Chapter 23

1.1K 49 2
                                        

Pumasok si Kylie sa Main Room ng HQ ng SEX-CIT galing sa lunch date nila ni Bob.

"Kumusta ang lunch, Ma'am?" tanong ni Timothy kay Kylie.

Ngumiti lang ang kilig na kilig na si Kylie.

Lumabas si Ruru galing sa office na sinundan ni Kylie ng tingin pero agad itong umupo sa couch kung saan nakaupo ang mga lalaking members at nakatitig lang sa isang lugar. Bumalik sa pakikipag-usap kina Timothy si Kylie.

Kina Ruru...

"Sir, okay ka lang?" tanong ni Decond.

"Yup. Bakit?" sagot ni Ruru.

"May kakaiba sa inyo?" sagot ni Decond.

"Wala naman. Mamayang gabi, Vince, sasama ako sa surveillance n'yo." Sagot ni Ruru, "kumusta ang lunch date ng Ma'am n'yo?"

"Mukhang okay naman po, Sir." Sagot ni Art, "okay ka lang ba talaga Sir?"

"Yup." Sagot ulit ni Ruru, "imi-meet natin si Hervi mamaya after ng surveillance."

"Hervi?" tanong ni Vince.

"Si Hervi, friend ko s'ya, inventor s'ya ng mga makabagong equipment at gadgets na pwede nating gamitin." Sagot ni Ruru.

"Talaga po? Wow!!!" manghang sabi ni Vince, "by the way Sir, ang hirap manmanan nina Lopez, ang hirap pag-aralan ng mga galaw. Parang wala namang ilegal silang ginagawa."

"Alam ko." Mahinahong sagot ni Ruru, "may... feeling ako---"

"Kay Ma'am Kylie?" sabat na tanong ni Art.

Napatingin si Ruru kay Art, "Feeling Art, hindi feelings!" sagot ni Ruru, "may feeling ako na kakaiba sa case na 'to, pero 'di ko pa sure eh, kaya sasama ako mamaya."

"So, may feelings ka nga po kay Ma'am?" tanong ni Art.

"Bakit ba ganyan ang mga tanong n'yo?" inis na tanong ni Ruru.

"Kasi Sir, magmula nung nalaman ni Sir Bob ang totoo, madalas ka na pong matamlay, 'di ka na light, feeling tuloy namin, nagseselos ka eh." Paliwanag ni Art.

Sumang-ayon naman ang lahat ng katabi nina Art at Ruru.

"Of course not!" depensa ni Ruru, "I don't even like her! NEVER!"

"Sir, umamin ka na! Sa amin ka pa ba magtatago? Eh kilalang-kilala ka namin." Sabat ni Thirdy.

"Oo nga naman Sir! Yung CIT pwede mo pang lokohin pero kami? Hinding-hindi mo maloloko, Sir!" sabat naman ni Firsty na ikinangiti ng bahagya ni Ruru.

Biglang pumasok si Booba sa Main Room kasama ang isang matandang babae, mga 65 years old.

"Sir Ru, si Nay Sonia, dinadalaw ka po..." Sabi ni Booba kay Ruru.

Kaagad na tumayo ang biglang natuwang si Ruru para salubungin si Nay Sonia, nagmano si Ruru saka yumapos, gayun din ang mga members ng SEX Team at kinausap s'ya ng mga ito.

"Sino s'ya?" pabulong na tanong ni Kylie kay Decond.

"Si Nay Sonia po, kaibigan namin! Naaksidente s'ya dati, si Sir Ruru ang tumulong sa kanya, dumadalaw po s'ya dito para lang kumustahin si Sir." Sagot ni Decond, "mabait 'yan Ma'am, anak na ang turing n'yan kay Sir, saka mayaman 'yan, madalas kaming dalhan ng mga pasalubong. Manghuhula rin s'ya, pero bihira s'yang manghula." Natatawang dugtong ni Decond.

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now