Sa bahay ni Kylie, nagsasaya at nagre-relax ang lahat ng CIT dahil Friday night at walang pasok kinabukasan.
"Ma'am, maging okay kaya ang program na 'to? Sa Monday na natin mami-meet 'yung SEX Team." Tanong ni Maggie kay Kylie habang nagsasalin ng inumin sa baso n'ya, "kakaiba ang name ng team nila!"
"I don't know. Sana... sabi naman daw nung Chief nila kay Chief Bern mababait daw 'yung mga makakasama natin at magagaling din." Sagot ni Kylie na nakaupo sa isang couch, "Let's hope for the best."
Tumayo si Kylie at kinuha ang atensyon ng buong team n'ya na magugulo rin at talagang nag e-enjoy.
"Guys, listen," nakatayong sabi ni Kylie, "Alam n'yo naman na for a year, magiging tahanan natin ang Station 3, at magkakaroon tayo ng bagong mga makakasama. Ang gusto ko lang, ay makikisama tayo ng mabuti at ayoko ng yayabangan ninyo ang team nila, well... team na pala natin."
Taimtim na nakikinig ang lahat.
"At kung mayroon mang mga problema, sabihin n'yo sa akin at kakausapin ko ang kanilang Team Leader na si... uhm--" nabiting sagot ni Kylie at nag iisip ng pangalan.
"Ma'am, si Ruru Gonzalez po!" pagsalong sagot ni James sa nabiting sinasabi ni Kylie.
"Yup, si Ruru Gonzalez, and I want you to call him "Sir". Dahil siya ang leader ng kabilang team, at mag mi-merge lang naman tayo, kaya Team Leader n'yo din s'ya. Huwag n'yong gagayahin 'yung ibang team members ng Station 1 na porke't part sila ng Station 1 ay wala nang galang sa mga Team Leaders ng ibang Stations." Paliwanag ni Kylie.
"Yes Ma'am!" masayang sagot ng buong team ni Kylie saka nagpatuloyang lahat sa pagsasaya at pagrerelax.
YOU ARE READING
BEAUTIFUL DISASTER
Short StoryHe's Beautiful. She's Beautiful. But Together, they are a Disaster. But a Beautiful Disaster.