Chapter 8

1.1K 47 2
                                        

Pagdating ng Lunes ay kaagad na ipinatawag ni Chief Aps sina Ruru at Kylie sa kanyang office.

"You are the best team ever!" Masayang-masayang bati ni Chief sa dalawang Team Leaders. "Congratulations! Sa napakaikling panahon, naresolba n'yo kaagad ang isa sa mga cases n'yo, at Major Case pa ito!"

"Thank you po Sir!" sagot ng nakangiting si Ruru, "Yung pagiging maayos na samahan po ng team ang isang dahilan kaya po napadali ang raid Chief."

Napatingin ng biglaan si Kylie kay Ruru, napakunot ang noo. Saka napatingin lang rin si Ruru kay Kylie, may pagtataka.

"Job well done." giit ni Chief Aps habang may mga papeles na pinipirmahan.

"Salamat Sir!" nakangiting sagot ni Kylie.

"I am very happy, kasi parang walang problema sa inyong dalawa 'no?" Masayang-masayang sabi ni Chief.

Nagulat silang dalawa sa narinig at napatitig ng saglit kay Chief, matapos ay sarcastic na tawang malakas lang ang isinagot ng dalawa na medyo ikinagulat ni Chief Aps saka patagong nagSiringan.

Matapos ang usapan ay lumabas na kaagad ang dalawa sa office ni Chief Aps at isinara ni Ruru ang pinto.

"We did great!" nakangiting sabi ni Ruru.

"We?! Yes, WE did! Pero syempre, kailangan, kontrahin mo muna ako diba?!" may taray na sagot ni Kylie kay Ruru saka lumakad na palayo at iniwang mag-isa si Ruru sa tapat ng pintuan ni Chief.

"I can't stand her!" nagpipigil sa inis na sinabi ni Ruru sa sarili saka sumunod kay Kylie.

***

Habang sa loob ng HQ ay masayang nagbabatuhan ng mga papel na binilog ang SEX-CIT Team sa saya ng matagumpay nilang raid nung Sabado ng madaling araw sa unang Major Case nila.

Bumukas ang pinto at pumasok si Kylie sa HQ. Sinalo ang bolang papel na pinagsasalu-saluhan nina Shirt.

"Congratulations team!" masayang bati ni Kylie, "Keep up the good work! CIT, dahil wala tayong Friday night life last week, this Friday natin gagawin, hanggang Saturday... And my treat!!!"

Naghiyawan sa sobrang saya ang CIT sa narinig. Binuksan ni Kylie ang pintuan ng office nila ni Ruru at papasok na sana ngunit huminto ito saglit.

"And of course, invited kayo, SEX Team!" nakangiting pahabol ni Kylie, saka tuluyang isinara ang pintuan ng kanilang opisina.

Lalong lumakas ang hiyawan, and this time, kasabay nang humiyaw ang SEX Team.

Dumating sa Main Room si Ruru.

"Anong ingay 'yan?" nagtatakang tanong ni Ruru, "Bakit kayo naghihiyawan?"

"Magkakaroon ng celebration sa bahay ni Ma'am this Friday, Sir, at ininvite n'ya tayo, treat niya!" parang batang sagot ni Thirdy.

"Ahh... ganoon ba?!" sagot ni Ruru. "Pero bago kayo mag-celebrate, aasikasuhin muna natin ang second case. Maliwanag?!" may pagtataray na sabi ni Ruru saka pumasok sa office nila.

Sa ilang sandali ay nanahimik ang lahat dahil sa may pagtataray na sagot ni Ruru. Ngunit bumalik rin sa dati ang lahat na naghihiyawan at parang walang nangyari.

Pagkapasok ni Ruru sa kanilang office, kaagad itong umupo sa kanyang upuan.

"Sa tingin ko dapat na nating umpisahan 'yung case 2 at isabay yung case 3, yung drug-lord, para ngayon pa lang, nakakapag prepare na tayo." Hindi nakatinging sabi ni Kylie kay Ruru habang nagti-type sa laptop n'ya.

"Okay, syempre, susunod lang ako sa'yo, eh kasi ikaw naman ang boss dito eh!" may pagka-sarcastic na sagot ni Ruru habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak.

"Excuse me?" gulat na nasabi ni Kylie. At tumingin na mismo sa mga mata ni Ruru.

"Malinaw naman po siguro 'yung sinabi ko diba?!" walang pagbabago sa tono ng boses ni Ruru, "Ikaw-po-ang-masusunod-MA'AM!!!" mapang-asar n'yang dugtong.

"Okay... okay!!!" pilit na pagpipigil sa inis na sagot ni Kylie.

Saka nanahimik ang dalawa at bumalik sa kani-kanilangmga trabaho.

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now