Background

7.7K 87 3
                                    

The concept of this story has always been in my mind, since elementary days pa, pero dahil hindi naman ako writer, at wala akong talent, hindi ko isinulat.

Fast forward to Encantadia 2005. Ahh.. Yes! I am an Encantadik, and I am proud of it. Teaser pa lang ng Enca nun inabangan ko na 'yun. I watched Enca 2005 religiously, and I only missed one episode, and I cried so hard when it happened. Hahaha!

Anyway, ganito kasi 'yun, may isang episode ng Enca, 'yung pagniniig scene nina Amihan at Ybrahim, 'yung moment na bigla ka na lang natulala, kasi nashock ka sa lakas ng chemistry nila. Yun, 'yun ang moment na naging IzaDong supporter ako. Sobrang minahal ko sila. Hahaha! Ang natatanging OTP na minahal at mamahalin ko.

Dahil dun, I started writing this story. This was originally created for them (IzaDong), and I completely finished it in 2007. May mga paunti-unti lang akong edits because of the typos and for the grammar. Pero settled na, tapos na talaga ang istorya noon pa.

Sa kanila talaga ito eh. Dahil kahit hindi naman naisulong ang Ybramihan nung 2005, alam ng marami na sobra na ang clamour ng tao sa istorya nila. Inilaban din namin noon ang Ybramihan nung 2005. Pero hindi talaga kami pwedeng pagbigyan, kaya kahit ang simpleng tinginan, pagtatabi lang nila, big deal na sa amin. Hahahaha! Masaya na kami, edit-edit na lang ulit ng pictures nila, at kung anu-ano pa. Kung may twitter nun, ganito din kami kaingay at kagulo sa pagsulong ng Ybramihan, pramis! Pero, dahil hindi nga pwede, binawian na lang kami sa IzaDong. Binigyan sila ng maraming projects, movies, teleseryes, guestings, etc. We were happy and thankful.

Pero syempre, nabuwag din ang IzaDong, naging idle na lang ang istoryang ito, itinago ko na lang sa banga, I treated this (story) as a treasure, kasi I wrote it with love, at galing talaga sa puso ko! Ang drama ko!

Fastforward ulit, in-announce na magkakaroon ng Enca 2016. VIOLENT REACTION ako! Hahaha! I so loved the 2005 version, I felt betrayed when they announced the remake, or requel, lalo na at hindi ang original sang'gres ang gaganap, I hated the idea. Lalo na at baka maging failure pa. Pero, syempre, dahil once an Encantadik, always an Encantadik, kaya sige, abangan natin, na ginawa ko, together with the "family" I gained in 2005, sila yung original Encantadiks, inabangan namin.

I planned to watch the 2016 remake religiously, just like nung 2005. Pero, dahil busy ako, yung first few episodes lang pinanood ko, saka dahil nandun si original Ybrahim, si Dingdong Dantes, nung nawala na s'ya, hindi na din ako nanood.

Eto na, ang pinakahinintay ko, 'yung 2016 Ybramihan Pagniniig scene. Yes, 'yun lang ang inantay ko, kasi 'yun ang pinakaimportante sa akin. Kailangang may chemistry ang Ybramihan, kasi magwawala ako 'pag wala. Hahahaha! Inabangan ko, eh, ayun, bitin, pero sabi ko, "pwede na, merong spark, bitin nga lang." Hindi pa din ako nanood ng Enca after that, pero dahil nanonood ang Nanay ko, napapanood ko minsan. Hanggang sa scene na, we, Ybramihans, like to refer to as, "The Fall of Lireo".

Then, the rest is history. Lumabang muli ang mga Ybramihan 2005 peeps para sa Ybramihan 2016, at nadagdagan pa kami, exponentially. I met new friends that eventually became my new family.

May mga Ybramihan 2005 peeps na nabuhay ulit. Hanggang sa nasearch na nila kami sa mga lumang forums at nahanap ang mga kabaliwan namin. Hindi ko na alam kung saan nagsimula, pero nabrought-up ulit itong story. May isang gustong mabasa 'tong story, sinend ko sa kanya. Nagustuhan n'ya, ng SOBRA. Hahahaha!

Hanggang sa ni-suggest n'ya na i-try ko palitan ang name at gawing KyRu. Adamant ako nung una, kasi syempre, I made this for IzaDong, pero dahil persistent sila (oo, dumami na sila), sige, ginawa ko. I only changed the name, from Iza and Dingdong, to Kylie and Ruru, that's all I did. Everything, lahat-lahat ng nasa istorya, final na s'ya nung 2007 pa.

Kaya, sa mga magbabasa neto ngayong 2017, paki-enjoy n'yo na lang, like those of my friends who have read it before. Hindi ako writer kaya patawad sa literary failures, kasi basta isinulat ko lang s'ya na parang nagkukwento lang, parang nagsasalita lang ako, ganern. Salamat sa oras!

Enjoy, guyth!

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now