Chapter 45 - Fight
Mike
Nandito ako at nakarating na din bago magkaroon ng training ang mga lieutenant colonels dito sa Campo. Ang saya talaga kasi 5 months nalang magpapakasal na ako sa fiancee ko.
Nakita ko sa hindi kalayuan ang pigura ni Zachariah, hehe namiss ata ako nitong bad ass kaibaigan ko? Ako din naman eh, namiss ko siya.
Miss ko na sundutin yung tagiliran. Hindi naman nagtagal ay mamaya ko naman siya isusurpriese, tumungo na muna ako sa bandang puno, malapit doon. Maraming bagong naging lieutenant colonels kaya mas nakakatuwa "colonel Rivera, nakita mo ba si colonel Wright?" Tanong sa akin bigla ng isang commander.
Tinignan ko lang siya ng masama at umiling, anong pinagsasabi niya? Si George ba kamo? Yung g*go kong kaibigang yun? Magkakaibigan kami niyan dati nila Zachariah pero siya ang humiwalay, eh pano g*go kasi "ah Wala ata? Nakita mo bang nandito siya?" Galing din kasi nitong magpatawa eh. Akalain mo? Haha si Goegre nasa ibang bansa kaya hindi siya makakauwi dito agad-agad. Laki kasi ng problema nun eh.
"Takaga colonel? Eh nakita ko siya dito kanina?" Tumigil ako bigla nang sinambit niya ang mga katagang na yan. Nanlaki pa nga yung mga mata ko eh.
"S-seryoso ka? Hallucination is real colonel Legaspi" sabi ko sa kanya na may nakakalokang ngiti. Kung yung ngiti ko kaloka pero mas yung sinabi niya nakakaloka, oh em gee.
Kumunot naman ang noo nito "Hindi hallucination, kausap nga naman ni colonel Agas eh" sabi nito na may pailing-iling pang nalalaman "sige, paalam, Wala ka nga talagang kwentang kausap" tapos sabay umalis na siya. G*go yun ha? Ako pa ang walang kwenta? Eh hindi ko nga alam na nandito na pala si George edi sana nasagot ko siya ng matino.
Hinayaan ko nalang ang aking sarili, hayy "colonel Rivera, it's long time no see" nakangiting sinabi ni... inangat ko yung ulo ko at nakita yung mukha ni...
"Namina! Bakit mo naman ako ginulat? Putek ka" sabi ko sabay napatayo sa kinauupuan. Pinagpagan ko yung sarili ko tsaka huminga ng malalim. Akala ko dalawa yung wangis ni George kaya medyo natakot ako dun ha. "Kailan ka pa nakauwi?" Tanong ko sa kanya.
Tumawa ito ng mahina "kahapon lang... kamusta kayo ni Zachariah?" Wow... makatanong parang akala mo magkakaibigan ulit kami pero sa totoo lang watak na ang relationship namin sa isa't isa.
"Eto malungkot kasi hiwalay na sila Zachariah at Savannah" malungkot kong sinabi kay George, siya naman ay ngumiti ng unti-unti. G*go din pala ito, May gusto ata kay Savannah itong walang hiyang ugok na ito eh.
"Mike..." lumingon ako kung sino yung tumawag sa akin sa pangalan ko at natagpuan ko ang isang pamilyar na pigura ni Zachariah. "Sinong kasama mo?" Nakakunot noo nitong tinanong sa akin habang naglakad palapit sa kinaroroonan ko.
Nasa likod niya si George, siya naman ngumingisi ng parang nakakaloko, mukhang mas naging nakakatakot na itong tukmol kong dating kaibigan ha? "Hi Zachariah" lumingon na din siya at ngumiti kay Zachariah.
Kakaiba yung mga ngiti niya, parang may balak siyang masama? "Shit" mura ni Zachariah ng mahina "Bakit ka nandito?? Anong ginagawa mo sa bansang ito?" Gulat na tinanong ni Zachariah. Nanatili akong estatwa dito, Wala na akong alam sa mga susunod nilang pinagsasabi.
Tumawa ng nakakaloko si George, nakakainis yung tawa niya ha "bawal ba ako lumaban sa sarili kong bansa?' Tatawa-tawa niyang tinanong pabalik kay Zachariah na nagmumukhang sagot na din niya. "Pumunta ako dito para makasama si Savannah, bakit? May problema ba?" Tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/108172480-288-k174666.jpg)
BINABASA MO ANG
Just In The Bridge (COMPLETED)
Fiction générale[Written in Filipino and English] Maaga nagsimula ang lahat, maaga din nagsimula ang kanilang pagmamahal, maaga din kaya sila matatapos? Savannah Garcia has a complicated past, she was able to find her love for years but she didn't succeed. She...