Chapter 24

1.3K 46 9
                                    


Isinama ni Ruru ang ibang members ng SEX-CIT sa kaibigang imbentor. Pinakitaan naman ni Hervi ng iba't-ibang mga equipment sina Ruru at ang mga kasama n'ya. Sobra ang pagkamangha ng lahat sa mga imbensyon ni Hervi at tinuruan ang mga ito kung paano gamitin.

Kahit madaling araw ay bumalik kaagad ng HQ sina Ruru at ang iba pa, dala-dala ang mga imbensyon ni Hervi na ibinigay sa kanila. Doon, minaster nila ang pag-gamit.

Nang dumating ang lahat sa HQ, namangha ang mga ito sa sobrang galing ng mga ibinigay ni Hervi.

"Nice weapons, Ru." Bati ni Kylie kay Ruru.

"Yup!" nakangiting sabi ni Ruru pero 'di tumingin kay Kylie, "mag-practice kayong gamitin ang mga gadgets na 'yan at itest n'yo lahat, para masanay tayo."

"Yes Sir!" sagot ng lahat na enjoy na enjoy sa mga bagong equipment.

Kinuha ni Ruru ang laptop n'ya, "I'm going out. Tawagan n'yo na lang ako 'pag kailangan n'yo 'ko."

Saka lumabas na si Ruru na hinabol ni Kylie ng tingin. Nagpatuloy pa rin sa pagsasanay ang lahat sa Main Room.

"May problema ba ang Sir Ruru n'yo?" tanong ni Kylie sa lahat, "mukha kasi s'yang malungkot."

Umiling lang ang lahat. Nagpatuloy ang pagiging cold at pag-iwas ni Ruru sa asawa na kahit kausapin s'ya ni Kylie ay panay ang tanggi at iwas nito.

***

Isang araw ay bumisita si Bob sa Station 3. Pinaupo ito sa isang couch at kausap ang ilang members ng SEX-CIT, ang iba'y nagti-train gamit ang mga gadgets galing kay Hervi. Nakaupo lang si Ruru sa isang sulok dahil naiilang kay Bob kaya nanonood na lang s'ya sa team n'yang nagsasanay. Lumapit si Kylie kay Ruru.

"Ru..." sabi ni Kylie, "nung sumama ako sa surveillance, mahirap mag imbestiga dun. Bakit ganito? Wala tayong makuha?"

Umupo si Kylie sa tabi ng kinauupuang couch ni Ruru at agad na tumayo si Ruru at pumunta sa may dispenser ng tubig at kumuha ng inumin.

"Maingat kasi sila." Sagot ni Ruru, "don't worry, pag-aaralan natin silang mabuti."

Lumapit si Kylie sa kinatatayuan ni Ruru, "Paano?" tanong ni Kylie.

Lumayo si Ruru at pumunta sa isang couch. "Okay naman 'yung pagpunta natin muna dun, sinundan namin 'yung isang truck nung isang gabi, pero wala namang ibang dala kundi mga furniture na sinasabi ni Lopez na negosyo n'ya." Sagot ni Ruru.

Lumapit ulit si Kylie kay Ruru, "what's our next step?" habol ni Kylie kay Ruru.

Lumayo ulit si Ruru kay Kylie, "pag-uusapan natin 'yan."

Lumapit si Kylie kay Ruru, "sinu-sino kaya ang mga kasabwat ni Lopez?"

"Pinaasikaso ko na 'yan kina James." Sagot ni Ruru habang lumalayo kay Kylie na parang may nakakahawang sakit ito.

"Bakit mo 'ko iniiwasan?" tanong ni Kylie.

"Huh?" gulat na nasabi ni Ruru, "hindi ah!"

Papalapit ulit sana si Kylie, "Pupunta ako sa Training Grounds ngayon." Agad na sabi ni Ruru na napalakas sa tensyon bago pa man tuluyang makalapit si Kylie.

"Talaga, Sir?" sabat ni Timothy, "di ko pa nati-try ang Training Grounds ng Station 3. Sama ako, Sir!"

"O-Okay, tara! Pero 'di kasing ganda ng TG ng Station 1 ang TG dito, pero kumpleto naman." Sagot ni Ruru.

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now