Sa Main Room ng SEX-CIT HQ, nakaupo si Ruru sa isang couch.
"Sir kumusta ang dinner with your new family?" tanong ni Maggie.
"Ayos naman, masaya!" sagot ni Ruru habang hawak ang nakuha ni Kylie na address sa office ni Mr. Lopez, "kumusta ang surveillance sa address na 'to Vince?"
"Mukhang nag-bond kayong maigi ng in-laws mo ah, Sir!" nakangiting sabat ni Nina.
"Sir, 'di pa po namin masabi kung anong nariyan, hirap na rin po kasi, baka mahalata kami, pero 'wag po kayong mag-alala, binabantayan po naming mabuti." Sagot ni Vince.
"Ayos kami." Nakangiting sagot ni Ruru kay Nina, "Ganoon ba Vince? Mabuti na rin 'yung 'di tayo mahalata."
"Si Ma'am Kylie, Sir?" tanong ni Art.
"Ahhh... nasa office ni Chief, nag-uusap sila about sa third case, ina-update niya si Chief, saka sa hirap nitong case, hindi pa kasi talaga natin maaaring salakayin kung wala pa talaga tayong ebidensya. At isa pa, alam n'yo naman, bigatin 'yung si Lopez." Sagot ni Ruru.
"Sir, kumusta naman kayo ni Ma'am?" tanong ni Shirt.
"Huh? Kami?" nakangiting sagot ni Ruru, "ayos lang!"
"Saan kayo titira?" sabat ni Timothy.
"Napag-usapan namin ni Kylie na sa bahay n'ya kami titira, dun sa pinagpaparty-han n'yo, kaya pag-iisipan ko pa kung makakapag-party pa rin ba kayo every Friday." Natatawang sagot ni Ruru.
Nanghinayang ang lahat at nag-react sa sinabi ni Ruru na baka mawalan na ng Friday night party pero natatawa lang si Ruru.
"Sir Pogi, magsasama kayo sa isang bahay? Sa isang kwarto?" tanong nang natatawang si Timothy.
"Sa isang kama?!" sabay-sabay na sabi nina Timothy, Shirt at Art.
Tumingin muna ng ilang segundo si Ruru sa tatlo, "Oo... Oo... at oo." Nakangiting sagot ni Ruru.
Naghiyawan ang lahat.
"O, bakit na naman kayo naghihiyawan diyan?" tanong ng papasok na si Kylie.
"Wala lang Ma'am, may nalaman lang kami!" tuwang-tuwang sagot ni Timothy.
Napangiti lang si Kylie sa sagot ni Timothy, "Nabanggit sa akin ni Chief na magkakaroon pala ng training/seminar at Olympics for three days ang limang Stations kasama dun lahat ng teams. After nun, magkakaroon ng party. Para naman daw magkakila-kilala tayong lahat. Ngayong Wednesday to Friday na 'yun."
Nag-react ang lahat na kesyo ang bilis naman ng training/seminar at Olympics at biglaan.
"Kasama ang Station 1?!" sabat ni Timothy.
"Lahat ng Stations, Timoy!" sagot ni Kylie.
"Teka, bakit parang sa tono ng pananalita mo eh ayaw mong makasama ang Station 1? Baka nakakalimutan mong taga first station ka!" nagtatakang sabat ni Ruru.
"Station 1? Ako?!! Hindi ah! taga Station 3 ata ako! HELLO!" sagot ng nakangiting si Timothy.
"Kami rin 'no!" sagot ng CIT.
"Ganun?" malungkot na sagot ni Kylie, "ayaw n'yo na 'kong Team Leader?"
"Ma'am bakit?" sagot ni James, "taga Station 3 ka rin naman diba!"
"Oo nga." Sagot ulit ng CIT.
Napangiti lang si Kylie, "ahhh... akala ko ayaw n'yo na sa akin." Nakangiting sabi ni Kylie.
"Ang Station 1 ang ayaw namin Ma'am, pati ang ibang teams dun! Mayayabang!" sabat ulit ng madaldal at hyper na si Timothy.
"Ma'am para po saan 'yung training/seminar?" tanong ni Shirt.
"Refresher 'yun, saka para magkakila-kilala ang mga teams ng limang Stations! Alam n'yo namang dahil sa nabubuong gap, naisipan ng Agency itong pagmi-merge ng dalawang teams tulad natin, itong training/seminar and Olympics ay isang way rin para mas lalong makapag bond pa tayong lahat. Anyway, tatlong araw s'ya, sa first day, magkakaroon tayo ng review at lessons tungkol sa mga bagong equipment, gadgets at commands." Sagot ni Kylie.
Na-excite ang lahat.
"Sa gabi ng first day, ang opening ng mini Olympics, labanan ng bawat teams." Dugtong ni Kylie.
Napahiyaw ang lahat sa tuwa.
"Ibig sabihin po ba magkalaban din tayo nun?" sabat ni Lovely na may lungkot sa boses, "isang team versus sa isang team diba po?"
Nag-react ang lahat na ang ibig sabihin ay ayaw nilang makalaban ang isa't-isa.
"Nay!!! Ma'am, paano po 'yun?" malungkot na tanong ni Booba.
"Huwag kayong mag-alala, magkakampi tayo, dahil sa sobrang dami kasi ng mga teams, magmi-merge daw ng tig-dadalawang teams para bumaba sa 15 teams na lang ang maglalaban-laban," sagot ni Kylie.
"YEEEEEEEEEEEEES!!!" sigaw sabay napatalong sagot ng lahat, ang iba'y napasayaw pa sa tuwa.
"Magkakakampi 'yung mga teams na kinombine sa ibang Stations tulad natin!" dugtong ni Kylie, "Tapos 'yung apat na naiwan na teams sa mga Stations natin, bunutan na kung sino sa kanila ang magiging magkakampi. Kaya dalawa ang pinakamabibigat na teams ang makakalaban natin, 'yung apat na teams sa Station 1 na mag mi-merge."
"Yung team ni Sir Bob?" sabat ni Janice, "Magagaling rin 'yung mga 'yun!!!"
Um-agree ang lahat ng CIT members.
"Ah basta!!! Papatumbahin natin ang lahat ng taga Station 1." Pagmamayabang ni Art.
Naghiyawan ang lahat.
Tinapik ni Ruru sa likod si Art, "Yan ang gusto ko sa iyo eh!" natatawang sabi ni Ruru.
"Sa second day, ang Olympics hanggang kinabukasan ng umaga. At sa tanghali nun ay ang awarding. Sa gabi naman ang victory party, mala-Prom, semi-formal ang attire, kaya mag ready na kayo ng isusuot n'yo." Sagot ng natatawang si Kylie.
Lalong naghiyawan sa tuwa ang lahat ng marinig angPARTY.

YOU ARE READING
BEAUTIFUL DISASTER
Short StoryHe's Beautiful. She's Beautiful. But Together, they are a Disaster. But a Beautiful Disaster.