Nalutas na ni Chief Bern ang drug-lord case at isang Gregorio Malinao ang kanilang nahuli, sa bawat istasyon sa telebisyon ay ipinapalabas ang report na 'yun. Inis naman ang nararamdaman ng buong SEX-CIT, tuwa naman ang kay Bob dahil team n'ya ang nakalutas ng napakalaking kasong 'yun.
"Alvin!!!" sigaw ni Art, "magaling ka na? ang tagal mong nawala ah! Namiss ka namin!"
Ang lahat ng babae ay yumakap kay Alvin, ang mga lalaki naman ay dinadaganan s'ya bilang lambing.
"Oo." Nakangiting sagot ni Alvin kay Art, "Salamat. Miss na miss ko rin kayo! Ma'am Kylie!!! Namiss po kita!"
"Alvin! Welcome back!" sabat ni Kylie na kalalabas lang galing sa office nila, agad namang nawala ang kasiyahan ng CIT at kaagad na nagsilayuan nang papalapit na s'ya, "sa tuwing magkakaharap ba tayo eh magiging ganyan kayo?"
Nanahimik lang ang SEX Team at nang mapatingin sa kanila si Kylie ay ngumiti lang sila na na-appreaciate naman ni Kylie at alam na kahit nagtatampo rin ang mga ito sa kanya ay pinapansin pa rin s'ya at ayaw lang maipit sa tampuhan nila ng CIT.
Walang sumagot sa CIT, "Hindi ko naman kayo iiwan eh. Yung trabaho lang. Babalikan ko naman kayo after kong magbakasyon." Desperadong sabi ni Kylie.
Wala pa ring sumagot, ang iba ay nag walk-out pa at lumabas ng HQ na ikinagulat ni Alvin na walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Kinalma na lang ng SEX Team si Kylie, "Ma'am, 'di po nila matanggap na iiwan mo na sila eh. Mahal na mahal ka po ng mga 'yan." Sabat ni Decond.
"Naiintindihan ko naman eh at alam ko 'yun saka mahal ko rin sila, kaya lang, 'di talaga pwede, kung alam n'yo lang... kung pwede ko lang sanang sabihin..." lungkot na lungkot na sabi ni Kylie.
"Ma'am, huwag ka pong mag-alala, kaming bahala sa mga kapatid namin!" sabat ni Firsty.
"Salamat ha." Nakangiting sabi ni Kylie na may pag-aalala pa rin.
***
Samantala, papuntang NBI si Ruru para tanggapin ang alok ng kaibigan n'yang nagrekumenda sa kanya doon. Dumaan muna ito sa gasoline station para magpakarga at nakita sa TV ng gas station ang pagkakahuli kay Malinao. Lalong nainis si Ruru sa pagkakalutas ni Chief Bern sa kaso ng drug-lord. Lumakad s'ya papunta sa kanyang kotse saka sumakay na, ii-start na sana n'ya ang kotse n'ya nang may napansin s'yang isang kotseng itim na nagpapakarga rin sa 'di kalayuan.
"Pamilyar 'yun ah!" bulong ni Ruru sa sarili saka napaisip ng malalim.
Bumukas ang pinto ng kotseng itim at nakita n'yang papasok doon ang isang lalaki na galing naman sa isa pang kotse at kilala n'ya ito.
"Chief Bern?" Bulong ni Ruru sa sarili.
Napansin rin ni Ruru ang isa pang lalaking nasa loob ng kotseng itim na sumalubong kay Chief Bern at kinamayan pa ito bago pumasok, halata sa mga mukha nilang masayang-masaya sila.
"Lopez!!?" gulat na sambit ni Ruru.
Kaagad na umalis ang kotseng itim na kinasasakyan nina Lopez at Chief Bern. Sinundan ni Ruru ang kotse. Sa kanyang pagdadrive, nagsuot ng cap si Ruru pati shades para 'di s'ya masyadong makilala kung sakaling makita s'ya ng mga ito. Tumigil ang kotse nina Lopez sa isang mamahalin na restaurant. At pumasok sina Lopez at Chief Bern, patagong sumunod si Ruru sa loob at minanmanan ang dalawa. Halatang kilala at madalas si Lopez sa lugar na 'yun. Pagkaupong-pagkaupo nina Lopez sa isang table, nakita ni Ruru na may inabot na isang briefcase si Lopez kay Chief Bern at bahagyang binuksan ito ng huli. Maliit man ang pagkakabukas ni Chief Bern, nasilip pa rin ni Ruru na maraming-maraming pera ang laman ng bag. Di nagtagal ay tumayo na ang dalawa matapos ubusin ang kanilang inorder. Agad na pumunta malapit sa may labasan si Ruru at nagtago sa ilalim ng table ng receptionist at doon ay nanatili. Nang makarating sa labasan sina Lopez at Chief Bern ay nagpaalamanan na ang dalawa.
YOU ARE READING
BEAUTIFUL DISASTER
Short StoryHe's Beautiful. She's Beautiful. But Together, they are a Disaster. But a Beautiful Disaster.