Chapter 21

1.1K 47 2
                                    

Sa Main Room kung saan nag-uusap usap ang lahat ng members tungkol sa Third Major Case nila kung saan nag iisip sila ng maaaring gawin pa nang pumasok si Ruru.

"Sir, anong sabi ni Chief?" tanong ni Stone.

"Hindi ba kayo nagbabasa ng diyaryo? May napatay na naman daw at may hinala kaming ang grupo ni Lopez ang may gawa." Sagot ni Ruru saka ipinakita sa kanila ang dala n'yang dyaryo, "at hindi nga kaagad mahuli sina Lopez at malakas ang back-up, sa tingin ni Chief may back-up na taga-pulis, kaya mahirap mahuli."

"Grabe naman 'yang si Lopez, 'pag nahuli natin at napatunayan 'yan, HISTORY TAYO MEN!!!" sigaw ni Decond.

"Sabi ko rin kay Chief na mahirap makipagkampihan sa mga pulis, malakas din kasi ang kutob ko na may mga tauhan si Lopez dun!" dagdag ni Ruru saka lumakad para basahin ang isang diyaryo na naka front page ang tungkol sa napatay umano ng grupo ni Lopez.

"Tama Sir!" sagot ni Firsty, "dapat muna tayong kumalap ng ebidensya saka natin talagang hulihin."

"Oo nga," sagot ni Ruru habang abalang nagbabasa ng diyaryo, "nga pala... Nasaan ang asawa ko? Nakita n'yo ba?"

Napatingin ang lahat kay Ruru saka nagpalitan ng mga tingin sa isa't-isa.

"Sir?" natatawang tanong ni Art.

"Nasaan ang asawa ko?" ulit ni Ruru na hindi pa rin nakakahalatang pinagtatawanan na s'ya ng lahat at patuloy sa pagbabasa.

Patuloy sa pagtawa ang lahat saka nakahalata si Ruru at ibinaba ang hawak na diyaryo.

"Bakit kayo tumatawa ha?" naku-conscious na tanong ni Ruru.

"Sir, kasi ang tanong mo po, kung nasaan ang ASAWA mo? ASAWA!!!" sagot ni Art kasabay ng may nakakalokong ngiti.

"Oh?" sagot ni Ruru na medyo nahiya, "Ano naman? Asawa ko naman s'ya talaga ah!"

"Wala lang po, naninibago lang po kami!!!" sagot ni James, "nandun si Ma'am sa opisina n'yo, Sir!"

"Kaya pala todo selos ka kay Sir Bob!" sabat ni Nick, "mahal mo na 'no?"

"Tigilan n'yo nga ako!" napatayong sagot ni Ruru, "huwag kayong maingay baka marinig kayo ni Kylie."

Naghiyawan ang lahat. Lumabas si Kylie sa kanilang opisina na may kausap sa kanyang cellphone, at kaagad na nanahimik ang lahat ngunit itinuloy ang tuksuhan sa bulungan.

"Sige, later!" sagot ni Kylie sa kausap sa phone, "di 'yun magagalit, sasabihin ko naman na ikaw ang kasama ko eh. Ha... Bye!" saka inilagay ni Kylie ang phone sa bulsa.

"Sino 'yun?" tanong ni Ruru.

"Ahhh... Yun ba? Si Bob." Sagot ni Kylie saka kinuha ang diyaryong binabasa kanina ni Ruru.

"ANO?" tanong ni Ruru ng may pagkainis, "at bakit raw? Ano 'yung later-later ka pa diyan?"

"Magdidinner kami, nagyaya s'ya eh, saka free naman ako." Casual na sagot ni Kylie, "may napatay na naman? Di man lang nabanggit si Lopez na isa sa mga maaring suspects. Sure ako na grupo n'ya ito. May atraso siguro ito kaya pinatay!"

Um-agree ang buong SEX-CIT Team.

"Dinner na naman! Kahapon nag dinner na rin kayo ah! Di ka pwedeng sumama sa kanya!" may pag uutos na sabi ni Ruru, "pinapupunta tayo ni Mama sa bahay mamaya!"

"Huh?" sagot ni Kylie, "katext ko lang si Mama kanina, sabi n'ya sa Thursday daw tayo dumaan at ipagluluto n'ya ko ng paborito kong Kare-kare."

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now