Pinarangalan ang SEX-CIT sa Auditorium Hall ng Station 1 dahil sa pagkakalutas sa pinaka malaki at napakadelikadong kasong 'yun. Masayang-masaya ang buong team ngunit medyo nalulungkot dahil sa pagtatapos ng kaso ay natapos na rin ang program nila at maghihiwa-hiwalay na. Nagyakapan ang bawat isa sa kanila. Biglang lumapit sina Chief Romeo at Chief Aps kasama ang mga Chiefs ng ibang Stations. Inialok ulit kay Ruru ang mapromote sa Station 1, pero tinanggihan nito.
"Sir, I'm honored, pero, I belong in Station 3, that's my home." Mahinahon pero proud na sabi ni Ruru, "Hindi ko rin naman po kayang iwan ang pinakamamahal naming Chief."
Naghiyawan ang buong SEX Team at napangiti si Chief Aps.
"Inialok ko ulit sana para malapit kayo sa CIT." sabi ni Chief Romeo.
"Magiging okay kami, Chief." Sagot ni Kylie, "madalas lang po kaming dadalaw sa Station 3!" natatawang dugtong ni Kylie.
"Okay! Actually, pwede kayong tumuloy sa Station 3, sa HQ ng SEX Team, at doon mag base, ipapatawag ko na lang kayo kung kailanganin namin kayo sa Station natin. Or pwede ring, i-try n'yo, SEX Team, ang Station 1, dun kayo tumuloy sa HQ ng CIT, pwede ring MWF sa Station 3 at TTH sa Station 1, kung saan kayo kumportable. You have my permission!" natatawang sabi ni Chief Romeo.
Napatawa ang lahat sa sinabi ni Chief Romeo.
"I'm serious!" dagdag ni Chief Romeo.
Nagkatinginan ang lahat sa gulat at sa tuwa.
"Chief, seryoso ka po talaga?" tanong ni Kylie.
"Yup, kasi, napakabihira na may makasundo ang isang Station 1 team na ibang grupo lalo na't galing sa mas mababang Istasyon, natuwa lang ako ng sobra, dahil talagang nagkasundo kayo't pamilya na talaga ang turingan. Hinahangaan ko kayo, gusto kong ipagpatuloy ninyo 'yan. Anytime, pwede kayong mag base sa Station 3, CIT, or sa Station 1, SEX Team." Sagot ni Chief Romeo, "I'm dead serious!" saka kinamayan ang SEX-CIT pati ang ibang mga Chiefs ay kinamayan sila, "Congratulations nga pala sa magiging baby n'yo, Gonzalez!!!" bati ng mga Chiefs kina Kylie at Ruru at saka umalis na.
Niyakap ni Ruru si Kylie.
"I love you!" Sabi ni Ruru sa asawa.
Napatingin si Kylie kay Ruru at ngumiti, pati ang buong team ay napatingin at kinikilig.
"Pakasalan mo 'ko." Sabi ni Ruru.
"I can't!" sabi ni Kylie.
Nagulat si Ruru at napatungo nawala rin ang ngiti ng buong team.
"Kasi kasal na tayo!" dugtong ni Kylie.
Napatawa si Ruru, "Marry me! For real!" sabi ni Ruru, "sa simbahan!"
"Mag-yes ka na Ma'am!" sabat ni Timothy.
"SHHHHHHH!!!!" kinikilig na saway ng lahat.
Nakatingin lang si Kylie sa mga mata ni Ruru.
"Ano?" tanong ni Ruru.
Hinalikan ni Kylie si Ruru.
"Not without a ring!" pabirong sagot ni Kylie.
Napangiti si Ruru sa sinabi ni Kylie saka naglabas ng singsing na ikinagulat ng lahat.
"Yes!" sagot ng umiiyak na si Kylie.
Isinuot na ni Ruru kay Kylie ang singsing saka s'ya hinalikan. Naghiyawan ang buong team sa tuwa at ang iba ay naiiyak pa.
***
Nagpakasal silang muli at sa pagkakataong ito ay bukal na sa loob nila ang mga pangako nila sa isa't-isa. Naroroon at kumpleto ang kanilang mga mahal sa buhay sa araw na ipinangako nila ang kanilang sarili sa bawat isa, at ang kanilang pagmamahalan sa harap ng Diyos.
***END***
Lady_Deathstrike21
Persephone_21
January 13, 2007-March 23, 2007
EDITED FOR 2016
December 7, 2016-May 21, 2017
i
YOU ARE READING
BEAUTIFUL DISASTER
Short StoryHe's Beautiful. She's Beautiful. But Together, they are a Disaster. But a Beautiful Disaster.