung bata na sinasabi ko oh" nakangiting sinabi ni Mike kay Zachariah.

Nagkatinginan silang dalawa at tinignan si Casey, ganon din naman si Casey "ate Vannah... siya ba yung? Yung??" Tinaas ni Casey yung dalawa niyang kilay at bumuo ng hugis puso sa kamay.

"Oo Casey siya nga" nakangiti kong sinabi, pagkarinig niya ay nagawa pa niyang tumili pero saglit lang "Casey?" Taas kilay kong tinanong sa kanya.

"Oh my! Ang gwapo ng boyfriend mo ate!!!" Niyakap na naman niya ako pero saglit at mabilis lang. "Yiee gwapo oh" pang-aasar nito sa akin at sinusundot pa yung tagiliran ko. Active talaga itong si Casey pagdating sa ganito eh.


"Siya si Zachariah, Scott siya naman si Casey... batang pasyente ko" pinakilala ko sila sa isa't isa, nagkangitian lang sila. Kahit hanggang ngiti lang ang pagbati nila sa isa't isa, masaya ako kasi nakikita ko silang dalawa masaya.


"Kuya Zachariah, treat her like your lady and ikaw naman ate Vannah treat him like your real lover, diba sinabi ko na yan?" Nakataas kilay niyang tinanong sa akin habang yung mga ngiti niya na abot hanggang langit ay hindi mawala. "Kinikilig tuloy ako sa inyong dalawa"


Just In The Bridge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon