Fifty two

69 1 0
                                    

Chapter 52 - Compound Fight

Casey

Sinubukan kong pakawalan ang aking sarili sa pagkagapos, nakita ko si Kaden na dahan-dahang tumayo at sinubukang kalabanin ang mga lalaking nakapalibot sa kanya "Kaden! Labanan mo sila!" Sigaw ko sa kanya, natatakot ako kay ate Savannah kasi kasama niya si kuya George parang may balak siya kay ate Vannah.

Maya-maya nilingon ko si Kaden na kasalukuyang binubugbog na ang mga lalaking nakapalibot sa kanya, yung ilan nakakaganti kay Kaden kaya hindi ko din kayang makita. Sinubukan kong alisin yung gapos sa aking kamay nang naalala ko... May card sa akin na may patalim. Kanina diniscuss kasi namin iyon sa science.

Nag-experiment kami for that and nagserve na din as a project. Eh nasa bulsa ng pantalon ko, paano na yan? Sinubukan kong abutin ang bulsa sa bandang likod ng pantalon ko at kinapa doon yung card na may nakakabit na maliit na patalim.

"Lalaban ka pa!" Gigil ng isang lalaki sabay hinampas si Kaden ng monoblock na silya. "Yan ang dapat sayo" matigas nitong sinabi kaya naman ay nagmadali akong kiskisin yung card sa makapal na tali.

"Huwag niyo siyang sasaktan!" Sabi ko sa kanila.... ang bagal naman nitong card na ito grr. Sinubukan kong ilapit ang taling nakagapos sa kabila kong kamay sa card para maputol din.

Maya-maya, naputol na din ang taling nakagapos sa akin sabay sumugod agad ako sa lalaking hahampasin pa ang baseball bat kay Kaden, mabilis kong hinawakan ang baseball bat at ako na din ang magserve na ihampas sa kanya yon "kala niyo ha! Nagtraining ako ng martial arts kasi yon yung sabi ni tito Zachariah sa akin" pagyayabang ko na ikinaramdam ko naman ng kaba bigla nung may nakita akong baril. "Kaden... si ate Vannah?" Sabi ko sa kanya ng mabilis.

Pinunas na muna niya yung tumutulong dugo sa kanyang bibig na pumutok tsaka nagsalita "puntahan mo si ate Savannah mo at ako na ang bahala dito" sabi niya sabay sinimulan ng manapak ng ilang lalaki.

Tumango nalang ako ng mabilis sabay pumunta sa isang kwarto, pero pagkarating ko doon ay nakasara. Sinubukan kong sipain iyon in straight to the point at hindi naman nagtagal ay biglang nawasak at bumagsak ang ilang parte nito sa sahig.

Nakita kong nakapantalon pa si kuya  George kaya nakahinga agad ako ng maluwah pero topless na siya at si ate Savannah naman... oh no... naka-undies nalang. "Itigil yan kuya George" sabi ko, Wala akong nagawa kundi sinugod ko siya at sumalubong ko ng sipa sa mukha.

Buti nalang talaga 1 week training ng martial arts ay parang master ko na... "Ate Vannah" sabi ko at tinulungan siyang makatayo and ooh..

Infairness sexy pala si ate Vannah.

Kinuha ko agad yung nakakalat niyang nightdress sa sahig at mabilis kong binigay yon sa kanya habang hinihintay naming gaganti si kuya George. Nagbihis siya ng mabilis tsaka ako hinawakan sa kamay ng mabilis at lumabas na ng kwarto. Kasabay namin si Kaden sa paglabas pero agad din kaming hinarang ng grupo ng mga lalaki na meron pa palang natitira.

Sinipa ko yung dalawa habang si Kaden naman ay nilaban yung tatlong lalaki, si ate Vannah ay simple lang ang kanayng ginawa kasi hindi siya marunong at hindi din siya mahilig makipagbasag-ulo ng tulad namin. "Tumigil kayo!" Sigaw ni kuya George nang makabangon na siya sa pagkatilapon sa sahig nung sinipa ko siya sa mukha.

Naku nakabangon yung halimaw, kailangan na naming makaalis na talaga dito, suntok at sipa lang ang ginawa ko para maging simple lang ang combat namin sa sindikatong ito.

"Hindi ako makahinga..." narinig ko kay ate Savannah. Nagulat ako sa kanyang sinabi kaya naman mabilis kong binugbog sarado yung dalawang lalaki. Nilingon ko siya.

Just In The Bridge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon