Chapter 12

1.1K 50 6
                                    


Pagkarating ng HQ nina Ruru, Kylie, Art, James, Timothy at Booba, agad na naligo ang lima para maging fresh.

"Kumusta ka na, Ma'am?" tanong ng may pag-aalala ni Shirt.

"Masakit ang ulo ko, kaya 'wag mo kong gagalitin ha!" pagbibiro ni Kylie sa tanong ni Shirt.

"Ano'ng plano n'yo, Ma'am, Sir?" tanong naman ni Thirdy.

"Nullity of Marriage, or annulment, ikokonsulta ko sa abugado namin." walang kagatul-gatol na sagot ni Kylie, "pag-uusapan muna natin 'yung plano sa third case. Kumusta ang investigation n'yo, Vince?"

"Ma'am magkakaroon po ng party 'yung pinaka leader na si Mr. Lopez kasi birthday niya, pero malakas po ang kutob naming makikipag meeting sila sa iba't-ibang drug-lords ng buong bansa, kasi 'yung mga invited eh 'yung mga hinihinalang mga drug-lords." Sagot ni Vince.

"Magka-crash tayo para makakuha ng mga ebidensya." Sabat ni Ruru.

"Tama." Pag sang-ayon ni Decond.

"Ma'am, kailan kayo magpapa-annul ng kasal n'yo?" wala sa topic na banat ni Thirdy.

"Pag-uusapan pa namin ni Ruru 'yan. Bakit ba 'yun ng 'yun ang tinatanong n'yo?!" Sagot ni Kylie, "Baka mamaya, asikasuhin na namin. Sa ngayon, 'yung third case muna ang asikasuhin natin."

"Nag-aalala lang po kami sa'yo Ma'am, syempre, gusto lang po naming malaman, baka po kasi may maitulong kami." Sagot ni Firsty.

Nag-ring yung phone sa Main Room na sinagot ni Timothy.

"Kailangan nating planuhin 'yung pag gate crash sa party." sabi ni Ruru, "mga anim lang ang papasok at magbabantay na lang sa labas 'yung iba."

"M-Ma'am... phone po." Namumutlang sabat ni Timothy, "hindi raw po kasi kayo makontak sa cellphone n'yo."

"Sino 'yan?" tanong ni Kylie, "paki pindot na lang 'yung speaker ng phone please, malapit-lapit naman na sa 'kin, masakit ang ulo ko, 'di na 'ko makakatayo!"

"Ma'am?!" wala sa sariling sagot ni Timothy, "si Gene---"

"Sige na, Timoy. Salamat!" sagot ni Kylie.

Pinindot ni Timothy ang loudspeaker at saka sumenyas ng huwag maingay sa buong team na ikinaintriga ng lahat.

"Figueroa..." sagot ni Kylie.

"KYLIE NICOLE!!!" Sigaw ng nasa kabilang linya.

"DADDY!!???" gulat na sambit ni Kylie.

"ANO BA'NG MGA PINAG GAGAGAWA MO SA BUHAY MO?!!" sigaw sa galit ng Daddy n'ya, "WALA KA NA BANG RESPETO SA AMIN NG INA MO?!"

Nanahimik ang lahat at namutla ang buong CIT.

"Dad? What's wrong?" kinakabahang tanong ni Kylie. Napatayo sana si Kylie ngunit nadapa sa sobrang pagmamadali.

"SINO ANG WALANG HIYANG LALAKING PINAKASALAN MO? WALANG MODO! HINDI MAN LANG NAGPAKILALA SA AMIN PARA HINGIN NG MAAYOS ANG KAMAY MO! AT IKAW NA BATA KA! ANONG GUSTO MONG PATUNAYAN!? GUSTO MO BANG IPAHANAP KO 'YANG LALAKING 'YAN AT SAKA KO IPAPATAY?!!" sigaw ulit ng ama ni Kylie.

Napalunok ng laway si Ruru at ang buong team.

Tumayo kaagad si Kylie para abutin ang telepono.

"PAUWI KAMI NG MOMMY MO DIYAN, PUMUNTA KAYO NG LALAKING 'YAN SA BAHAY MAMAYA KUNG AYAW MONG AKO ANG SUMUGOD SA INYO." Sigaw nito bago pa man makuha ni Kylie ang telepono.

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now